00:00Hindi na kasamang overloading sa mga iniimbisigang anggulo ng Philippine Coast Guard sa paglubog ng Roro sa Basilan.
00:0718 ang patay at mula sa Sambanga City, saksilay si Jonathan Nanda.
00:13Jonathan?
00:15Pia, 10 pa rin ang hinahanap ngayon sa dagat ng Basilan.
00:19Wala po yan sa igit 300 sakay na pasahero ng lumubog na Roro doon.
00:24Kasama po sa nawawala, yung mismong kapitan ng barko.
00:27Pati po isang tauhan ng Philippine Coast Guard na nagsilbing sea marshal doon sa barko.
00:34Nawawala rin po ang isang sundalo habang kumpirmadong patay naman ang isang pulis na kapwa-pasahero po ng lumubog na Roro.
00:42Ang sabi ng hepe ng Philippine Coast Guard, search and rescue pa rin at hindi retrieval ang operasyon nila ngayon
00:49dahil umaasa pa rin daw silang matatagpuan ng buhay yung sampung nawawala.
00:57Kanya-kanyang kapit sa mga pampalutang ang mga pasaherong ito habang humihingi ng saklolo sa gitna ng dilim sa gitna ng dagat.
01:07Ilan lang sila sa mga sakay ng MV Trisha Kirstin III na lumubog malapit sa Balok-Balok Island, Basilan, pasado hating gabi kanina.
01:15Sa isang video, makikita pa ang mga pasaherong nagmamadaling magsuot ng kani-kanilang life vest hanggang sa tuluyan ng lumubog ang barko.
01:31Agad namang rumispon din ang Philippine Coast Guard nang matanggap ang distress call.
01:35Isinakay ang mga nasigip na pasahero sa mga rescue vessel.
01:44At dinala sa Isabela City Port, Holo Port at Zamboanga City Port.
01:50Isa sa mga nakaligtas si Patraliza.
01:52Biglang talaga yung nangyari sir, parang kaya namin parang mag-stay lang yung pag-alagos.
01:58Biglang na, biglang na matabingi.
02:01Yung mata, nag-aparik na sila.
02:04Tapos yun na, yung pag-pag-an yan sir, doon na naulog na yung mga iba.
02:09At hindi pa kung ano nang maglamo ka pero huwag yung parang paraan.
02:12Sakay rin ng barko ang school principal na si Rasula Waludin.
02:17Narinig na lang daw nila ang isang security officer ng barko na nag-aanunsyong kumuha na ng lifejacket.
02:23Doon na raw na taranta ang mga pasahero at may ilang tumalon sa dagat.
02:27May lifejacket o kayo?
02:28Meron naman.
02:30Pero karamihan wala.
02:32Wala silang information na nagsabi na may nangyariyari na.
02:36Tapos ang sinabi lang nila,
02:38kung hakayo ng lifejacket, talubog na yung barko.
02:41So nagpangikan lahat po sa ang tao sa itaas.
02:44Seconds lang.
02:47Seconds lang.
02:48Dalawang oras daw na nagpalutang-lutang sa dagat si Rasula bago dumating ang rescue.
02:54Nahiwalay rin daw siya sa mga kapwa teacher.
02:56Nananawagan ako sa mga pamilya ko.
02:59Huwag kayong mag-alala.
03:00Hindi siya nakamiligtas.
03:01Papuntang Sulu ang barko.
03:04Nagaling Zamboanga at may sakay na 317 na pasahero at 27 na crew.
03:10May karga rin itong truck.
03:11Sa bilang na yan, 316 ang nasagip.
03:14Labing walo naman ang narecover na labi.
03:16Ayon kay Philippine Coast Guard Commandant Ronnie Gavan.
03:19Sampu pang sakay ng barko ang nawawala.
03:21Kabilang ang walong crew.
03:23Nakalubog pa rin ang barko.
03:25Natinatayang nasa lalim na 76 meters.
03:27Sa isang pahayag, sinabi ng may-ari ng barko na Allison Shipping Lines Incorporated
03:37na agad silang nag-activate ng quick response measures
03:39at nag-deploy ng mga sasakyan pandagat nang matanggap nila ang distress call.
03:44Nakikipag-ugnayan daw sila sa mga otoridad habang patuloy ang search and rescue operations.
03:48Nagpabot din sila na pakikiramay sa lahat ng sakay ng barko pati na sa mga pamilya nila.
03:53Iimbestigahan ng Philippine Coast Guard at Marina ang trahedya.
03:56Ayon kay PCG Commandant Gavan ruled out na ang anggulong overloaded.
04:01Updated din daw ang Passenger Ship Safety Certificate ng barko hanggang October 2026.
04:06Ang titignan daw nila ay kung ano ang nangyari kasama na ang lagay ng panahon.
04:11Inisyal na nakita ang Passengeri Weather.
04:15Ayon sa mga opisyal ng Basilan, maayos naman daw ang panahon ng umalis ang barko sa pantalan kagabi.
04:20Base sa report na nakuha ng PCG at ni Basilan Governor Mujib Hataman,
04:24tumagilid ang barko sa kapinasukan ng tubig.
04:27May nagsasabi rin daw na pinasok na ng tubig ang barko bago pa ito tumagilid.
04:31Mabilis din daw lumubog ang barko.
04:33Aalamin naman kung may sinalubong na malalaking alon ang barko.
04:37We used naman a systematic base of search and rescue approach.
04:40Kasama po yun yung pag-compute ng current sa area na yan.
04:44Yung lakas ng hangi din. So kasama yan.
04:46Si Pangulong Bongbong Marcos iniutos ang agarang paghahatid ng tulong sa mga nakaligtas na pasahero.
04:51Ang DSWD po ay inutosan na po ng Pangulo para po mabigyan ng karampatang tulong
04:56ang ating mga babayan na naapektuhan po nito at nabiktima po sa nasabing incident.
05:02Sa ngayon nasa compound ng Philippine Ports Authority sa Zambuanga
05:04ang mga survivor na lumubog ng barko.
05:07Binigyan sila rito ng paunang lunas.
05:09Nagsagawa rin dito ng profiling at pagbibigay ng ayuda na 20,000 peso cash,
05:13bigas at relief goods mula sa Zambuanga City Hall, DSWD at sa shipping line.
05:23Pia, itong ipapakita ko sa inyong video ay aerial footage ng Philippine Coast Guard
05:28sa may dagat ng Basilan kung saan po lumubog yung barko.
05:31Ang sabi po ng PCG, meron pong silang nakitang oil sheen o manipis na langis.
05:38Ang sabi ni PCG Commandant Gavan, may kargang 25,000 liters ng diesel fuel
05:44ang lumubog na roro.
05:45Pero, nag-evaporate naman daw ito sa natural na paraan.
05:48Kaya, hindi pa nila ngayon kinukonsidera ang paggamit ng oil dispersant
05:52para hindi maapektuhan ang marine ecosystem doon.
05:55Yan mo ng latest live mula rito sa Zambuanga City.
05:59Ako po si Jonathan Andal, ang inyong saksi.
Comments