Skip to player
Skip to main content
Search
Connect
Watch fullscreen
Like
Bookmark
Share
More
Add to Playlist
Report
State of the Nation: (Part 1) Habagat Season; Kaso vs. Teves; Atbp.
GMA Integrated News
Follow
8 months ago
#gmaintegratednews
#gmanetwork
#kapusostream
#breakingnews
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
News
Transcript
Display full video transcript
00:00
Music
00:04
Makapal na usok ang bumalod sa residential area na yan sa Lapu-Lapu City sa Cebu.
00:10
Nasa labing dalawang bahay ang nasunog ayon sa CDRRMO.
00:14
Mahigit isang daang residente ang inilikas.
00:17
Patuloy pang inaalam ang sanhit ng sunog.
00:21
Music
00:22
Sa Bulacan-Bulacan, nasawi ang magkapatid na minor de edad at pinsan nilang isang taong gulang matapos matrap sa bahay nilang nasunog.
00:33
Bago lumaki ang apoy, nakita o manong nagliyab ang isang extension wire sa loob ng bahay.
00:38
Inabot ng kalahating oras bago naapula ang sunog.
00:43
It's been raining in Manila at asahang dadalas yan ngayong ayon sa pag-asa, habagat season na.
00:49
Pero sa Pasay City, hindi lang maulan, naging maalikabok pa.
00:54
May report si Tina Panganiban Perez.
01:00
Nabagsakan ng mga sanga ang bubong ng tindahan ito sa Tupi South Cotabato.
01:09
Kasunod yan ang malabuhawing hangin doon na may kasamang ulan.
01:13
Bukod sa tubig ulan, nagbagsakan din ang hailstones o butil-butil na yelo.
01:26
Dahil sa nanalasang thunderstorm, isang taniman ng papaya ang nasira.
01:31
Ayon sa Tupi Police, pitong bahay sa anim na barangay ang napinsala matapos mahulugan ang kahoy.
01:38
Labing apat naman ang sugatan.
01:40
Ngayong hapon, bumulaga ang malakas na ulan sa Metro Manila.
01:47
Gaya sa Makati City.
01:49
Sa San Juan, na perwisya ng ulan ang mga motorista sa Bonnie Serrano Avenue.
01:55
Umulan din kanina sa Maynila.
01:57
Gaya sa UST, ipinagpaliban nalang bukas ang baccalaureate mass ng graduating students.
02:03
Abot hanggang Quezon City ang masamang panahon.
02:05
Asahang dadalas na ang mga ito, lalo sa kanlurang bahagi ng bansa ngayong habagat season.
02:12
Ayon sa pag-asa, dahil yan sa paghina ng easterlies o may init na hanging galing Pacific Ocean,
02:18
maging ang mababang level ng southwesterly winds at frontal system.
02:22
Pero hindi pa opisyal ang tag-ulan.
02:24
Ayon sa pag-asa, posibleng ideklarayan sa susunod na dalawang linggo sa Pasay City.
02:30
Hindi lang umulan kanina.
02:35
Tila nagkadaas storm din.
02:37
Ilang lugar kasi ang nabalot ng makapal na alikabok, tulad ang Jocno Boulevard.
02:42
Malapit lang ito sa Manila Bay, na may kabikabilang reclamation project.
02:47
Ayon sa pag-asa, ang pagdaan ng mga alikabok ay posibleng dahil sa hanging dala ng southwest monsoon.
02:54
Ngayong weekend, sa rainfall forecast ng Metro Weather, maaaring maging maulan sa Metro Manila.
03:00
Bukas, asahan ang maulang umaga sa malaking bahagi ng Luzon at sa halos buong bansa pagsapit ng tanghali.
03:08
Sa linggo, may tsyansa ng ulan sa kalura ng Luzon at Wisayas at sa malaking bahagi ng Mindanao pagsapit ng hapon.
03:16
Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:21
Dalawang sugatan sa pag-araro ng pickup truck sa ilang nakaparadang tricycle sa Naik-Kavite.
03:30
Kinailangan pang barili ng mga pulisang sasakyan para mapahinto.
03:34
Yan ang spot report ni Jonathan Andal.
03:36
Humaharurot ang pickup truck na yan sa Naik-Kavite na kumabig pa kanan at tinumbok ang mga nakaparadang tricycle.
03:47
Pero imbes na huminto, umatras ito at tinatatakas.
03:50
Agad namang rumisponde ang dalawang pulis na tsyempong kumakain noon sa kalapit na karinderiya.
03:55
Isa sa kanila, tinutukan ng barilang pickup truck.
03:58
Pero di pa rin ito huminto, kaya binaril na ng pulis ang gulong.
04:02
Isang lalaki ang makikitang nakasakay sa likod o camper ng pickup truck.
04:06
Hanggang sa muling umatras ang sasakyan, pumaikot, saka bumanga.
04:10
Tuluyan lang itong napahinto ng muling barilin ng pulis.
04:14
Pinababa nila ang limang sakay ng pickup truck.
04:17
Hindi lang nakaino ang pundilasing talaga.
04:19
Arestado ang driver na 62 years old.
