Skip to playerSkip to main content
  • 2 months ago
Ilang pwesto na lumabag sa MSRP, inisyuhan ng Notice to Explain ng DA | ulat ni Vel Custodio

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Patuloy ang pag-inspeksyon ng Department of Agriculture
00:02kung na isa pagsunod sa maximum suggested retail price sa mga pamilihan.
00:07May mga inisyo nga ng notice to explain dahil sa paglabag sa itinakdang presyo.
00:12Yan ang ulat ni Vell Custodio.
00:24Isa lang ang pwesto na ito sa labing dalawang gulayan sa Munoz Market
00:28na inisyohan ng Department of Agriculture ng notice to explain
00:32matapos ang hindi pagsunod sa maximum suggested retail price.
00:37Ang naturang gulayan, kahit imported ang binibentang sibuyas,
00:41dineclare nila itong lokal dahil na ibibenta ang lokal na sibuyas ang P250 kada kilo,
00:47habang hanggang P150 lang ang MSRP sa imported red onion
00:52at P120 naman sa white onion.
00:55Sinasabi natin sa mga consumers ngayon,
00:57dati kasi pag imported, yung malalaki.
00:59Alam na alam mo imported, malalaki yun.
01:02Ngayon, may dumagating na pong mga maliliit kasi yun yung medium.
01:07Yun po kasi usually na itura ng lokal
01:09at yun po yung binibili na ating mga mamimili
01:11na pinapass off nila na lokal pero imported po talaga siya.
01:17Makaparehas na ang sukat ng lokal at imported na sibuyas
01:20pero ayon sa Department of Agriculture,
01:24hindi hamak na mas mahal ang lokal na sibuyas,
01:27lalo na ngayong manipis na ang supply nito sa mga cold storage facilities.
01:31Kaya para hindi maloko ang ating mga consumers
01:34sa pagkakaiba ng quality ng lokal at imported na sibuyas,
01:39ang lokal na sibuyas ay di hamak na mas tuyong-tuyo ang quality.
01:43Hindi pares itong imported na medyo basa
01:45at kung makapansin nyo ay madali itong tubuan ng dakon
01:49dahil mas maikli yung shelf life nito.
01:53Sa pag-iikot ng DA sa Palengke,
01:57nasa P180 pesos ibinibenta ang ilang mga imported red onion.
02:02Pero kahit na tumaas ang presyo ng sibuyas,
02:05hindi pa rin daw ito titipirin ni Hector.
02:07Sa budget talaga nag-a-adjust kasi masarap talaga yung pagkain natin, di ba?
02:11Usually, tayong mga Pinoy, pagka gisa-gisa natin talagang sibuyas talagang panlaban natin
02:18sa aroma, sa lasa, kaya adjust, budget ng adjust.
02:23Nagre-ready na kami for Christmas.
02:25Tsaka kasi mag-Christmas party kami.
02:27Discarte naman ni Suzy para makatipid.
02:30Hahatiin na lang ang isang sibuyas para sa dalawang putahe.
02:34Magbabawas ng bilhin kapag ano.
02:36Parang pagkasha.
02:38Bawa yung ano, yung pinagkakasha na lang yung sa sibuyas.
02:43Hahatiin.
02:44Yung tira is sa next meal.
02:46Parang gano'n.
02:46Kaya kasi naangkat lang din namin.
02:50Kaya sa balintawa, 120 o 150.
02:53Siyempre kailangan naming tumubo.
02:54Gawa nung malaki din ang binabayaran namin dito eh.
02:58Sana itong Pasko na to, mas mababa pa ng konti.
03:02Isa pa raw sa nagpapalugi sa mga retailer ay ang pagbili ng bultuhan.
03:07Kung minsan kasi, kahit na mas mura ang pagbili ng maramihan,
03:11nahaluan ito ng isang kilong reject o pabulok ng sibuyas,
03:15na hindi agad napapansin ang mga humahango.
03:18Kaya kami, ang binibili lang namin, yung tingi lang talaga,
03:21yung mga kilo-kilo lang.
03:23Samantala, dalawampung pwesto ng karning baboy
03:26ang hinainan din ang DA ng Notice to Explain
03:29dahil sa hindi pagsunod sa MSRP.
03:32Hanggang P340 lang dapat ang kilo ng kasim at pige,
03:36habang P370 naman sa liyempo,
03:39pero ibinibenta ito sa mas mataas sa presyo.
03:42Kasi sinasabi nila lagi, inahango lang nila yung kanilang mga produkto.
03:46Kasama naman po natin sila during mga stakeholders meeting, consultation.
03:51So kapag tayo po naman ay naglalabas ng MSRP,
03:55kinukonsult natin sila eh.
03:56So gusto natin malaman kung bakit po hindi sila nakakasunod lagi.
04:00Bagamat bahagyang nakakaapekto ang mataas na demand sa presyo ng karning baboy
04:05ngayong holiday season,
04:06ayon sa DA,
04:08hindi pa rin daw ito sapat na dahilan para lumabag sa MSRP,
04:12lalo na't may sapat na supply ng karning baboy.
04:15Pinoproseso na ng DA ang pagpasok ng mga produktong karne ng Food Terminal Incorporated
04:20para may murang opsyon na mga mamimili
04:23at mapababa rin ang presyo ng ibang produktong karne sa merkado.
04:28Sinusuri na ng DA ang kabuuan ng value chain,
04:31mula importer hanggang retailer,
04:33para malaman kung anong reklamo ang pwedeng ihain
04:36sa mga mauhuling nagnamanipula sa presyo ng mga produktong agrikultura.
04:40Profiteering, kung balakihan yan,
04:44pwedeng hoarding, pwedeng kartel.
04:46Kasi sabi nga natin,
04:47ang dating ng imported na onions ngayon,
04:50nasa 50 to 60 pesos lang.
04:51Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended