00:00Isinapubliko ng Philippine National Police ang resulta ng three-dimensional scan
00:04na isinagawa kaugnay sa pagkamatay ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral.
00:11Yan ang ulat ni Ryan Lasigas.
00:14Hindi tinulak kundi nagpadaos dos pababa ng bangin si dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral.
00:22Ito ang lumalabas sa resulta ng isinagawang three-dimensional o 3D scan
00:26ng Philippine National Police Forensic Group kaugnay sa pagkamatay ni Cabral.
00:30Ayon kay Police Col. Pierre Paul Carpio ng PNP Forensic Group,
00:34tugma ito sa mga galos na nakita sa kamay ni Cabral.
00:37Sa 3D scan ng crime scene, makikita din na nasa 0.2 meters lang
00:41ang layo ng pinagbagsakan ni Cabral mula sa dulo ng bangin kung saan siya huling nakitang nakaupo.
00:47So kung pinulak ito, chances are lalayo pa pa siya doon.
00:51So makikita niyo dito na ang kamay niya, yung palm ng kamay niya ay may gasgas din po.
00:58Pati yung likod may gasgas din po.
01:00So ang laki po ng probabilidad na nagpadaos dos po talaga siya.
01:04At the same time, yung layo po ng katawan niya doon sa base of the ravine
01:09ay nasa 0.2 to 0.8 meters lang po ang layo.
01:15So it correlates and it confirms yung possibility at yung napakataas na probabilidad na ganun po ang nangyari.
01:25Sa mga larawang inilabas ng PNP, makikita na nagkalasug-lasog ang katawan ni Cabral.
01:30Umabot daw kasi sa halos 17 metro o katumbas ng 6 hanggang siyam na palapag ng gusali
01:36ang taas kung saan nahulog si Cabral.
01:38Lumalabas din sa embisigasyon ng PNP na nakaapekto ang antirepressant na ininom ni Cabral bago ang insidente.
01:44At kabilang daw sa side effect nito ang pagkakaroon ng suicidal tendency sa nakainom nito.
01:51Yes, kasi isa sa mga primary actions po ng serotonin re-uptake na ito,
01:57anti-psychotic drugs or antidepressant drugs, is pinapakalma po niya yung tao.
02:03So parang mas madaling magkaroon ng decision making.
02:07Usually, nagkakaroon nga ito sila ng suicidal behavior.
02:10That's why isa ito sa mga tinitingnan, minomonitor ng ating mga doktor na may S2.
02:19That's why it is a regulated drug.
02:21Samantala nakumpleto na ng forensic group ang DNA examination sa labi ni Cabral.
02:26Git ni Carpio, handa na sila para sa cross-matching pero hinihintay pa nila
02:30ang reference sample mula sa kamag-anak ni Cabral para makumpara ito.
02:34Sa kabila naman ng kakulangan ng DNA sample mula sa kamag-anak, sinabi ni Carpio na sapat na ang tugmang fingerprint test ni Cabral
02:42para makumpirmang sa kanya nga ang katawan na natagpuan sa Tuba Bingget.
02:46So with that fingerprint identification and confirming the identity of Yusek Cabral, identity through fingerprint,
02:56ay na-confirm po natin yun.
02:58Yung po ay nagbigay ng kalinawan na ang ating cadaver is the late Yusek Maria Catalina E. Cabral.
03:08Si Cabral ay isa sa dalawang itinuturing na principal architects sa isyo ng flood control mess.
03:15Ryan Lisigues para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments