Skip to playerSkip to main content
Itinuturing pa ring “armed and dangerous” ng DILG si Atong Ang, kahit isinuko na ng nagpakilala niyang abogado ang ilang baril at balang nakarehistro kay Ang.


Nawawala pa umano ang isang mataas na kalibre na baril ni Ang.


Patuloy pa ring sinisikap ng GMA Integrated News na makuha ang panig ni Ang.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Marisol Abdurraman
00:30Isang M-16, tatlong pistol at isang revolver ang mga baril na isinuko ng nagpakilalang abogado ni Atong Ang na si Atty. Micaelo Jaime Reyes sa Mandaluyong Police Martes ng hapon.
00:42Kanina, dinala na ng Mandaluyong Police sa Firearms and Explosives ang mga nasabing baril.
00:47Matatanda ang January 16 nang i-revoke ng Firearms and Explosives Division ang lahat ng baril na nakarehistro sa pangalan ni Ang.
00:55Binawi rin ang kanyang permit to carry.
00:57Sa record ng Firearms and Explosives Office ng PNP, 6 na baril ang nakarehistro kay Atong Ang.
01:03Kabilang narito ang dalawa na itinuturi ng mga high-powered firearm pero lima lang ang isinuko ng kanyang abogado sa mga otoridad.
01:11According sa abogado ni Atong Ang, isa lost yung isang M-16, isang mahaba niya na baril.
01:17Oh, as inawawala.
01:19October para nung nakarang taon, nawawala ang nasabing high-powered firearm.
01:24Paano yun?
01:25Ang FEO will conduct naman ang investigation to check yung veracity ng report kung talaga nawawala yung baril.
01:32Does he have more?
01:33Personally, hindi ko masasabi yung kanyang dahil yun naman yung records niya sa FEO.
01:39Si Ang Ayon sa FEO ay Type 5 License Holder.
01:43Ibig sabihin, pwede siyang magparehistro na ng higit pa sa limang baril.
01:47Pukod sa mga pag-surrender sa mga baril, wala na raw silang ibang nakuha pang impormasyon tungkol sa number one most wanted ngayon sa bansa.
01:54Yun lang talaga ang purpose nila is to surrender yung firearms ni Atong Ang.
02:00Walang nagbanggit, sir? Walang nag-attempt kung nasaan si Atong?
02:03Ah, wala. Hindi naman. Hindi namin natanong sa kanila. So concern namin is to receive yung mga firearms.
02:10Bagamat isinuko na ni Ang ang kanyang mga baril, itinuturin pa rin siya ni DILJ Secretary John B. Cremulia na Armed and Dangerous.
02:18Bukod naman sa mga baril, isinuko rin daw ng kampo ni Ang ang ilang bala at magazine.
02:23Mga para sa 38, sa revolver niya yung bala.
02:27Walang bala ng M16?
02:28Wala.
02:29Patuloy naman daw na minomonitor ng mandaloyong polis ang bahay ni Ang sa nasabing lungsod kung saan dalawang warrant of arrest ang kanilang naisilbi.
02:38Patuloy pa rin sinisikap ng GMA Integrated News na makuha ang panig ni Ang.
02:42Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, nakatuto 24 oras.
Comments

Recommended