04:22
Sasagutin daw niya ang pagpapaayos sa limang tricycle at sa gasto sa ospital ng mag-asawang sugatan na sakay noon ang isa sa mga tricycle.
04:29
Sinampahan na siya ng mga reklamo.
04:36
Sa Labo, Camarines Norte, isang delivery truck ang tumagilid matapos sumalpok sa kasalubong na kotse.
04:42
Gate ng truck driver, kinain ang kotse ang linya niya, kaya napakabig siya sa manibela.
04:47
Ligtas ang truck driver at pahinante niya.
04:50
Sugatan at dinala sa ospital ang mga sakay ng kotse.
04:53
Patuloy ang investigasyon sa disgrasya.
04:55
Jonathan Andal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:59
Hiling ng byuda ng napaslang na si dating Negros Oriental Gov. Roel Legamo na pabilisin ang paglilitis at pagresolba sa kaso ng pagpatay.
05:10
Kayong hawak na ng NBI ang inaakusahang mastermind na si dating Congressman Arnie Tevez.
05:15
May report si Salima Refran.
05:21
Pasado alas 11 kagabi, lumapag sa Villamore Air Base sa Pasay ang eroplanong lulan si dating Congressman Arnie Tevez.
05:28
Bantay sarado siya, naka-bulletproof vest, kevlar helmet at nakaposas ng dalhin sa NBI sa Pasay,
05:36
kung saan siya sumalang sa medical check-up, booking procedures at kinuna ng magshot.
05:41
Si Tevez ang tinuturong nagpapatay kay dating Negros Oriental Gov. Roel Legamo at siyam na iba pa noong March 4, 2023.
05:50
Idinadawit din siya sa iba pang pagpatay sa probinsya.
05:54
Nang iharap siya ng NBI sa media kaninang umaga, sinabi ni Tevez na gusto na niyang tapusin ang mga kaso laban sa kanya.
06:01
At least, matapos na rin. Dahil kahit nung nandun ako, inisip ko, kung hindi man ako umuwi, haharapin, kailangan pa rin ito matapos.
06:11
Iginagulat daw niyang pag-aresto sa kanya, lalo't meron pa siyang application for asylum.
06:16
Of course, malukot ako dahil siyempre makukulong ako kahit hindi pa, diba, dito kasi makukulong ka kahit hindi ka pa convicted, no?
06:27
Sa pakipag-usap nga ng ating presidente, Pangulong Bongbong Marcos, sa presidente ng Timor Leste,
06:36
napag-isip-isip nila na oo nga, si Congressman Tevez has been staying in their country for two years na undocumented.
06:48
So tapos na-realize din siguro nila that Congressman Tevez is facing several crimes before our court here.
06:59
Para mapadeport at maibalik sa Pilipinas si Tevez, may mga kundisyong inilatag ang Timor Leste.
07:04
Kabilang sa nakasaad sa Certificate of Handover, hindi dapat masintensyon si Tevez ng death penalty.
07:11
Hindi dapat makaranas ng torture.
07:14
Kailangan may akses sa kanyang abugado o pangangailangang medikal.
07:18
Dapat patas at isinasa publiko ang pagdilitis at hindi politically motivated.
07:23
Yun naman ang legal system natin. We told them that already. That's why they put it there.
07:28
So there was nothing new in that document.
07:30
Dinala na si Tevez sa NBI detention facility sa loob ng New Belipid Prison.
07:35
Doon muna siya hanggat walang commitment order ang korte.
07:39
Si incoming Congresswoman Janice Negamo, umaasang magkakaroon ng marathon hearings para sa kasong pagpatay sa kanyang asawa.
07:47
Yung ibang kaso po ng murder, katulad ng nangyari sa Ampatuan case, it took them 10 years para mailabas yung decision ng court.
08:01
And that will be a very long wait.
08:03
Kaya tinitignan namin yung angles na kung saan pwedeng mas mapabilis po yung paglilitis.
08:09
Sa ngayon, umiiral pa rin ang freeze order sa mga ari-arian at bank account ni Tevez bilang designated terrorist ng Anti-Terrorism Council.
08:19
Sa Nima Refra, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:23
Nababahala ang ilang membro ng prosecution panel sa pag-usog ng Senado sa petsya ng presentation ng Articles of Impeachment
08:38
laban kay Vice President Sara Duterte.
08:41
Tingin ni incoming Partylist Representative Laila de Lima, bakahakbang ito para hindi matuloy ang impeachment trial.
08:48
Tinatanggap naman ni Congressman Lorenz Defensor ang pagbibigay prioridad ng Senado sa mga nakabimbing panukala
08:55
bago mag-adjourn ang 19th Congress sa June 14.
09:00
Pero di raw maganda sa demokrasya at himahin ng Senado ang delay sa impeachment trial.
09:06
Si Senate Minority Leader Coco Pimentel, kinekwestiyon kung bakit nagbago na naman ang schedule
09:11
gayong base raw sa rules of impeachment, kapag nagsabay ang impeachment at legislative matters,
09:17
mas prioridad dapat ang impeachment.
09:20
Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ni Senate President Cheez Escudero.
