State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Ayan, babaril!
00:05Yuko, yuko, yuko, yuko!
00:07Nataranta ang mga motorista sa sunod-sunod na putok ng mga baril sa Kalawag Quezon kahapon.
00:13May police checkpoint pala roon para masukol ang target nilang AUV na sakay ang dalawang sampot umano sa gun for hire.
00:20Nakunan sa isa pang dashcam video ang AUV na nag-counterflow at muntik pang matumbok ang kasalubong na sasakyan.
00:26Ayon sa Quezon Provincial Police Office, nakatunog ang dalawang sospek sa ikinasang by bus operation at tumakas.
00:33Nasawi sa enkwentro ang dalawang sospek na dati na raw may mga kaso.
00:37Wala namang nasawi o nasugatan sa mga polis.
00:40Narecover ang mga baril at bala mula sa pinangyarihan ng insidente.
00:44Patuloy ang investigasyon sa dalawa at sa lawak ng kanilang operasyon.
00:49Tumatawid ngayong gabi sa Northern Luzon ang Bagyong Isang.
00:52Nagpapaulan yan pati ang hangi habagat sa iba't ibang lugar sa bansa.
00:56Binahana naman ang ilang bahagi ng Metro Manila, pati Manila City Hall at tapat ng Senado.
01:02May report si Darlene Cai.
01:03Nagmistulang ilog ang Calao Avenue sa Maynila dahil sa taas ng baha, resulta ng ulang-dala ng Bagyong Isang at Habagat.
01:15Halos di makadaan ang mga sasakyan pati ambulansya.
01:18Kung hindi stranded, ang ilang sasakyan, lubog at tumirik pa.
01:23Ang mga namamasada maging ang mga delivery rider, apektado ang kita.
01:27Baha rin sa Taft Avenue.
01:29Sa kanto ng Taft at Pedro Hill Street, nakalubog sa hanggang tuhod na baha ang mga nakapilang pasahero paakyat ng LRT1 Pedro Hill Station.
01:37Sa binaharing panulukan ng Taft at United Nations Avenue, pahirapan din ang biyahe.
01:41May mga naglutangan pang basura.
01:45Mismong ang Manila City Hall, hindi nakaligtas sa baha.
01:48Sa paligid kasi, lubog sa tubig ang madaraanan, gaya sa Antonio Villegas Street, pati sa Padre Burgo Street.
01:55Sa labas ng City Hall, napasakay sa pushcart ang abugadong ito ng Public Attorney's Office Manila para makatawid sa baha.
02:02May kailangan kasi siyang daluhang pagdinig sa korte.
02:06Ayon sa lokal na pamahalaan, nasa 30% ng lungsod ang binaha ngayong araw.
02:12Nalubog din ang ilang bahagi ng Pasay City.
02:14Tumirik ang motorsiklong ito sa hanggang hitang tubig sa Jocno Boulevard.
02:19Baha rin sa labas ng Senado kaninang umaga.
02:23Sumilong tuloy ang ilang pari at miyembro ng simbahan na nagprepare rally para iprotesa ang mga anomalya sa flood control projects.
02:33Mag-aalas just kanina ng mag-landfall sa kasiguran aurora ang bagyong isang.
02:37Lumakas ang hampas ng hangin doon, kaya naputol ang supply ng kuryente sa ilang lugar.
02:44Sa bayan ng Dingalan, kinansil ang klase sa lahat ng antas sa mga privado at pampublikong paaralan.
02:50Sa mga karatig probinsya, nakaranas na rin ng mga pagulan dahil sa bagyo, gaya sa Isabela, Nueva Ecija at ilang bahagi ng Ilocos Norte.
03:00Kahit sa mga lugar na hindi tinatahak ng bagyo, ramdam ang pag-ulan dahil sa habagat.
03:05Sa Dato Blasensuwa at Maguindanao del Norte, nakataob at halos lumubog na sa rumaragas ang tubig ang pickup na yan.
03:12Ligtas ang tatlong sakay nito.
03:15Sa San Vicente, Palawan, gumuho na ang lupa malapit sa kalsada dahil sa dalawang araw ng pag-ulan.
03:21Halos apat na oras stranded ang mga motorista.
03:26Sa sindangan Zamboanga del Norte, tinawid ng ilan ang ilog habang buhat ang kabaong mula sa burol.
03:38Nagmistulang ilog naman ang bahagi ng National Highway sa Tantangan, South Cotabato.
03:43Maraming bahay din ang pinasok ng tubig.
03:45Maging ang ilang bahay sa Sen. Ninoy Aquino Sultan Kudarat, pinasok ng tubig dahil sa mabilis na pag-apaw ng sapa.
03:53Darlene Kai, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:57Pinabulaanan ng Sunwest Incorporated na nag-collapse ang mga dike project nito.
04:01Sa isang pahayag, sabi ng Sunwest, walang pinsala sa dalawang flood control projects nila sa mga bayan ng Rizal at San Jose sa Occidental Mindoro,
04:10maliban na lang sa maliit na bitak sa barangay Aguas Dike.
04:13Tinatay ang tatlo hanggang apat na metro lang daw ang crack sa flood control project nila roon.
04:18Wala pa raw itong isang porsyento ng kabuoang haba ng proyekto na nasa 567 meters.
04:25Sisimulan daw bukas ang pagkukumpi ni rito, batay sa warranty commitments ng kumpanya.
04:29Panibagong kaso ng modus na malaalis mo ang nabisto ng mga otoridad sa arestado nilang Chinese National na may kaumanong siya ng mga dokumento para palabasing Filipino siya at makakunghan ng Philippine passport.
04:44Nagtayo siya rito ng mga negosyo at isa rin umanong honorary consul.
04:48May report si Rafi Tima.
04:49Pagkarating mula Hong Kong, hindi mga kaanak ang sumulubong sa negosyanteng Chinese na ito sa NIA Terminal 3,
04:59kundi mga tauhan ng AFP Intelligence Service at Bureau of Immigration.
05:03Inaresto siya dahil sa huwad na pagkakakilanlan bilang Pilipino.
05:07Isang source ang nagpakita sa GMA Integrated News ng Philippine passport na ilan taon ang gamit ng suspect.
05:13Nakasaad doon na Pilipino ang pangalan niya at ipinanganak siya rito sa bansa.
05:16Nakita po ng ating mga immigration officers na subject siya ng isang mission order at ng isang investigation po
05:23for allegedly using falsified documents para makuha po itong kanyang Philippine documents or Philippine identity.
05:33Dati na raw siyang nasampahan ng parehong kaso pero nabasura dahil kulang sa ebidensya.
05:37Ang difference po doon sa kaso niya ngayon is that may nakita na po na Chinese name niya at Chinese identity niya
05:44at yun po ang nagmatch doon sa records natin.
05:48Nagmatch ang fingerprints na inaresto sa fingerprints na isang Chinese citizen
05:51na dating na may long-term visa at alien certificate registration identity card.
05:56Ayon pa sa source, dahil may record ng pagkapilipino ang suspect,
05:59nakapagpatayo siya ng mahigit 30 kumpanyang may kinalaman sa pagmimina
06:03kasama rin siya sa mga business at economic organization.
06:06May website pang nagpapakitang honorary council siya ng Lao People's Democratic Republic sa Davao City
06:11at hanggang noong September 2024 ay may aktibidad pa siya bilang honorary consul.
06:17Tinawagan namin ang numero ng Lao Embassy sa Pilipinas
06:19at ang honorary consulate ng Lao pero walang sumasagot sa aming tawag.
06:23Very similar doon sa case ni former Bamban Mayor Alice Guwo.
06:27Ito ay nakikita namin as a major national security issue
06:31kasi nagagamit po yung mga Philippine documents and Philippine identities.
06:36Hindi prinisinta sa media ang Chinese national
06:39pero ayon sa immigration nakakulong na siya sa BI detention facility
06:42at na-inquest na sa reklamong paglabag sa Philippine immigration laws.
06:46Ina-expect po natin na may mga kakaharapin pa siyang local cases here in the Philippines.
