Skip to playerSkip to main content
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Pauwi na sana ang nakabisikletang yan, pero nang kumaliwa, nasalpok siya ng paparating ng motorsiklo.
00:11Sumemplang at nasugatan ang mga sakay ng bisikleta at motorsiklo.
00:15Nangyari yan sa patnungon ang ticket.
00:18Ayon sa polisya, di nakita na nagbibisikleta ang motorsiklo.
00:23Tinangkaraw na umiwas ng rider ng motorsiklo, pero natumbok pa rin ang bisikleta.
00:27Nagkausap na ang dalawang panik.
00:31Aminado ang inarestong Russian vlogger na for the content lang ang kanyang video na nagbabantang magpapakalat ang HIV sa Pilipinas.
00:40Ang isa pang Russian content creator na nauna nang pinadeport dahil sa pambabastos naman ng mga Pinoy,
00:46nagawa pang magvideo sa loob ng piitan.
00:49Tatlong tauhan ng Bureau of Immigration ang sinibak dahil dyan.
00:53May report si Ian Cruz.
00:54Kuha ito ng Russian vlogger na si Vitaly Sadorovetsky sa loob ng detention facility ng Bureau of Immigration.
01:05Every day, same s**t.
01:07Look at that.
01:08Tuna and rice.
01:10Sa kanyang social media, ipinasilip ni Vitaly ang buhay niya sa loob ng piitan.
01:16Matapos arestuhin noong April 2025 dahil sa pangugulo at pambabastos sa mga Pinoy para sa kanyang vlog.
01:23Ipinost niya ang mga video matapos ipadeport nitong weekend at makauwi ng Russia.
01:28Just landing in Russia, it's minus 34 Celsius. I'm free, baby!
01:35Blacklisted na sa Pilipinas si Vitaly.
01:38Pero ang tanong ngayon, paanong nakapag-record pa ang vlogger habang nasa piitan?
01:43Sabi ng Malacanang, sinibak na sa pwesto ang ilang tauhan ng Bureau of Immigration dahil dito.
01:50Tatlo po ang natanggal ng immigration official because of that at marami po na confiscate na mga cellphones.
01:55Pero kung meron pa pong iba na maaaring masabi natin na nagkakaroon ng kakulangan,
02:00pa-iimbestigan pa po ito at kailangan matanggal, ang dapat na matanggal sa posisyon kung meron pa nga abuso.
02:06Kuharaw ang video noong unang bahagi ng detensyon ni Vitaly.
02:10Sa condominium unit naman na ito sa Quezon City, natunto ng mga taga-immigration ang Russian vlogger na kinilalang si Nikita Shekov.
02:19Inaresto siya matapos magbanta sa isang video na magkakalat ng Human Immunodeficiency Virus o HIV sa buong Pilipinas.
02:30Let's spread HIV.
02:34Sinampahanan ang deportation case ng BI ang vlogger na isinailalim sa HIV test.
02:40Negative po siya sa HIV, negative po sa lahat ng STD.
02:45In other words, nagpapasikat lang ginagamit ng mga Pilipino.
02:49Kung magkaroon po siya ng local case, aantayin po natin na matapos at magkaroon ng resolusyon yung local case na yun.
02:57Kung siya po ay hatulan ng Korte ng Pagkakakulong,
03:01we would have to wait po until ma-serve niya yung sentensya dito sa Pilipinas before po natin ma-implement yung deportation.
03:07Sinabi ng Russian vlogger sa GMA Integrated News na matagal na siyang gumagawa ng videos para sa mga Pilipino
03:14kung saan nakakabasa siya na mga komentong
03:18Stop spreading your viruses, foreigner! o HIV alert!
03:23Kaya naisip daw niyang gawin ang spread HIV video para makakuha ng atensyon.
03:29Inakala ron niyang magiging meme ito at tatanggapin ang kanyang Filipino audience ang kanyang dark humor.
03:35Kaya ng pagtanggap sa kanyang content sa Russia at Amerika.
03:40Hindi raw siya hihingi ng tawad sa ginawa niyang video pero mas naiintindihan na raw niya ngayon
03:45ang standards sa mga Pilipino at nire-respeto ito.
03:50Bukod kay Shekov, hinuli at kinasuhan din ang Estonia National na si Sim Rosipo sa Dumaguete City.
03:57Umiigot po siya sa Dumaguete at iya sabi niya at nagbablog siya.
04:03Kasi iya sabi niya na lahat ng Pilipino ay mga kompongoy.
04:07Kasi the guys, they look so monkey sometimes.
04:10Like so monkey face.
04:11Ani Rimulya overstaying na ang Estonian na dapat ay hanggang January 1 lang sa bansa.
04:17Dadalhin sa trial court ng Banyaga na naharap sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 at paglabag sa anti-cybercrime law.
04:27Kung ang mga dayuan na ito ay ginagago tayo ay hindi natin atrasan ito.
04:33Bibigan natin ng buong bigat ng batas para maramdaman nila na kung maganda ang Pilipinas sa pag-iikot, sila ay mas magagandahan pag nasa loob na ng preso.
