Skip to playerSkip to main content
Hindi overloaded o lagpas sa kapasidad ang barkong lumubog malapit sa Basilan, ayon sa Philippine Coast Guard. Labingwalo sa mga sakay nito ang nasawi. Sampu ang nawawala pa. Mula sa Zamboanga City, may live report si Jonathan Andal. Jonathan?


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Hindi overloaded o lagpas sa kapasidad ng barkong lumubog malapit sa Basilan, ayon sa Philippine Coast Guard.
00:0618 sa mga sakay nito ang nasawi. 10 ang nawawala pa.
00:11Mula sa Zamboanga City, may live report to Jonathan Andal.
00:14Jonathan.
00:19Atom, sabi ng Philippine Coast Guard, hanggang ngayong gabi, meron pa rin silang search and rescue operations sa dagat ng Basilan.
00:24Hindi pa rin daw kasi sila nawawala ng pag-asa na makikita pa rin ng buhay.
00:28Yung sampu pang nawawalang sakay ng lumubog na MV Tricia Kirsten 3.
00:37Biglang nagising ang mga sakay ng roro na MV Tricia Kirsten 3 pasado hating gabi.
00:42Lumulubog na pala ang barko na galing Zamboanga at patungong Sulu.
00:49Napasuot sila ng life vest.
00:50May ilang pumunta sa gilid hanggang tuluyang lumubog ang barko sa dagat malapit sa Balok Balok Island, Basilan.
00:58Sa gitna ng dilim, palutang-lutang sa Sulusi ang mga pasahero.
01:03Desperado sa paghingi ng saklolo.
01:05Todo kapit ang ilan sa mga pampalutang.
01:11Nakaresponde ang mga otoridad.
01:13Ang mga nasagip, tinala sa mga pantalan ng Isabela City, Basilan, Hulo, Sulu at Zamboanga City.
01:19Agad ginamot ang mga sugatan at binigyan ng pagkain at kumot.
01:22Ang DSWD po ay inutosan na po ng Pangulo para po mabigyan ng karampatang tulong ang ating mga kababayan na naapektuhan po nito at nabiktima po sa nasabing insiden.
01:33Sa ilang nakaligtas, sariwa pa ang sinapit nilang bangungot.
01:37Ang gising namin po, kumigilid na ganyan.
01:40Tapos na gano'n.
01:41Seconds lang nagkukuha na kami lahat ng mga lifejacket.
01:44At buwan na kami para sa buhay namin.
01:46May lifejacket o kayo?
01:48Meron naman.
01:49Pero karamihan wala.
01:51Wala silang information na nagsabi na may nangyayari.
01:55Tapos ang sinabi lang nila,
01:57kuha kayo ng lifejacket,
01:59talubog na yung margo.
02:00So nagpanikan lahat po sa ang tao sa itaas.
02:03Two hours ago po kami na-rescue.
02:07Hindi pa kung ano nang lumungo pero ginawa pa rin para makaserve ako.
02:12Ayon sa Philippine Coast Guard,
02:13316 ang nasagip,
02:16kabilang ang 13 polis.
02:18Isang polis naman ang kasama sa 18 nasawi.
02:22Sampu pa ang nawawala.
02:23We used naman a systematic base of search and rescue approach.
02:27Kasama po yun yung pag-compute ng current sa area na yan.
02:30Yung lakas ng hangin din.
02:31So kasama yan.
02:32Isa sa hinahanap,
02:33ang lolang kasama ang limang kaanak.
02:36Si Nordice Ondalisawabi po yung pangalan niya.
02:39Baka may makakita ko sa kanya.
02:41Sabi, yung naano pa daw yung barko,
02:44hindi pa tumaob talaga.
02:46Magkasama pa sila.
02:48Pero yung naglakihan na daw yung alon,
02:51no, nasiparit na sila.
02:52Nawawala rin ang on-duty cadet sa barko na si Kyle Ponsalang.
02:57Ayon sa kanyang kapatid,
02:58nakapagpadala pa si Kyle ng mensahe
03:00na tumatagilid na ang kanilang barko.
03:03Sa aerial inspection ng Philippine Coast Guard,
03:06kita malapit sa pinaglubugan ng barko
03:07ang mga lumulutang na gamit ng mga pasahero at debris.
03:11May bakas din ang oil sheen o langis.
03:13Magtutulungan ang PCJet Maritime Industry Authority o Marina
03:16sa pag-iimbestiga sa paglubog ng barko.
03:19Batay sa ulat ng PCJet ni Basilan Governor Mujib Hataman,
03:23tumagilid ito at pinasokan ng tubig.
03:25May nagsabi rin, pinasok na ng tubig ang barko bago tumagilid.
03:28Aalamin kung may sinalubong na malalaking alon ang barko.
03:32Sisilipin din ang seaworthiness nito.
03:34Batay sa website na marintraffic.com,
03:371995 ginawa ang barko sa Japan at binili ng Allison Shipping Lines.
03:42Sabi ng Allison, nang matanggap nila ang distress call,
03:44agad silang nag-activate ng quick response measures
03:47at nag-deploy ng mga sasakyang pandagan.
03:49Nakikipag-ugnayan daw sila sa mga otoridad
03:51habang patuloy ang search and rescue operations.
03:54Nagpabot din sila ng pakikiramay sa lahat ng sakay ng barko,
03:57pati na sa mga pamilya nila.
04:00May teorya naman sa paglubog si Zamboanga City Mayor Kimer Adan Olaso.
04:05Dati siyang kapitan ng barko at asawa
04:07ng isa sa mga may-ari ng Allison Shipping Lines.
04:10Basta may pumutok to na parang malakas sa baba.
04:12Sa baba kung nasan yung mga sasakyan ko?
04:14Saan yung mga sasakyan?
04:15Baka yung lashing.
04:16Yung lashing materials, yung tumatali sa mga sasakyan.
04:21Kasi pag humampas yun, malakas yun eh.
04:24So baka yun ang maaaring naputol at nag-giveaway.
04:28Tumagilit siya yung mga equipment, yung mga truck
04:31na wala ng stability, yung cargos,
04:33nag-ship siya sa one side lang lahat.
04:36Ni-rule out na ng PCG na overloaded ang Roro.
04:40352 ang maximum passenger load nito.
04:42344 ang sakay ng pasahiro at crew ng madisgrasya ito.
04:45May karga rin mga truck ang Roro.
04:48Sabi rin ang marina, naglayag sa pinahintulutang kapasidan ang Roro.
04:56Atto, may pito pang pasahiro ang nagpapagaling sa iba't ibang hospital dito sa Zamboanga City.
05:01Ayon po yan sa City Social Welfare Office.
05:03Ang sabi naman po ng mayor ng Zamboanga City,
05:05merong sampung survivor na pinili pa rin pong maglayag ngayong gabi.
05:10Papunta pa rin po ng Sulu.
05:12Sakay po ang ibang barko ng Allison shipping lines na nilibre naman daw yung kanilang ticket.
05:17Yan muna ang latest mula rito sa Zamboanga City.
05:20Balik sa'yo, Atom.
05:20Maraming salamat, Jonathan Andat.
Comments

Recommended