Pormal nang naghain ng patong-patong na reklamo sa Justice Department ang kaanak ng mga nawawalang sabungero laban sa negosyanteng si Atong Ang at 60 iba pa. Dawit din sa asunto ang dating aktres na si Gretchen Barretto at dating PNP NCRPO Chief Jonnel Estomo. Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ni Ang at ng iba pang mga inireklamo. Pero nauna nang sinabi ni Ang, Barretto at Estomo na wala silang kinalaman sa pagkawala ng mga sabungero.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Gretchen Barreto
00:30Mel Emil, multiple murder, kidnapping with serious legal detention at iba pang mga reklamo ang inihain dito sa Department of Justice laban sa negosyanting si Charlie Atong Ang at iba pang niyang mga kasama sa tinatawag na Alpha Group kaugnay ng pagkawala na mahigit tatlong pong mga sabongero.
01:00Bakit gano'n na po ang nilawa sa kanya?
01:05Kung yung sabi nila na ni Yope, yun na po ang bayad, yung paslangin sila.
01:13Puno pa rin ang pagihinag-peace si Merlin Gomez sa pagkawala ng kanyang anak na si Ruel sa Manila Arena noong Enero 2022.
01:20Nagtungo si Aling Merlin sa Department of Justice ngayong araw kasamang na sa tatlong pong pamilya na mga nawawalang sabongero upang maghain ng patong-patong na reklamo laban kay sabong tycoon Charlie Atong Ang at kanyang mga kasamahan sa tinatawag na Alpha Group.
01:36Ang mga kinasuhan po namin, syempre yung aming talagang matagal nang hinala si Mr. Atong Ang, kasama sila Eric De La Rosa, RJ Mea, at saka ibang mga polis, si Atty. Caroline Cruz, multiple murder po at saka serious illegal detention.
01:53Kabilang din sa mga reklamo, enforced disappearance, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, direct bribery, corruption of public officials, obstruction of justice, at paglabag sa international humanitarian law.
02:08Kasama si Ang 61 respondents ang inereklamo, bukod pa sa ilang John Doe.
02:13Siya ang main player sa Isabong eh. Siya ang main player dyan. Siya ang amo ni Totoy or Dondon.
02:26Pero niya pinababayad para sa trabaho na ginagawa ng mga kontraktor na pulis.
02:34Kaya ang mahalaga talaga rito ay malitis to.
02:39Trial talaga ang mahalaga rito. Magkaroon na ng trial to on the merits.
02:43Mayroon namang witness who testifies to the fact that that person was involved in the commission of these crimes as the mastermind and as the head of a criminal organization.
02:57Kasama sa basihan ng mga reklamo ang salaysay ng akusado at ngayon'y whistleblower na si Julie Dondon Patidongan,
03:04pati na ang sa mga kapatid nito na si na Jose at Ella Kim Patidongan.
03:07Si Ella Kim, sinabi ni Remuya noon na panibagong testigo na may totoong ebidensya sa mga kaso.
03:14Ang reliability niya ng kanyang testimony is foolproof in many ways because his picture appears sa isang ATM withdrawal na ATM ng isang missing sa bongero.
03:30Mas mabigat pa dyan na witness siya rin na pagpatay.
03:34Sampung tao yun na witness siya patayin.
03:35Nang tanungin kung kasama sa mga inireklamo ang aktres na si Gretchen Barreto na isa sa mga dinadawit ni Patidongan, sabi ni Remuya.
03:44Nakausap namin ang ilan sa mga kaanak na mga sabongero at kinumpirma nilang kasama sa reklamo si Barreto,
04:05pati ang dating PNP NCRPO chief na si retired General Jonel Estomo.
04:10Nauna na rin sinabi ng PNP na kakasuhan din ang magkakapatid na Patidongan.
04:15Sinusubukan pa ng GMA Integrated News sa makuhang panig ni Ang at ng iba pang mga inireklamo.
04:20Pero nauna na ang sinabi ni Naang, Barreto at Estomo na wala silang kinalaman sa pagkawala ng mga sabongero.
04:28Pinagkibitbalikat naman ni Remuya ang sinabi ng kampo ni Ang na si Patidongan at kanyang mga kapatid ang tunay na nasa likod umano ng pagkawala ng mga sabongero.
04:37Natural for them to concoct their stories.
04:40Ngayon talaga, gawain talaga ng mga abogado.
04:44Sabi ko nga, ang kalaban natin dito, kalaban namin dito, the best lawyer's money can buy.
04:53Pera-pera lang yan.
04:54Natuwa naman ang pamilya ng mga nawawalang sabongero, ngayong muling umuusad na ang kanilang paghanap sa justisya.
05:01Siyempre po, masayang-masaya kasi ito na po yung pagkakataon namin at saka hinihintay matagal na po.
05:07Gusto ko lang po yung matutukan po itong kaso ng mga ising sabongero.
05:15Dahil sobra na po matagal.
05:17Yung apat na taon na makahanap po namin ng postisya.
05:23Emil, tumanggi muna ang National Prosecution Service na magbigay ng dagdag na detalye kaugnay ng mga reklamo habang dumaraan nito sa proseso ng evaluation.
05:37And muna, latest mula nga dito sa Department of Justice sa Maynila.
05:40Emil.
05:41Maraming salamat sa Lima Refran.

Recommended