Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Vinyl po ngayon ang video ng git-gitan at habulaan ng dalawang sasakyan sa bahagi ng Pasay City.
00:07Bumaba pa ang isa sa mga driver na isang vlogger at nilapitan ang nakagit-gitang sasakyan.
00:15Kinatok ng vlogger ang bintana at nagbitiw ng hindi magagandang salita sa driver.
00:20Tila hinampas pa niya ang bintana ng sasakyan.
00:23Nagkasagutan pa ang magkabi ng panig.
00:25At dahil sa insidente, naglabas ng LTO ng show-cost order sa vlogger.
00:30Sinispay din na rin ang siyam na pong araw ang kanyang lisensya at naka-alarma na ang kanyang sasakyan.
00:36Ipatatawag din ang LTO ang nakaalitang driver ng vlogger.
00:40Itirakda sa February 23 ang confirmation of charges hearing sa kasong Crimes Against Humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Tutente.
00:48I-deneklara ng pre-trial chamber ng ICC na fit o kaya ng dating Pangulong na humarap sa paglilitis.
00:56Saksi si Salimarefran.
01:01Fit o nasa maayos na kalagayan para makibahagi sa pre-trial proceedings at maging sa confirmation of charges hearing si dating Pangulong Rodrigo Tutente.
01:11Yan ang desisyon ng International Criminal Court Pre-Trial Chamber 1 matapos matanggap at mabusisi ang report ng tinalaga nitong panel of independent medical experts na sumuri kay Duterte.
01:24Matatanda ang pinagpaliban ng confirmation of charges hearing na dapat sana ay noong September ng nakaraang taon.
01:30Dahil sabi ng kampo ni Duterte ay hindi siya fit to stand trial.
01:34Git noon ang depensa, lumala ang medical situation ni Duterte at nahihirapan ang maunawaan ng ebidensya laban sa kanya, maging intindihin ang mga direktiba ng kanyang mga abugado.
01:46Sa 25 pahin ng desisyon ng pre-trial chamber 1, nakitang efektibong na ipapatupad ni Duterte ang kanyang mga procedural rights at makakabahagi si Duterte sa pre-trial proceedings.
01:58Itinakda ang confirmation of charges hearing ni Duterte sa February 23.
02:03Hindi ba malinaw kung personal nahaharap sa pagdinig si Duterte?
02:08Maglalabas naman ang pre-trial chamber 1 ang schedule at direktiba para sa pagdinig, kabilang na ang mga hakbang para matiyak ang sitwasyong medikal ni Duterte.
02:17Pinahaharap si Duterte sa kasong Crimes Against Humanity, paugnay ng kanyang madugong kampanya kontra droga.
02:24Para sa GMA Integrated News, sanima refrahan ang inyong saksi.
02:30Hindi na kasamang overloading sa mga inibisigang anggulo ng Philippine Coast Guard sa paglubog ng Roro sa Basilan.
02:37Labing walo ang patay at mula sa Sambanga City, saksi live si Jonathan Nanda.
02:44Jonathan?
02:45Pia, sampu pa rin ang hinahanap ngayon sa dagat ng Basilan.
02:50Wala po yan sa higit tatlong daang sakay na pasahero ng lumubog na Roro doon.
02:54Kasama po sa nawawala, eh yung mismong kapitan ng barko.
02:58Pati po isang tauhan ng Philippine Coast Guard na nagsilbing sea marshal doon sa barko.
03:05Nawawala rin po ang isang sundalo habang kumpirmadong patay naman ang isang pulis na kapwa-pasahero po ng lumubog na Roro.
03:12Ang sabi ng hepe ng Philippine Coast Guard, search and rescue pa rin at hindi retrieval ang operasyon nila ngayon
03:19dahil umaasa pa rin daw silang matatagpuan ng buhay yung sampung nawawala.
03:30Kanya-kanyang kapit sa mga pampalutang ang mga pasaherong ito habang humihingi ng saklolo sa gitna ng dilim sa gitna ng dagat.
03:37Ilan lang sila sa mga sakay ng MV Trisha Kirstin III na lumubog malapit sa Balok-Balok Island, Basilan, pasado ating gabi kanina.
03:50Sa isang video, makikita pa ang mga paseherong nagmamadaling magsuot ng kanikanilang life vest hanggang sa tuluyan ng lumubog ang barko.
03:58Agad namang rumispon din ang Philippine Coast Guard nang matanggap ang distress call.
04:08Isinakay ang mga nasigip na pasahero sa mga rescue vessel.
04:11At dinala sa Isabela Cityport, Holoport at Zamboanga Cityport.
04:21Isa sa mga nakaligtas si Patraliza.
04:23Sa kairing ng barko ang school principal na si Rasula Waludin.
04:46Narinig na lang daw nila ang isang security officer ng barko na nag-aanunsyong kumuha na ng life jacket.
04:53Doon na raw na at taranta ang mga pasahero at may ilang tumalon sa dagat.
04:57May life jacket o kayo?
04:59Meron naman.
05:01Pero karamihan wala.
05:03Wala silang information na nagsabi na may nangyanyari na.
05:07Tapos ang sinabi lang nila,
05:09kuha kayo ng life jacket, talubog na yung barko.
05:12So nagpangikan lahat po sa ang tao sa itaas.
05:14Sakaas.
05:16Seconds lang.
05:17Seconds lang.
05:19Dalawang oras daw na nagpalutang-lutang sa dagat si Rasula bago dumating ang rescue.
05:24Nahiwalay rin daw siya sa mga kapwa teacher.
05:26Nananawagan ako sa mga pamilya po.
05:29Huwag kayong mag-alala.
05:31Hindi siya nakaliligtas.
05:33Papuntang Sulu ang barko.
05:35Nagaling Zamboanga at may sakay na 317 na pasahero at 27 na crew.
05:40May karga rin itong truck.
05:41Sa bilang na yan, 316 ang nasagip.
05:44Labing walo naman ang narecover na labi ayon kay Philippine Coast Guard Comandant Ronnie Gavan.
05:49Sampu pang sakay ng barko ang nawawala, kabilang ang walong crew.
05:54Nakalubog pa rin ang barko na tinatayang nasa lalim na 76 meters.
05:58Sa isang pahayag, sinabi ng may-ari ng barko na Allison Shipping Lines Incorporated na agad silang nag-activate ng quick response measures.
06:10At nag-deploy ng mga sasakyan pandagat nang matanggap nila ang distress call.
06:14Nakikipagugnayan daw sila sa mga otoridad habang patuloy ang search and rescue operations.
06:19Nagpabot din sila na pakikiramay sa lahat ng sakay ng barko pati na sa mga pamilya nila.
06:23I-imbestigahan ang Philippine Coast Guard at Marina ang trahedya.
06:27Ayon kay PCG Commandant Gavan, ruled out na ang anggulong overloaded.
06:32Updated din daw ang passenger ship safety certificate ng barko hanggang October 2026.
06:37Ang titignan daw nila ay kung ano ang nangyari kasama na ang lagay ng panahon.
06:45Ayon sa mga opisyal ng Basilan, maayos naman daw ang panahon ng umalis ang barko sa pantalan kagabi.
06:50Base sa report na nakuha ng PCG at ni Basilan Governor Mujib Hataman,
06:55tumagilid ang barko sa kapinasokan ng tubig.
06:58May nagsasabi rin daw na pinasok na ng tubig ang barko bago pa ito tumagilid.
07:02Mabilis din daw lumubog ang barko.
07:04Aalamin naman kung may sinalubong na malalaking alon ang barko.
07:08We use naman a systematic base of search and rescue approach.
07:11Kasama po yun yung pag-compute ng current sa area na yan.
07:14Yung lakas ng hangin yan, so kasama yan.
07:16Si Pangulong Bongbong Marcos iniutos ang agarang paghahatid ng tulong sa mga nakaligtas na pasahero.
07:21Ang DSWD po ay inutosan na po ng Pangulo para po mabigyan ng karampatang tulong
07:26ang ating mga babayan na naapektuhan po nito at nabiktima po sa nasabing incident.
07:32Sa ngayon, nasa compound ng Philippine Ports Authority sa Zambuanga
07:35ang mga survivor na lumubog ng barko.
07:37Binigyan sila rito ng paunang lunas.
07:39Nagsagawa rin dito ng profiling at pagbibigay ng ayuda na 20,000 peso cash,
07:44bigas at relief goods mula sa Zambuanga City Hall, DSWD at sa shipping line.
07:54Pia, itong ipapakita sa inyong video ay aerial footage ng Philippine Coast Guard
07:59sa may dagat ng basilan kung saan po lumubog yung barko.
08:02Ang sabi po ng PCG, meron pong silang nakitang oil sheen o manipis na langis.
08:08Ang sabi ni PCG Commandant Gavan, may karagang 25,000 liters ng diesel fuel
08:14ang lumubog na roro.
08:16Pero, nag-e-evaporate naman daw ito sa natural na paraan.
08:19Kaya, hindi pa nila ngayon kinukonsidera ang paggamit ng oil dispersant
08:22para hindi maapektuhan ang marine ecosystem doon.
08:26Yan mo ng latest live mula rito sa Zambuanga City.
08:29Ako po si Jonathan Andal, ang inyong saksi.
08:33Ilang malalang trahedya sa dagat na rin ang nangyari sa Pilipinas
08:36noong mga nakaraang dekada.
08:38Nangyari po ang pagkasunog at paglubog ng MV Doña Pass
08:41matapos itong mabangga ng isang oil tanker malapit sa Tablas Strait
08:45sa pagitan po yan ng Marinduque at Mindoro noong December 20, 1987.
08:52Magit 1,800 ang opisyal na tala ng nasawi.
08:57Pero may mga ulat na nagsasabi na sa 4,000 ang namatay.
09:0126 lang ang nakaligtas.
09:03Magit 250 naman ang nasawi sa paglubog ng MV Doña Marilin
09:09sa pagitan ng Cebu at Maspate noong October 24, 1988.
09:14Ang MV Princess of the Orient lumubog noong September 18, 1998,
09:20malapit naman sa Fortune Islands sa Batangas.
09:2270 ang patay habang 80 ang nawawala
09:26basa sa ulat ng Board of Marine Inquiry.
09:29June 21, 2008, lumubog naman sa bahagi ng Cebuyan Island sa Romblon
09:35ang MV Princess of the Stars.
09:38Magit 430 ang nasawi habang magit 600 ang nawawala at hindi na nakita pa.
09:45Gone for Hire ang isa sa tinitingnan angulo sa pananambang
09:50kay Sharifagwak Mayor Ahmad Mitra Ampatuan.
09:54Nigtas ang alkalde habang sugatan ng kanyang dalawang security escort.
09:59Saksi si June Veneracion.
10:03Sa kuang ito, makikita ang isang lalaking armado ng rocket-propelled grenade o RPG
10:09na wungaba mula sa nakaparadang minivan at may inasinta.
10:15Sina po nito ang likuran ng isang SUV.
10:24Sakay ng bulletproof na SUV si Sharifagwak Mayor Ahmad Mitra Ampatuan
10:29na nakaligtas sa pananambang.
10:31Pero sugatan ang dalawa niyang security escort.
10:33Stable na ang kanilang kondisyon.
10:37Ayon sa polisya, nakaabante pa ang SUV
10:40at takaganti pa ng putok ang mga security escort ng alkalde.
10:45May follow-up vehicle.
10:48Sakay doon yung ilang mga security din ni Mayor.
10:52Yung mga securities niya, sir, nakapag-retaligate sa mga suspects.
10:58But dalawa sa securities niya ay wounded din kanina.
11:03Both ay may tama sa left side ng abdomen.
11:08Ayon sa polisya, papauwi na si Mayor Ampatuan ala sa isdang umaga kahapon ng tambangan.
11:16Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspect.
11:20Pero naabutan at naharang sila ng mga polis at sundalo
11:23sa ikinasang hot pursuit operation sa kalapit na bayan ng Datu-Unsay.
11:28Tatlong suspect ang patay kabilang ang nagpaputok ng RPG.
11:32Nakatakas naman ang driver ng minivan.
11:34Base sa embestikasyon ng PNP, magkakamag-anak ang apat na suspect.
11:39Ini-establish po nila mami yung kung kanilang pag-establish ng motibo.
11:42Kumukuha sila po ng mga bidensya kung ito po yung mga hired killers.
11:46Sa embestikasyon, lumabas na may tatlong wild to arrest sa iba't ibang kaso gaya ng murder.
11:52Ang napatay na suspect na gumamit ng RPG.
11:55Iniimbestigahan pa paano sila nakakuha ng ganong klaseng armas.
11:59Nakita po sa initial investigation na kung bakit po gumamit ng posible ng RPG
12:03dahil alam po nila na bulit po ang sasakyan.
12:05Kung ito yung tinamaan ng solid, mag-iiba, mag-imarahil, mag-iiba po ang kwento ng nangyari ng silindi po.
12:11Sa utos ng liderato ng PNP, bumuunan ng Special Investigation Task Group
12:15para imbestigahan ng ambush at mga tukoy kung sino ang mga nasa likod dito.
12:21Lumalabas din na pang-apat na beses na pala itong mahilagtangka sa buhay ng mayor ng bayan ng Sharif Agua.
12:29Sa isang press call ngayong araw, sinabi ni mayor ang patiwan na hindi ordinaryong tao
12:33ang may kakayahang gumawa ng pagtatangka sa kanyang buhay.
12:36Hindi ko akalayan na mga ganon mangyari sa akin.
12:39Sinong tao na ganon na kalakas na bari na bari sa akin?
12:44Tanong pa ng alkalde.
12:46Bakit siya binawian ang security detail?
12:48Bigla lang naalis yung escort ko.
12:50Doon na nagpasok yung lahat ng threats sa akin na amusin ako.
12:55Ipinagutos na ng Malacanang ang mabilisang paglutas na krimen.
12:58Kinukondina po ng Pangulo ang nangyari niyan.
13:00At dahil sa kanya pong pag-uutos at direktiba,
13:05agad-agad din pong kumilos ang DILG, pati po ang PNP.
13:10Para sa GMA Integrated News,
13:12June Van Rasyon ang inyong saksi.
13:15Inirefer na po sa House Committee on Justice
13:17ang dalawang verified impeachment complaint laban kay Pangulong Bobong Marcos.
13:22At dahil dito, nagsimula na ang one-year bar rule
13:24o yung pong pagbabawal sa pagsampan ng panibagong impeachment complaint
13:28laban sa Pangulo sa loob ng isang taon.
13:31Alinsunod po yan sa Rules of Procedure and Impeachment Proceedings ng Kongreso.
13:36January 19, inihain ng isang abogado ang unang reklamo
13:40na inendorso ni House Deputy Minority Leader at Pusong Pinoy Party List Representative,
13:45Journey Jet Mijay.
13:47Official na rin pinanggap kanina na House Secretary General
13:50ang ikalawang reklamo na inihain ng grupong bayan
13:54at inendorso ng mga kongresista ng makabayan block.
13:58Wala pang pahayag ang malaka niya ang kagunay sa pag-refer
14:00ng dalawang reklamo sa Justice Committee.
14:03Pero dati na nilang sinabi na handa ang Pangulo sa mga reklamo
14:06at malakas ang loob niyang wala siyang nilabag na anumang batas.
14:11Mga kapuso, maging una sa saksi.
14:16Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube
14:18para sa ibat-ibang balita.
Comments

Recommended