09:30
Diyawish nilinaw na wala pang naitala sa Pilipinas ng MPAX Clade 1B
09:35
ang variant na may public health emergency na international concern.
09:39
Ayon kay Health Secretary Ted Adbosa, tanging MPAX Clade 2 na milder variant ang nasa Pilipinas ngayon.
09:45
Sa Iloilo, nakarecover na ang isang pasyente yung nagpositibo sa MPAX.
09:51
Sa Kotabato, ipinatapad naman ang mandatory na pagsisuot ng face mask sa mga ospital
09:56
para maiwasan ang pagkalat ng MPAX.
10:00
Maygit-apat na rangkaso ng leprosy o ketong na itala sa Region 10 noong 2024.
10:06
Kaya sa Iligan City, isa nagawa ang kilatis-kutis campaign,
10:11
isang malawakang libreng konsultasyon para sa mga sakit sa balat kabilang na ang leprosy.
10:18
Minor phreatic eruption na itala sa Vulkan Taal kagabi.
10:22
Tumagal yan ng apat na minuto.
10:24
Nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang vulkan.
10:26
Ipinagbabawal pa rin ang pagpunta sa Taal Volcano Island.
10:31
Joseph Morong, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:34
Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
10:38
Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
10:41
Apoi sa GMA Integrated News sa YouTube.
Be the first to comment
Add your comment
Recommended
12:08
|
Up next
State of the Nation: (Part 1) Nalunod sa balde; Substitute bill; Atbp.
GMA Integrated News
1 year ago
12:38
State of the Nation: (Part 1) LOOK: Sunog; #Eleksyon2025; Atbp.
GMA Integrated News
1 year ago
16:44
State of the Nation: (Part 1) #Eleksyon2025; Atbp.
GMA Integrated News
8 months ago
16:13
State of the Nation: (Part 1) LOOK: Nagwalang sekyu; Humarurot paatras?; Bumagsak na crane; Atbp.
GMA Integrated News
9 months ago
12:33
State of the Nation Part 1: Papal Conclave; #Eleksyon2025; Atbp.
GMA Integrated News
8 months ago
15:28
State of the Nation: (Part 1) Deportation ni Teves; Truck nang-araro; MPOX sa 'Pinas; Atbp. | SONA
GMA Integrated News
8 months ago
13:26
State of the Nation: (Part 1) Shootout sa Quezon; Ala Alice Guo?; #IsangPH; Atbp.
GMA Integrated News
5 months ago
15:20
State of the Nation Part 1 & 3: Concert o carolling?; Disgrasya sa Pasko; Atbp. | SONA
GMA Integrated News
1 year ago
3:02
State of the Nation: (Part 2) Buhawi sa Cagayan; G! sa Türkiye; Atbp.
GMA Integrated News
7 months ago
12:53
State of the Nation: (Part 1 & 3) Disgrasya sa bisperas; Wish at cravings granted; Atbp.
GMA Integrated News
1 year ago
17:08
State of the Nation: (Part 1 & 3) Valuable gifts; G! sa Apayao; Atbp.
GMA Integrated News
1 year ago
11:55
State of the Nation: (Part 1 & 3) Misteryosong liwanag; #PaskongPinoy; Atbp.
GMA Integrated News
1 year ago
11:59
State of the Nation: (Part 1) Hulicam - Disgrasya; Nabiktima ng paputok; AI naku
GMA Integrated News
2 weeks ago
2:22
State of the Nation: (Part 2) Emergency landing; G! sa Pangasinan; Atbp.
GMA Integrated News
1 year ago
1:50
State of the Nation: (Part 3) G! Sa ZAMBASULTA; Atbp.
GMA Integrated News
1 year ago
15:59
State of the Nation: (Part 1) Payak na burol at libing; Minasaker ng amo; Atbp.
GMA Integrated News
9 months ago
4:00
State of the Nation: (Part 2) Deadliest time of the year?; Atbp.
GMA Integrated News
1 year ago
6:26
State of the Nation: (Part 2 & 3) Live-in kaysa kasal; G! sa Bohol; Atbp.
GMA Integrated News
11 months ago
4:04
State of the Nation: (Part 2) Oso na natakam sa ice cream; #IsangPH; Atbp.
GMA Integrated News
5 months ago
12:37
State of the Nation: (Part 1 & 2) Nasunog na pinaglalamayan; Atbp.
GMA Integrated News
1 year ago
2:07
State of the Nation: (Part 2) Agawan ng pasahero; Fur baby boodle fight!; Atbp.
GMA Integrated News
8 months ago
1:52
State of the Nation: (Part 2) Pusuan - Turtle Kiss; Atbp.
GMA Integrated News
7 months ago
4:42
State of the Nation: (Part 2 & 3) G! sa Mt. Napulauan; Beyond Binondo; Atbp.
GMA Integrated News
1 year ago
6:17
'Ada' decelerates over Catanduanes waters — PAGASA
Manila Bulletin
12 hours ago
7:24
Catholic devotees wade through waters of Laguna Lake during Sto. Niño fluvial procession
Manila Bulletin
15 hours ago
Be the first to comment