00:00Inilabas na ng Department of Budget and Management o DBM ang 1.19 trillion pesos national tax allotment sa mga LGU
00:08para sa kasalukuyang taon alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:13Nilagdaan na ang Special Allotment Release Order o SARO at ang kaukulang Notices of Cash Allocations
00:19dahilan para direktang pumasok ang 2026 budget sa mga authorized government servicing banks na mga LGU
00:26alinsunod sa umiiral na budgeting, accounting and auditing rules.
00:31Hakbang ito ng gobyerno para masigurong ang pondo ng pamahalaan ay ramdam ng taong bayan.
00:36Gayun din ang pagpapalakas ng kakayahan ng mga lokal na pamahalaang gampanan ng maayos ang kanilang mga tungkulin.
00:44Panawagan naman ng Pangulo sa mga LGU, gamitin ang budget para sa mga otorizadong pakay
00:51at sumunod sa reporting requirements bilang bahagi ng transparency at accountability standards ng pamahalaan.
Comments