Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/3/2025
Ayon sa Department of Justice, itinuturing nang suspek sina Atong Ang at Gretchen Barretto sa kaso ng mga nawawalang sabungero. Kasunod ‘yan ng eksklusibong rebelasyon ni alyas “Totoy” o Julie “Dondon” Patidongan kahapon. Inihahanda na ng DOJ ang pagsasampa ng reklamo laban sa kanila. May listahan na rin ang NAPOLCOM ng mga pulis na idinawit ni Patidongan sa kaso.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Good evening, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:11Itinuturing ng suspect si Atong Ang at Gretchen Barreto,
00:16kaugnay ng mga nawawalang sabongero,
00:18ayon po yan sa Department of Justice.
00:20Kasunod yan ng eksklusibong revelasyon
00:23ni alias Totoy o Julie Dondon Patidongan kahapon.
00:27Kaya ilihahanda na ng DOJ ang pagsasampan ng reklamo laban sa kanila.
00:32May listakan na rin ang Napolcom ng mga polis na idinawit ni Patidongan sa kaso.
00:37Nakatutok si Chino Gaston.
00:41Matapos idawit sa kaso ng mga nawawalang sabongero,
00:45sinabi ni Justice Secretary Crispin Rimulia na isasama na bilang suspects
00:49ang negosyanting si Atong Ang at ang dating aktres na si Gretchen Barreto.
00:53Mga papasama sila kasi pinangalanan sila,
00:57then we will have to include them as suspects.
01:00Nang tanungin kung kailan masasampahan ng kaso ang dalawa,
01:04sabi ni Rimulia,
01:06sooner than later, it will happen.
01:09I-evaluate yan ng ating group of fiscals who will be assigned
01:15to evaluate all the evidence so that we will know what cases to file properly.
01:20Mula ng pumasok bilang kalihim ng Department of Justice,
01:24itinuring ni Rimulia na malaking hamon ang kaso ng mga missing sabongero,
01:28lalo't sangkot o mano ang mga makapangyarihang tao dito.
01:32Mabigat lang talaga itong laban dito kasi nga sobrang daming pera
01:35at sobrang daming koneksyon.
01:38Sinasabi ko nga, we are here holding the faith
01:42kasi ang tingin namin talaga rito,
01:45isa lang naman nakakampi namin dito, taong bayan.
01:47Kahapon, pinangalanan ng nagpresentang whistleblower
01:51na si Julie Dondon Patidongan si Ang
01:53at dalawang iba pa bilang mastermind o mano
01:56sa pagkawala ng mga sabongero.
01:59Isa si Patidongan sa mga kinasuhan sa kaso
02:01kaugday ng 34 sabongerong naglaho na parang bula
02:05matapos magsabong sa mga sabongang pagmamayari ni Ang
02:09sa isang text message.
02:11Sinabi ng abogado ni Ang na si Atty. Lorna Kapunan
02:14na dati nang itinatanggi ng kanyang kliyente
02:16na may kinalaman ito sa mga nawawalang sabongero.
02:20Ayon pa kay Kapunan, hindi rin daw isang kriminal o mastermind si Ang.
02:24Handa raw itong humarap sa investigasyon
02:26para malaman ang mga tunay na salarin
02:28at mabigyan ng closure ang mga pamilya ng biktima.
02:33Idinawit din ni Patidongan sa kaso si Barreto.
02:35Nang hinga ng reaksyon, sinabi ni Barreto sa GMA Integrated News
02:40na makikipag-ugnayan siya kapag handa na siya at ang kanyang kampo.
02:45Paglalahad naman ang National Police Commission o Napolcom
02:48na matapos mag-imbestiga,
02:50meron na raw silang listahan ng mga pulis
02:52na idinadawit ni Patidongan.
02:54Ipapatawag daw sila para humarap sa administrative investigation.
02:58Hindi kami bulag.
03:00Alam namin kung saan patungo ang investigasyon.
03:02Targeted ang aming investigation.
03:04Kung sinabi niyo yung targeted, may mga pangalan sa'yo.
03:08I will not lie to you.
03:10We know the names.
03:12However, I cannot disclose it to you as of now.
03:16Para sa GMA Integrated News,
03:18Sino gasto na katutok 24 oras?

Recommended