Skip to playerSkip to main content
Wala nang babalikang tahanan ang 900 pamilya sa Bacoor, Cavite matapos maabo ang kanilang mga bahay sa sunog na umabot sa 4th alarm. Halos walang naisalba ang karamihan at may mga namatayan pa ng mga alagang hayop.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Wala nang babalikang tahanan ang siyam na raang pamilya sa Bacoor, Cavite.
00:04Matapos maabok ang kanilang mga bahay sa sunog na umabot sa ika-apat na alarma,
00:09halos walang naisalba ang karabihan at may mga namatayan pa ng mga alagang hayop.
00:15Nakatutok live si Ian Cruz. Ian.
00:21Emil, hanggang 6 na raang bahay nga ang natukok sa ilang oras na sunog sa bahagi yan
00:26ng Bacoor, City, Cavite na nasa boundary lamang ng kinaroroonan natin ngayon.
00:31Ang Las Piñas City tulong naman ang kagyat na hiling ng mga nasunogang residente.
00:41Mula sa himpapawid, kitang-kita ang lawak ng sunog na naganap sa San Nicolás 3, Bacoor, Cavite.
00:48Ang apoy na nagsimula pasado alas 9 kaninang umaga, pilit na inapula ng mga bumbero.
00:54Pasada alas 11.30 na umaga, umakiyat sa ika-apat na alarma ang sunog.
01:00Kasi sampo lang ng buho ko, nagsisigawan ako, malakas na yung apoy.
01:04Ang ilang respondeng mumbero, inakiyat na ang buho para maapula ang sunog.
01:09Maraming residente rin ang tumulong.
01:11Mag-aalauna kaninang hapon, nang tuloy ang maapula ang sunog.
01:16Gawa sa light material yung mga bahay dito sa bagong silangan sa loob ng San Nicolás 3 dito sa Bacoor.
01:22Kaya naman makikita po natin talagang tinupok ng apoy itong mga bahay dito.
01:28Sa ngayon ay nagahanap ng mga mapapakinabangang gamit ang mga residente dahil karamihan sa kanila wala halos na isalba.
01:36Isa sa dahilan, mahirap talagang pasukin.
01:41Gumamit ng mahabang Jose at saka sa light materials nga.
01:44Tsaka dikit-dikit talaga bahay.
01:46Isa sa mga nasunugan si Nersa, napahagulgol na lang siya ng datna ng natupok na bahay.
01:53Kasama rin naabok ang dalawa niyang alagang aso.
01:57Masa po talaga sir, parang baby ko nalang yung mga yun eh.
02:00Halos wala na rin natira sa pinaghirapang bahay at tindahan ni Philemon.
02:04Tanging ang naipon niyang tatlong timba ng bariya na lang daw ang naiwan.
02:09Sana matulungan po kami ng pamahalaan. Matulungan po kami rito ng kababayan namin.
02:13Ang mag-asawang Teresita Dioniso, isang bahagi nilang ng paderang natira sa bahay.
02:18Mabigat daw na back to zero sila dalawang buwan bago magpasko.
02:23Ngayon lang ako nakaranas ng dito.
02:25Ayon sa BFP Bacoor, hanggang 600 bahay ang natupok kaya nasa 600 pamilya o higit pa ang apektado.
02:32Inaalam pa ang sanhinang apoy.
02:35Meron daw nag-away na mag-ama. Totoo po ba yun na yun ang dahilan kung ba't may sunod?
02:38Base po sir sa initial na investigation, hindi naman po sir totoo yun.
02:42Bali, alleged lang naman siya.
02:43Pero per investigation sir, pinutukoy natin talaga kung saan talaga nagsimula yung apoy.
02:48Emil, isa lang itong kinaruroonan natin na Bambu Court dito sa Barangay Talundos Las Piñas sa nag-accommodate nga doon sa mga nasunugan.
03:01At ang nakakatawa naman Emil, magkatuwa ngayon na nakikita natin yung mga taga-LGU ng Las Piñas at LGU ng Bacoor
03:07sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga nasunugan.
03:10Hindi lang dito Emil, kundi doon pa sa iba pang mga evacuation center na kinaruroonan ngayon ng mga nasunugan.
03:17Balik sa'yo Emil.
03:18Maraming salamat, Ian Cruz.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended