00:00Sinuspindi na ang Department of Transportation ng operasyon ng buong passenger fleet ng shipping company na may-ari ng lumubog na MB Tricia Kirsten, 3 sa Basilan.
00:10Nagsagawa na rin o magsasagawa rin ang pamahalaan ng isang full-blown investigation para patukoy ang sanhinang trahedya at mapanagot ang mga dapat managot.
00:20Si Bernard Frey sa Sentro ng Balita.
00:22Nagpapatuloy ang search and rescue operations para sa sampung individual na nawawala matapos lumubog ang passenger cargo vessel na MB Tricia Kirsten, 3 sa karagatan ng Basilan.
00:36Nawawala pa rin ang walong crew, ang kapitan ng barko at isang Coast Guard Marshal.
00:40Kaugnay nito, bumuuna ang Philippine Coast Guard ng labing-anim na technical divers para tumulong sa operasyon.
00:46Ipapadala rin ang PCG ang kanilang remotely operated vehicle o ROV para sa mas malalim na pag-usuri sa pinangyari ng insidente.
00:55Batay sa pinakuling tala ng PCG, umabot sa 317 pasahero at 27 crew ang nakaligtas sa insidente, habang 18 ang kumpirmadong nasawi kabilang isang sanggol.
01:07Ipinaabot ni Department of Transportation Secretary Giovanni Lopez ang paykiramay ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. sa mga pamilya ng mga biktima.
01:15Pinatututukan din ang kalihim sa Maritime Industry Authority o Marina ang agarang pagproseso ng insurance claims na mga apektado ng insidente.
01:24Inatasan din ang DOTR ang Marina na magsumiti ng isang Maritime Safety Audit sa lahat ng domestic fleets sa bansa.
01:30Sa kasalukuyan, grounded ang lahat ng passenger fleet ng Allison Shipping Line, ang may-ari ng lumubog na MB Tricia Kirsten, 3.
01:38I-announce din namin na we are grounding the entire passenger fleet of Allison Shipping Line.
01:47And I'm asking Marina to conduct a Maritime Safety Audit together with Philippine Coast Guard kasama ng inspection, hindi lang po ng kanilang barko, kasama na rin po ng kanilang mga crew.
02:02Magsasagawa rin ang pamahalaan ng isang full-blown investigation upang matukoy ang sanhinang insidente at matukoy ang posibleng pananagutan ng mga kinaukulang ahensya at ng nasabing shipping line.
02:12Kung lalabas po sa investigasyon na meron pong pakukulang ang gobyerno, kung nakakaasa po kayo na niyayaringin, sisipakin, we will file appropriate cases.
02:28Ganon din po sa panig ng ship owner.
02:32Kung lalabas sa investigasyon na meron silang pakukulang, we will expect the full force of them.
02:40Napagalaman ng DOTR na mula noong 2019, umabot na sa 32 maritime incident ang kinasangkutan ng Allison Shipping Line.
02:48Bernard Ferrer para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments