00:00.
00:30Ang ating embahada sa Washington D.C. nagpaalala sa mga Pilipino roon na maghanda at sumunod sa mga babala ng mautoridad.
00:41Pinaiiwas din nila mga Pilipino na maglakbay o bumiyahe sa gitna ng winter storm.
00:47Nauwi sa rambulan ang kasayahan sa isang birthday party sa Kayentarizal na damay pati ilang aawat lang.
00:55Nakatutok si Jomera Presto.
01:00Pag kalabas ng bahay ng lalaking ito, nilapitan niya ang isa pang lalaki sa Flora Street, Barangay Santo Domingo sa Kayentarizal, pasado alauna ng madaling araw kanina.
01:09Maya-maya, sinundan siya ng kanyang asawa.
01:12Tila nagkaroon ng komprotasyon na magkabilang panig.
01:15Hanggang sa sinuntok ng lalaki ang isa pang lalaking nakapula na agad tumumba.
01:20Sinuntok niya rin ang lalaking una niyang nilapitan pero nakailag ito.
01:24Kumuha naman ang bote mula sa saradong tindahan ng isa pang lalaki at inihagis ito sa nanununtok.
01:30Tumakbo rin papunta sa tindahan ng babae.
01:32Kumuha ng bote at akmang ibabato rin sa ibang tao.
01:35Maya-maya, isang lalaki ang sumipas sa babae.
01:38Sa kuhang ito, may kita na sinusubukan ng awati ng ilang residente ang mga nag-aaway.
01:43Pero hindi sila nagpaawat.
01:46Natigil ang gulo na dumating ang mga taga-barangay.
01:48Ayon sa barangay, naalimpungatan ang lalaking lumabas ng bahay at ang asawa nito.
01:54Ilang kabataan daw kasi ang nagiinuman kanina.
01:57Dalawang beses na umano silang inikutan ng barangay bago napatigil.
02:01Habang nagliligpit, doon na daw lumabas ang lalaki.
02:04Di umano ay mayroong karamdaman yung kanya may bahay.
02:08Kaya siya ay lumabas at na kanya din nga sinabihan.
02:13Mayroong daw birthday kaya sila nagiinuman.
02:16Sa isa pangangulo ng CCTV, kitang isang lalaki na kumuha pa ng malaking bato habang papalapit sa nag-aaway.
02:23Hindi na nakita sa video pero pagbalik ng lalaki, wala na ang hawak niyang bato.
02:28Maya-maya, halaman naman ang kanyang kinuha at inihagis.
02:31Ayon sa barangay, dati nang may hidwaan na magkabilang panig pero hindi na nila ito idinitalye.
02:37Humigit kumulang sa dalawa po yung mga kabataan.
02:39Hindi naman lahat ay mga minors. May mga nakahalo lang talaga.
02:45Sinubukan namin makausap ang lalaking unang nasuntok.
02:48Hindi siya humarap sa kamera pero kwento niya, sinubukan niya lang umawat pero nadamay pa siya.
02:53Desidido raw siya magsampa ng reklamo.
02:55Hindi na namin nakausap ang lalaking na alimpungatan umano dahil sumailalim din siya sa medikal.
03:01Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok. 24 oras.
03:06Ibinida ang mga kwento at tradisyon ng mailonggo sa kasadyahan sa kabanwahanan na isa sa mga pinaka-inaabangan sa Dinagyang Festival 2026.
03:17At mula sa Iloilo City, nakatutokla si John Sala ng GMA Regional TV.
03:22Mayong hapon, John!
03:23Pia, may yaman sa kultura at tradisyon ang probinsya ng Iloilo pero hindi mo na nga kailangang libutin pa ang buong probinsya para ma-experience ito
03:37dahil kanina nga ay nasaksiyan ito sa performances ng mga tribong kalahok sa kasadyahan sa kabanwahanan 2026.
03:43Todo hataw sa paghiyaw ang mga bisitang nakikisaya sa kasadyahan sa kabanwahanan.
03:55Ito ang isa sa highlights ng taon ng Dinagyang Festival o Pista ng Santo Niño ng mga taga-Iloilo.
04:00Walong grupo mula sa iba't ibang bayan sa probinsya nagpakitang gila sa kanilang makukulay na performance
04:06gamit ang naglalakihang props at tradisyonal na kasuotan.
04:10Ipinakita ng bawat grupo ang kanika nilang interpretasyon ng ganda at saya na kapistahan.
04:16Namanghang mga manunood sa energy, talento at syempre, magpapakita ng mga kwento at tradisyon ng Iloilo.
04:24Yung mga mga ganda performance ng mga nakasumali.
04:28Madami kami nakita na hindi pa kami nakikita and ang gagaling ng mga municipalities at yung mga dancers talaga. Colorful.
04:37Ayon sa ilang turista, maliguradong babalik sila sa susunod na taon dahil sa world-class performances ng mga tribo.
04:46Mula sa Iloilo Freedom Grandstand, nagsasagawa ng street dance sa mga kalahok papunta ng Wervana Street sa La Paz
04:52at dediretsyo na sa Iloilo Sports Complex.
04:55Ngayong gabi gaganapin ang religious sadsad sa San Jose Parish Placer
04:58at bukas ng umaga, idaraos ang Dinagyang Tribes Competition kung saan pitong tribo ang maglalaban-laban.
05:10Pia, kasabay nga ng pagdiriwang ng Dinagyang Festival dito sa Iloilo City
05:13ay ang pagtagsa din ng mga local at foreign tourists
05:16kaya naman nakabantay ang otoridad sa mga kalsada at lahat ng festival sites dito sa Iloilo City.
05:23Yan ang latest mula dito sa Iloilo City. Balik sa inyo, Pia.
05:26Salamat, Gid! John Sala ng GMA Regional TV.
Comments