00:00Itirakda sa February 23 ang confirmation of charges hearing sa kasong Crimes Against Humanity
00:06laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:08I-deneklara ng pre-trial chamber ng ICC na fit o kaya ng dating Pangulo na humarap sa paglilitis.
00:16Saksi si Salima Refran.
00:21Fit o nasa maayos na kalagayan para makibahagi sa pre-trial proceedings
00:26at maging sa confirmation of charges hearing si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:31Iyan ang desisyon ng International Criminal Court Pre-Trial Chamber 1
00:35matapos matanggap at mabusisi ang report ng tinalaga nitong panel of independent medical experts na sumuri kay Duterte.
00:43Matatanda ang pinagpaliba ng confirmation of charges hearing na dapat sana ay noong September ng nakaraang taon
00:49dahil sabi ng kampo ni Duterte ay hindi siya fit to stand trial.
00:54Git noon ang depensa, lumala ang medical situation ni Duterte
00:58at nahihirapan ang maunawaan ng ebidensya laban sa kanya
01:02maging intindihin ang mga direktiba ng kanyang mga abugado.
01:06Sa 25 pahay ng desisyon ng pre-trial chamber 1
01:09nakitang efektibong na ipapatupad ni Duterte ang kanyang mga procedural rights
01:14at makakabahagi si Duterte sa pre-trial proceedings.
01:18Itinakda ang confirmation of charges hearing ni Duterte sa February 23.
01:23Hindi pa malinaw kung personal nahaharap sa pagdinig si Duterte.
01:27Maglalabas naman ang pre-trial chamber 1 ang schedule at direktiba para sa pagdinig
01:32kabilang na ang mga hakbang para matiyak ang sitwasyong medikal ni Duterte.
01:37Pinahaharap si Duterte sa kasong Crimes Against Humanity
01:40paugnay ng kanyang madugong kampanya kontra droga.
01:44Para sa GMA Integrated News,
01:47Sanima Refrahan ang inyong saksi.
01:49Mga kapuso, maging una sa saksi.
01:53Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments