Skip to playerSkip to main content
Umaga man o gabi, hindi maaninag ang dapat ay solid yellow line bago sumampa sa Roxas Boulevard crossing EDSA flyover sa Pasay City.


Ang kupas na linya pa naman ang dahilan ng paninita sa isang driver na sumubok dumaan sa lugar na aniya’y tila sadyang ginagawang trap.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi maaninag ang dapat ay solid yellow line bago sumampa sa Rojas Boulevard Crossing Edza Flyover sa Pasay City.
00:08Ang kupas na linya pa naman ang dahilan ng paninita sa isang driver na sumubok-dumaan sa lugar na anya'y tila sadyang ginagawang trap.
00:18Ang pagtatalo, tinutukan ni Mark Salazar.
00:20Dahil notorious umano ang paninikit para sa improper lane changing bago umabot sa rampa ng Rojas Boulevard Crossing Edza Flyover sa Pasay City,
00:33sinubukan kagabi ng isang motorista na mag-change lane sa tamang paraang alam niya.
00:43At biglang ang lumitaw ang isang enforcer kaya napapreno siya. Mabuti at wala siyang kasunod.
00:50Sa uploaded video, mainit agad ang palitan ng motorista at enforcer na parehong may interpretasyon kung ano ang improper lane changing violation.
01:01Okay, unang-unang kuya. Yung linya broken. Unang-unang, linya broken. Pangalawa.
01:11Ang signal ako, pangatlo. Hindi swerving kasi walang kotos sa libit ko, sa kanan.
01:17Okay, unang-unang ka-broken na yun kuya. Solid broken lane.
01:22Unang broken yung sinasabi niyo, unang-unang solid.
01:25Humaba ang sitahan sa kalye dahil bumaba pa ng sasakyan ng motorista.
01:30O, Pasay City. Sabi daw nila may yellow lane dito. Paano nila i-enforce yan kapag wala ka nang makikita ng yellow lane?
01:38Ayan! Ayan, di ba? O, sige. O. O. O. O, sige. O. O, di ba? O, sige. Away tayo. O.
01:47Ano?
01:50Natapos silang walang tiket, pero wala rin linaw kung sinong tama.
01:54Binalika namin ng spot at hindi mo nga naman talaga mababanaag ang solid yellow lane kahit daytime.
02:24Malaking parte ng investigasyon ang viral video pero kulang daw ito para masiguro ang violation.
02:41Kailangan din umanong makausap muna ang sangkot na traffic enforcer.
02:45Pero napansin sa video ang piligrosong paraan ng pag-flagdown ng enforcer.
02:54Ilang kapwa traffic enforcer naman ang nagtanggol sa kanilang kabaro na nababash online kahit nasa tingin nila'y makatwira naman ang ginawang paghuli.
03:21Talagang bawal naman talaga yan eh. Bawal naman talaga eh kasi accident front area yan eh.
03:28Kapag doon pa lang sa may lagpas ng footbridge na yan, nag-change lane na sila.
03:34E naka-proper lane ka ng pocket naman eh. Nang flyover eh. Bila kang lalabas dyan.
03:39Kaya ganyan sir, disregarding traffic sign o disregarding lane marking, pwede rin ang abstraction kung naka-austract talaga.
03:46Nagtungo naan nila sa Pasay Traffic and Parking Management Office o PTPMO ang motorista para magsumitin ng formal na reklamo laban sa enforcer kanina.
03:57Re-resolvahin daw ito ng PTPMO.
04:00Sinusubukan pa namin kunin ang panig ng motoristang nagreklamo.
04:03Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended