00:00.
00:30Si Michael, excited na bumiyahe pa Maynila para manood sana ng laban ng Filipino tennis ace na si Alex Ayala sa Philippine Women's Open ng WTA 125.
00:44Pero sold out na raw ang ticket at ground pass na lang ang kanyang nakuha.
00:49Malungkot lang po kasi. Actually, galing pa po kami Tugigaraw. Tugigaraw pa po kami galing para makapanood po sana.
00:57Gayun pa man, todo cheer pa rin si Michael para kay Ayala.
01:01Ilan pa sa mga nanood at nag-cheer sa unang laban ni Alex sa WTA 125 ay ang kanyang mga tiyahin at pinsan.
01:08You see, she's really that nice girl, mabait na bata, very grounded and we love her for that. She has a very nice personality.
01:19She's always active in our family gatherings so I'm very thankful for that. She doesn't forget family.
01:25Kinakausap daw nila ang team ni Alex ngayon kung kakayanin ba ang isang salo-salo kasama ang buong pamilya habang nasa Pilipinas bago tumungo si Alex sa kanyang susunod na laban abroad.
01:37Pero...
01:37We tried pero talagang sobrang tight daw. Her skeds in Manila is very very tight. But we're just happy to be able to see her.
01:44Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Sorian, ang inyong saksi.
Comments