04:44Ian Cruz, ang babalita para sa GMA Integrated News.
04:49Tatlo na ang inihaing impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
04:53Pero ang dalawang bagong reklamo ngayong araw, parehong hindi tinanggap sa opisina ng Secretary General sa Kamara.
05:00Mensahe naman ang Pangulo sa mga gustong mawala siya sa pwesto, huwag excited.
05:04May report si Tina Panganiban Perez.
05:06Nangalampag sa House of Representatives sa mga miyembro at kaalyado ng bagong alyang sa makabayan o bayan
05:20bago nagpunta sa Office of the Secretary General para ihaiin ang pangalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
05:28Ang ground ng kanilang reklamo, betrayal of public trust, kaugnay ng maanumalyang flood control projects.
05:35Mabigat na dahilan daw para mapatalsik siya sa pwesto ang paglalatag umano nito ng sistema ng korupsyon sa pamamagitan ng allocables,
05:44pag-abuso sa kapangyarihan sa paggamit ng unprogrammed appropriations,
05:49at personal na pagkakasangkot sa budget insertions at kickback schemes.
05:54Kabilang daw sa mga ebidensya ng grupo, ang Cabral Files, affidavit ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo
06:03at ang transcript ng Senate Blue Ribbon Committee Hearing.
06:07Sina-Representative Antonio Tinio ng Act Teachers Party List, Renee Kohn ng Kabataan Party List,
06:13at Sara Elago ng Gabriela Women's Party ang nag-endorso ng reklamo.
06:17Pero tumanggiraw ang Executive Director ng Office of the Secretary General na tanggapin ang impeachment complaint
06:24dahil nasa abroad si House Secretary General Celoy Garafil.
06:28Ayon sa kanya, wala siyang authority to receive the complaint.
06:32Nag-iwan kami ng kopya doon sa opisina.
06:36Under the rules, it is enough that we submit to your office.
06:40At we expect that on Monday, this will be transmitted to the Office of the Speaker.
06:44Ang explanation ng Office of the Secretary General, wala dito physically ang Secretary General
06:51and hindi nila pwedeng tanggapin.
06:55Ang tanong, mayroon bang nagpo-prohibit sa inyo na tanggapin ito despite the rules of the House?
07:02Umakit ang grupo sa Office of the Speaker para ipaalam ang nangyari.
07:07Pero walang tao dahil nakarecesa ang Kongreso.
07:10Ang panawagan natin sa kanya ay tanggapin ito, tiyakin na matanggap ito at tiyakin na maisama sa order of business.
07:23More than one impeachment complaint, sabay na ire-refer sa Justice Committee para matiyak na kasama ang lahat ng ito sa iisang impeachment proceeding lamang.
07:34Kung kinakailangan, handa raw silang bumalik sa lunes.
07:40Plano rin ang grupong i-refile ang impeachment complaint laban naman kay Vice President Sara Duterte pagkatapos ng one-year ban.
07:48Ang aming panawagan ho, ang presidente at ang vice-presidente ang dapat umalis sa pwesto
07:52dahil sila ang dahilan ng lahat ng mga problemang ito, ng political crisis na ito.
07:58At mas mabuting palitan na lang sila para makamove on na po ang ating bayan.
08:04Sabi ni Sen. Risa Ontiveros, posible ang sabay na impeachment trial sa dalawang mataas na opisyal ng bansa.
08:12Kung parehong mag-prosper yung dalawang complaint sa House, then maging dalawa yung tungkulin namin dito.
08:18Although it's not an ideal situation kung magkaroon man ng dalawang sabay na impeachment trials, tungkulin niya ng Senado.
08:26Bukod sa grupong bayan, nag-high-end din ang impeachment complaint ngayong araw ang ilang dating opisyal ng gobyerno.
08:34Pero hindi rin ito tinanggap ng Office of the Secretary General.
08:37Nag-iwan kami, pero hindi nila tinanggap.
08:40Sa hindi pagtanggap nila, it is not only a violation of the rules, but of course of the Constitution.
08:46There is no discretion given to the Secretary General to reject, screen, delay, or block such filings.
08:54Grounds naman ang kanilang impeachment complaint, ang culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust, graft and corruption, at other high crimes.
09:05Hindi nila pinangalanan ang tatlong kongresistang nag-endorse o umano ng reklamo dahil hindi naman ito tinanggap.
09:12The rules pick up file before the Secretary General, it refers to the office of the Secretary General, not to the person herself.
09:19Kasi, pwede yung going excuse yan eh. Kung ayaw niya magpapal, hindi siya sisipot sa upilihan niya.
09:26Di ba, pwede ba yan? Hindi naman siguro pwede yan.
09:28Pinag-aaralan daw nila ang iba't ibang legal option kasama na ang pagdulog sa Korte Suprema.
09:34Why would we burden ourselves to go back here on Monday and be part of the moro-moro na alam naman namin yung scam impeachment ni Jesus ang iti-take up nila?
09:45Ang tinutukoy niya ay ang unang impeachment complaint na inihain itong lunes, na kung tanggapin ang Committee on Justice ay magbabawal na sa iba pang reklamong impeachment laban sa Pangulo sa loob ng isang taon.
09:59Duda ni Defensor, sinadya ito at mahina.
10:02Sinisika pa namin kunan ang pahayag si Garafil na tatanggap ng award sa Taiwan bukas kaya wala kanina.
10:11Sabi ng Malacanang, handang harapin ang Pangulo ang reklamo.
10:15Balik Malacanang na siya matapos ma-hospital kagabi dahil sa diverticulitis o pamamaga ng bahagi ng malaking bituka.
10:23Mensahe niya sa mga nais magpatalsik sa kanya.
10:26Huwag kayo muna masyadong ma-excited dahil it's not a life-threatening condition.
10:30Don't work kayo mag-alala.
10:34The rumors of my death are highly exaggerated.
10:39Tina Panginiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:44Natuntun sa isang mamahaling komunidad sa Portugal, si dating congressman Zaldico na isa sa mga ipinaaresto kaugnay sa flood control skanda.
10:59Pero hindi basa-basa madadampot si Coe na may Portuguese passport.
11:03May report si Joseph Moro.
11:04Nahanap na rao ng DILG ang pinagtataguan sa Portugal ni dating congressman Zaldico na isa sa mga kinasuhan kaugnay sa flood control skandal.
11:20Natuntun niyan batay sa surveillance ng mga operatiba.
11:23Pero hirap daw silang pasukin ng komunidad.
11:26Hindi rin siya namalabas. Hindi ko pa kain sa labas. Hindi naglalakad. Doon na siya. Doon na siya mismo sa kalitin na lugar.
11:33He's a poor man with a lot of money. Sa lahat ng pera niya, wala siya mabibilang kalayan. Hindi niya ma-enjoy ng pera niya.
11:42Hindi basta-basta madadampot si Coe dahil walang extradition treaty sa pagitan ng Pilipinas at Portugal.
11:48Nakakuha si Coe ng Portuguese passport sa pamamagitan ng isang programa na ang kapalit ay pag-iinvest doon.
11:54Ang batas nila, if the offense was committed before the granting of the passport, pwede nilang ipadalagay. Pwede siyang extradite.
12:06But kung hawak nyo na yung passport at nakumit siya yung offense, ay hindi nila extradite.
12:12As of our information, 10 years sa lupa lang na ipassport na siya.
12:17So naghahalam kami ng kaso ngayon na 10 years older para yun ang ipapayal namin sa kanya.
12:22Ang balita raw ni Remulya, posibleng gusto ng umuwi ni Coe.
12:27Naghahalam bupalik. Pero again, it's nothing we can expound on kasi ano siya, third-hand information eh.
12:34So intingin natin madevelop pa.
12:36Kahapon, binanggit ni Remulya, nagpaparamdam si Coe sa pamamagitan ng mga pari na gusto nito makipagdialogo sa gobyerno.
12:43Pero paglilinaw ngayon ang kalihim.
12:45Yung kay Zaldi, third-hand information yan. Kaibigan ng kaibigan.
12:49So it's actually, it's ang bali niya on the maritest level eh.
12:54Wala namang komento si Ombudsman Crispin Remulya na nakatanggap umano ng feelers ni Coe.
13:00Sabi naman ang abogado ni Coe na si Atty. Ruy Rondain.
13:03Sa pagkakalam niya ay siya lamang autorisado magsalita para kay Coe.
13:07Pero kung meron mang feelers, hindi raw ito autorisado.
13:11May paramdam o wala tuloy ang pagtugis kay Coe.
13:14Pina-follow up na ng NBI sa Interpol ang hiling nitong red notice.
13:18Para makonstrict po yung travel ni former congressman Zaldi Coe,
13:24napakansila na rin po yung kanyang Philippine passport para hindi siya basta-basta makabiyahe.
13:32Bukas naman daw ang Malacan yang kung gusto mong kapag-usap ni Coe.
13:35Pero ipinaubayan na raw nila ito sa Ombudsman.
13:38Samantala, inilabas na ng DILG ang mugshot nila dating Sen. Bong Revilla
13:43at 6 nakapa-akusado sa Ghost Flood Control Project sa Pandi, Bulacan.
13:48Patunay raw ito na walang special treatment para sa kanila habang nakakulong sa New Quezon City Jail.
13:53Kung iniisip nyo na lakatidral ang bahay nila, kung ang titira nyo ngayon, hindi po.
14:00He is a regular inmate in Payatas City Jail.
14:03It pains me to see a friend go to jail. But my commitment to country goes beyond any friendship in this country.
14:11Dinala ulit si Revilla ng kanyang mga kaanak kabilang na ang misis na si Cavite II District Representative Lani Mercado at anak pa si Gianna.
14:20Kung yung moral lang po ni Sen.
14:21Joseph Morong nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended