00:00Sinimulad na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board
00:04ang public consultation kaugnay ng iniling na fare increase sa mga public utility vehicles.
00:11Layunin ng consultation na ma-resolve ang may 37,000 na kabinbig detisyon at mosyon
00:17na isumite ng iba't ibang transport group.
00:20Si Bernard Ferrer sa sentro ng balita.
00:24Dapat hindi talaga taasan, dapat babaan pa.
00:27Ito ang hiling ni Cherry, lalo't hindi biro ang kanyang gastusin.
00:31Kwento niya, araw-araw siyang nagko-commute mula sa Nosedal Monte, Bulacan,
00:36patungo sa kanyang trabaho sa Makati.
00:38Mas lalo pang mahirap kapag inabutan siya ng rush hour.
00:42Aminado siya na malaki ang magiging epekto sa kanya
00:44kung magkakaroon ng pagtaasa kasalukuyang pamasahe sa pampublikong transportasyon.
00:49Malaking-malaki, kabawasan sa budget.
00:53Dagdag na rin po sa budget natin, pangangailangan sa pang-araw-araw.
00:57Sa public consultation ng LTFRB, pinakinggan ng hirit na aumento sa pamasahe sa PUV.
01:04Layunin ng konsultasyon ay presenta ang mga basihan ng fair adjustment,
01:09mangalap na opinion mula sa mga stakeholder,
01:11at matiyak ang transparency at partisipasyon ng publiko sa proseso.
01:16Bahagi ito ng hakbang ng LTFRB upang maresolba
01:19ang mag-37,000 na kabimbing petisyon at mosyon.
01:22It's a nationwide consultation kasi nakita po natin lahat ng petisyon e nationwide in scope.
01:28Pinagbigyan po natin lahat magsalita.
01:30We will be ready to submit our recommendation over the weekend.
01:34Sa kasalukuyan, 13 pesos ang minimum fair sa traditional na jeepney
01:39at 15 pesos naman sa modern jeepney.
01:42Hinihiling na itaas ito sa 15 pesos at 17 pesos para sa unang apat na kilometro.
01:47Sa airport taxi mula 75 pesos para sa unang limang daang metro,
01:52hinihiling na itaas ito sa 100 hanggang 150 pesos.
01:55Sa mga PUV particular sa city operation mula 13 pesos para sa ordinary
02:00at 15 pesos para sa aircon,
02:02hinihiling na gawing 15 at 17 pesos para sa unang limang kilometro.
02:08Sa provincial operation mula 11 pesos,
02:10ay hinihiling na itaas sa 12 pesos and 67 centavos para sa unang limang kilometro.
02:16Samantala sa mga point-to-point bus,
02:19hinihiling naman na itaas sa 30% ang pamasahe mula sa kasalukuyang regular fair.
02:24Sa mga Transport Network Vehicle Service o TNVS,
02:27mula 35 hanggang 55 pesos na base fair,
02:30hinihiling na itaas sa 55 hanggang 75 pesos.
02:34Huling nagkaroon ng umento sa pamasahe noong September 2022.
02:37Nahihirapan din naman kami dahil ayaw rin namin pahirapan yung ating mga commuters.
02:42Kailangan po namin ng pagtaas ng pamasahe para ho kami ay mabuhay.
02:46Samantala, nanawagan ng Lawyers for Commuter Safety and Protection sa pamahalaan
02:50na agarang ipamahagi ang fuel subsidies sa mga PUV driver na apektado ng pagtaas ng presyo ng langis.
02:56Nito lamang linggo,
02:58nagpatupad ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo,
03:0150 centimo sa kada litro ng diesel at piso sa gasolina.
03:05Bukod sa konsultasyon sa Quezon City,
03:07inatasan ni Chairman Mendoza ang mga regional director
03:10na magsagawa rin ng kani-kanilang public consultation
03:13at isumite ang mga resulta nito bagong November 14.
03:17Bernard Ferrer para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.