24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:33Bumaba rin ang driver ng sasakyan at lumapit sa mag-ina.
00:36Nagtamo ng sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan ng biktima na nasawi.
00:41Bali, nakasakay sila ng tricycle.
00:44Yung mother, magbibigay ng kuhan, pamasaki.
00:48Akala niya yung anak niya nasa loob pa ng tricycle.
00:51Siya tapos sa likod ng tricycle, bumaba, tapos sabay takbo.
00:56Wala pang pahayag ang mga kaanak ng biktima.
00:59Posibleng maharap ang driver sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide.
01:04Sinisikap ng GMA Regional TV na magkuhanan ng pahayag ang driver ng pick-up na nasa kustudiya ng pulisya.
01:10Para sa GMA Regional TV at GMA Integrated News, CJ Torida.
01:16Nakatutok 24 oras.
01:20Pinedeport ng Russian vlogger na hinuli dahil sa pambabastos ng ilang Pilipino para sa kanyang vlog.
01:26Plano rin ipadeport ang isa namang Estonian vlogger na nanghaharas din umano ng mga Pinoy for the content.
01:34Nakatutok si Rafi Tima.
01:35Matapos makulong ng ilang buwan, diniport na kahapon pabalik sa Russia ang vlogger na si Vitaly Sodorovitsky.
01:45Inaresto si Vitaly matapos mag-viral online dahil sa panggugulo at pambabastos ng ilang Pinoy noong nakarang taon para sa kanyang vlog.
01:52Sa inquest proceedings, inamin ni Vitaly ang mga ginawa niyang pangaharas para sa kanyang vlog.
01:57Sinubukan din niyang magbayad ng piyansa pero tinanggin ito ng BI.
02:01Sa kanyang deportation order, tinawag siyang isang undesirable alien.
02:05Ayon sa BI, blacklisted na sa Pilipinas si Vitaly.
02:09Sa Dumaguete City, Negros Oriental, inaresto naman ng isang Estonian vlogger.
02:19Inareklamo si Sim Rusipo ng harassment dahil sa pagkuha o muna niya ng video ng walang pahintulot.
02:25E diniklara ng sangguni ang panglungsod ng Dumaguete City ang vlogger na persona non grata.
02:30If somebody was offended, I'm very sorry about this. Maybe my understanding of the situation was wrong.
02:37Binigyang diin naman ni BI Commissioner Joel Viado na hindi content playground ng Pilipinas.
02:42Hindi raw dahilan ng pagwavlog para mangharas at manggulo ng mga Pilipino.
02:46Plano ng BI na ipadeport ang Estonian vlogger.
02:49Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Oras.
02:54Nakatanggap ang Food and Drug Administration o FDA ng mga ulat ng epekto sa kalusugan,
03:01kaugnay sa pinarekol ng mga batch ng infant formula product ng isang kumpanya.
03:06Nakatutok si Athena Imperial.
03:10As of January 15, nakatanggap ang Food and Drug Administration ng 25 ulat kaugnay sa mga pinarekol ng mga batch
03:19ng infant formula products ng Nestle Philippines na Nan OptiPro at NanKid OptiPro.
03:26Sa labing walong ito, may health concerns na napansin sa mga batang nakainom na mga naturang infant formula.
03:32Kabilang sa mga sintomas ay pagsusuka, pagdudumi, pananakit ng tiyan at ibang kondisyon.
03:39Ilan dito, nangangailangan ng atensyong medikal.
03:42Sabi ng FDA, nire-review nila ang bawat report at kinakoordinate din sa mga kinauukulang ahensya.
03:49Nakikipag-ugnayan din sila sa Nestle Philippines Incorporated na inatasang regular na mag-ulat kaugnay sa ipinatupad na voluntary recall ng mga produkto.
03:59Bukod sa pagbabantay sa kalagayan ng mga bata,
04:02hinikayat din ng FDA ang publiko na iulat sa kanila ang mga insidente kaugnay nito.
04:08Noong January 9, inanunsyo ng Nestle Philippines ang voluntary precautionary recall ng ilang batch ng Nan OptiPro at Nan Kid OptiPro
04:18dahil may nadetect na posibleng issue sa kalidad ng isang ingredient mula sa kanilang leading supplier.
04:25Ayon sa website ng Nestle Global, nagpatupad sila ng recall ng mga batch ng kanilang mga infant formula sa mahigit 60 bansa at territories na karamihan ay nasa Europa.
04:38Sa bagong pahayag ng Nestle Philippines, sinabi nilang nakikipag-ugnayan sila sa FDA
04:43ukol sa mga naiulat na sintomas na posibleng may kinalaman sa mga ni-recall na batch ng kanilang mga produkto.
04:51Naiintindihan daw nila ang concern ng mga magulang at prioridad daw nilang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at magbigay ng tulong.
05:00Sinimulan na nila ang voluntary recall bilang pag-iingat matapos nilang ma-detect ang mababang level ng hindi nila tinukoy na substance sa isang ingredient mula sa global supplier.
05:12Paglilinaw rin ang Nestle, walang itinakdang food safety thresholds ang health authorities kaugnay ng naturang substance.
05:19Wala pa rin na nilang malinaw na datos na nag-uugnay sa epekto nito sa kalusugat.
05:24Sa kabilaan nila ng kawalan ng safety at regulatory limits, nagdesisyon silang magsagawa ng voluntary recall.
05:32Patuloy raw silang nakikipagtulungan sa FDA at nagbibigay ng mga kailangang update para masigurong nasusuri ang lahat ng report.
05:41Para sa GMA Integrated News, Athena Imperial nakatutok, 24 oras.
Be the first to comment