00:00Malabo na rao na makapag-chatcha o charter change sa Administrasyong Marcos, ayon kay Sen. J.B. Ejercito.
00:08Pinalutan yan matapos ang pagpapatibay ng Korte Suprema sa pagbasura sa impeachment complaint kay Vice President Sara Duterte.
00:14Ang Malacanang naman, sinabing hindi ito pinag-uusapan. Nakatotok si Jonathan Andal.
00:22Walang usapan ng chatcha sa Malacanang. Yan ang sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro.
00:29Matapos sabihin ni mismo Sen. President Tito Soto na susuportahan niya ang pagbabago sa konstitusyon o charter change.
00:36Matapos katigan ng Korte Suprema ang desisyon nito noong July 2025 na nagdedeklarang unconstitutional ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
00:46Sabi ng Palacio, nakatoon lang ngayon ang Pangulo sa ekonomiya at hindi pinag-uusapan ng chatcha sa huling meeting nito sa kanyang economic team noong biyernes.
00:54Pero sabi ni Yusek Castro, kung may mga nagawa ng hakbang tungkol sa chatcha, aaralin nito ng Pangulo.
01:00Sabi naman ni Sen. J.D. Ayers ito, malabo ng mabago ang konstitusyon sa ilalim ng termino ni Marcos Jr.
01:06Wala na, halos dalawang taon na na. Talagang mahirap na yata ihabol sa ngayon.
01:13Open po ako dyan, pero pag-aralan muna natin. Kasi pag binuksan mo yan, maaaring mabuksan na rin yung ibang mga bagay.
01:21Hindi lang yung isang probisyon.
01:23Sabi naman ng Akbayon Portilis na minorya sa Kamara, hindi ito ang panahon para sa chatcha.
01:28Sabi naman natin na pag binuksanang usapin ang pagbabago ng konstitusyon, abay kung saan saan pa din pumunta na yan.
01:35At yung greatest fear natin ay magamit yung pag-amendan sa konstitusyon para sa mga anti-people na mga amendments sa ating konstitusyon.
01:431987 pa ang konstitusyon. Halos apat na dekada na ang tanda.
01:46Kaya may mga mambabatas na nagsabing kailangan nang i-update ang saligang batas.
01:50Sa biyernes, February 6, tapos na ang one-year bar rule at pwede na ulit magsampa ng impeachment complaint laban kay VP Sara.
01:57Sabi ng Akbayon Portilis, kausap na nila ang mga citizen complainant na posibleng maghain ulit ng bagong impeachment complaint sa vice.
02:04Huwag lang daw sanang may mauna mag-file ng mahinang impeachment para lang umandar na ulit ang one-year bar rule.
02:10Samantala, ang impeachment complaint naman laban kay Pangulong Bongbong Marcos,
02:14sisimulan ng dinggin bukas ng House Committee on Justice sa pamumuno ni Congresswoman Gerval Luistro
02:19ang agenda initial consideration ng dalawang verified complaint sa Pangulo.
02:24Una, ang inihain ni Atty. Andre De Jesus at inendorso ni Congressman Jett Nisay ng Pusong Pinoy Portilis.
02:31Ikalawa, ang inihain ng Makabayan Coalition at inendorso ni na Act Teachers Portilis Rep. Antonio Tino,
02:38Gabriela Portilis Rep. Sara Elago at Kabataan Portilis Rep. Rene Co.
02:43Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Horas.
02:49Pusong Pinoy Portilis Rep. Rene Co.
02:52Pusong Pinoy Portilis Rep. Rene Co.