06:51Sa amin po umaandar ang kanyang deportation case
06:54ngunit hindi po natin mai-implement yan hanggat hindi pa po natatapos
06:58ang mga local cases niya po dito sa Pilipinas.
07:01Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:08Naaagnas ng matagpuan ang katawan ng isang ginang sa Misamis Occidental
07:12ang pumaslang umano sarili niyang anak.
07:16Masangsang na ang amoy na umlingasaw sa bahay ng biktima
07:19kaya tumawag ng otoridad ang mga kapitbahay.
07:22Nasa ilalim ng higaan ang biktima na binalutan ng klasik ang ulo.
07:26Pag amin umano ng labin limang taong gulang na bunsong anak nito,
07:30nasuntok niya ang ina matapos magkaalitan
07:32nang hindi siya bigyan ng pagkain.
07:35Natumba ang ina at dumugo ang ulo.
07:37Itinago niya raw ang katawan nito.
07:39Ayon sa pulisya, lagi raw nag-aaway ang mag-ina.
07:42Hawak na nila ang binatilyo na isa sa ilalim sa drug test
07:45at psychological evaluation.
07:47Sasampansya ng PNP ng reklamong parricide.
07:50Pinawalang sala ng Sandigan Bayan Special 3rd Division
07:53ang mag-amang Jejomar at Junjun Binay
07:55sa mga kaso kaugnay sa pagpapatayo
07:58ng Makati City Hall Parking Building.
08:00Ayon sa Korte,
08:01bigo ang prosekusyon na patunayang
08:03guilty beyond reasonable doubt
08:05sa graft, malversation,
08:07at falsification of public documents ang dalawa.
08:10Absuwelto rin ang 22 iba pang kapo akusado.
08:13Sa humigit kumulang 20 kasong isinampa laban sa kanila.
08:17Pinababawi rin ang anti-graft court
08:19ang whole departure order
08:20laban sa mag-amang Binay at iba pang akusado.
08:24Tumangging magpaunlak ng panayam ang pamilya Binay.
08:272016 ang magpa siya ang ombudsman
08:29na may probable cause para kasuhan
08:31ang mag-amang Binay at iba pa
08:32kaugnay sa umano'y maanumalyang pagtatayo
08:35ng gusali sa halagang 2.2 billion pesos
08:38mula 2007 hanggang 2013.
08:41Kung kailan magkasunod
08:42na nalibihang Alkade ang mag-ama.
08:45Nararanasan ngayon sa trabaho
08:47hindi lang yung quiet quitting
08:48o pumapasok na lang kahit wala ng gana.
08:51Meron ding mga sawa na sa trabaho
08:53pero hindi magawang mag-resign.
08:55Yan ang quiet cracking.
08:57Kung bakit nararanasan ang mga yan,
08:59alamin sa report ni Bon Aquino.
09:00Nag-trabaho bilang service crew sa restaurant
09:07ang 19 years old na tawagin nating Vince
09:10pero dahil anya sa pinagsama-samang pressure
09:13at dami ng trabaho.
09:15Di na po ako nagpapakitang gilas ko gano'n
09:17something like that na
09:18di na po ako nag
09:20di na po ako namamotivate.
09:23Matapos ang sampung buwan,
09:24nag-resign siya.
09:26Ayon sa isang human resources consultant,
09:28isa sa mga senyales na nagka-quiet quitting
09:31ng isang empleyado.
09:32Kapag wala na siyang motivation,
09:34Yung hinihintay niya na lang na ma-fire siya,
09:36wala na yung productivity niya.
09:38Ang team manager naman na si JR
09:40di niya tunay na pangalan.
09:42Nakaranas daw ng tinatawag namang quiet cracking.
09:45Nilayo ko yung sarili ko sa mga tao.
09:48Kung baga nagtrabaho ako ng sarili ko lang.
09:50Ang empleyadong nagka-quiet cracking.
09:52Ginagawa pa rin naman ang kanyang trabaho.
09:54Pero...
09:55Parang ginagawa niya na lang kung ano yung pinapagwa sa kanya.
09:57Naka-autopilot.
09:58Ilan sa mga posibleng dahilan
09:59na pagka-quiet quitting o quiet cracking
10:02ay problema sa pamilya.
10:04Kawala ng structured career path.
10:07Conflict sa kapwa empleyado o superior
10:09at di naayong sweldo.
10:12Payo niya sa employers.
10:13Regular check-ins.
10:15Yung...
10:15Hindi lang kamusta ka.
10:17Yung mas mararamdaman nung tao
10:19na belong siya na,
10:20oh, kamusta yung family mo.
10:22Mararamdaman niya na
10:22hindi siya takot mag-share.
10:24Gumawa ng mga wellness programs
10:26katuwang ang mga mental health professionals.
10:29Malaki naman daw ang benepisyo sa kumpanya
10:31kapag napangalagaan ang mental health ng mga empleyado.
10:35Less yung drama sa workplace.
10:37Less yung drama.
10:39Mas productive yung company.
10:42Na-achieve yung goals.
10:44Payo naman ang isang psychiatrist
10:46kung nagka-quiet quitting o cracking na sa trabaho.
10:49Una, hanapin ang ugat ng dissatisfaction.
10:52Pangalawa, i-communicate ito sa boss, supervisor o katrabaho.
10:57Mainam din anyang balikan ng dahilan
10:59kung bakit pinili ang trabaho sa umpisa.
11:02Para bumalik yung kanyang reason for being there.
11:05Kasi sometimes na due to the stress ng work,
11:08nawawala tayo sa focus.
11:09Pero kung nakakaranas na ng panic attack,
11:12distress, depression at anxiety,
11:15huwag mag-atubiling humingi ng tulong.
11:17Tiyakin din daw na makapagpahinga,
11:19mag-relax at gawin ang mga aktibidad
11:21na makakapagpasaya sa iyo after work hours
11:24para ma-recharge.
11:26Von Aquino, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:30Meron ka bang manok o pambatong putahe?
11:33Kung hanap mo iba sa panlasa,
11:35pwedeng subukan ang malatino lang luto
11:36pero angat ang lasa ng tanglad.
11:38E paano kung ang paa ng manok may sipa ng tamis?
11:42Matakam sa report ni Ian Cruz.
11:44Ang paa ng manok,
11:49hindi lang patok na laman siyan sa kalsada,
11:52dim sum sa Chinese cuisine
11:54o pulutan sa inuman.
11:56Sa Pangasinan,
11:58binigyan yan ng kakaibang sipa.
12:01Sing tamis ng tosino,
12:03yan ang tosi sipa.
12:05Pakukuloan na tatanggalan ng buto ang paa.
12:07Ipinoproseso ito at hinahaluan ng karina
12:10at marinated sauce na may samot sa aring sangkap
12:13gaya ng cornstarch,
12:15pineapple juice at itlog.
12:18Hinaluan din ng mga pampalasang bawang,
12:20asin, paminta,
12:21asukal,
12:22sarsa at toyo.
12:24Ang resulta,
12:25manamis-namis na lasa
12:27gaya ng tipikal na tosino.
12:30From Pangasinan,
12:31lipad tayo sa pampanga
12:33para sa luto sa manok na swak,
12:36lalo kapag maulan o malamig.
12:39Parang tinola,
12:40pero ang lasa,
12:41pinatingkad ng tanglad
12:43na sagana sa lubaw.
12:45Ang salemanok,
12:46iginigisa ang manok sa sibuyas,
12:48bawang,
12:49luya at tanglad,
12:50saka pakukuloan.
12:52Para mas sumarapang sabaw,
12:54ilalagyan ito ng patis.
12:56Minsan na rin nagdaos ng pista,
12:58para ipagmalaki ang ulam na ito
13:00na tatak-kabalin.
13:03Ian Cruz,
13:04nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:07Huwag magpahuli sa mga balitang
13:09dapat niyong malaman.
13:10Mag-subscribe na
13:11sa GMA Integrated News
13:13sa YouTube.
Comments