• 10 months ago
Isang Pilipino, nagtala ng bagong record sa Men’s 400 Meter Freestyle S6 Category ng ASEAN Para Games; 3 ginto, nasungkit sa swimming events | ulat ni JB Junio - PTV Sports

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa mundo ng sports, nagkamit ng triple golden victory
00:03ang ating mga pambato sa swimming events
00:06sa nagpapatuloy na 13th ASEAN Paragames sa Thailand.
00:10Ang isa sa kanila gumawa pa ng panibagong record.
00:14Silipin natin yan sa sentro ng balita ni teammate JB Junio.
00:20Triple gold para sa Pinas.
00:22Yan ang hatid ng para-tankers na si Nagari Behino, Ernie Gawilan at Angel Autumn.
00:28Matapos nilang languyin at sungkitin ang gintong medalya sa kanika nilang events
00:32sa unang araw ng 13th ASEAN Paragames na ginanap sa Nakonra Chasima, Thailand.
00:39Sinimula ng para-limpian si Gary Behino na nakabasag ng bagong Paragames record
00:44na 5 minutes and 32.8 seconds sa men's 400-meter freestyle and 6th category.
00:50Ito na ang kanyang ikatlong sunod na panalo sa ilalim ng 400-meter freestyle event
00:55at ika-apat na gintong medalya sa kanyang kabuoang para-games experience.
01:00Sa panayan ng PTV Sports, ibinahagi ni Behino ang kanyang naging inspirasyon upang makamit ang gintong medalya.
01:08Medyo nagpapalakas sa akin yung anak ko kasi birthday ko yung birthday ng anak ko ngayon eh.
01:12Yan. Siya rin yung nakapagbigay ng konting inspiration pati sa alo ko pang galingan.
01:20Nagpamalas din ang husay ang para-limpian at veteran para-swimmer na si Ernie Gawilan
01:26matapos nitong makuha ang ikalawang ginto ng Pilipinas at mula sa National Para Swimming Team.
01:32Nakamit ni Gawilan ang gold medal sa men's 400-meter freestyle sa ilalim ng 5 minutes and 2.39 seconds sa S7 category.
01:41Para kay Gawilan, hinuhugot niya ang lakas ng loob at kumpiyansa na manalo dahil sa kanyang upcoming baby.
01:48Upcoming baby ko po. Pang-anak po ngayong February or saka po sa first week po ng March po.
01:58Siya po yun sa nag-motivate sa akin na galingan pa yung competition na to.
02:04Nagpakitang gilas din ang para-limpian si Angel Autumn nang maiuwi ang ikatlong ginto para sa bansa sa women's 50-meter backstroke
02:12sa record na 47.29 seconds sa S4-S5 category.
02:18Aminado si Naottom, Gawilan at Behino na isa sa mga naging challenge para sa kanila ay ang mataas na temperatura ng tubig.
02:25So, nakapanibago po yung lamig nga ng pool namin kasi hindi siya ganun katulad sa Ultra.
02:34Sobrang lamig.
02:37Hindi siya yung normal na lamig ng swimming pool.
02:43Iginiit naman ni Coach Tony Ong at Assistant Coach Brian Ong na magandang panimula ang mga panalong nakamit nila
03:13para sa unang araw ng kompetisyon at inaasahan na magtutuloy-tuloy ang kanilang momentum sa mga natitirapang mga laban.
03:20Ina-expect talaga namin yung gold ni Gary.
03:25And yes, birthday kasino ang anak niya.
03:29And then, tingin namin na napakagandang gift yun para sa kanyang anak, which is talagang close naman sa anak niya.
03:40So, yung kay Ernie, yes, ganun din.
03:44Gusto namin yung start na yun.
03:46And of course, we're expecting that from Angel as well.
03:50Nakaka-boost talaga ng moral yung start yung Gary kanina.
03:55Very happy kami doon sa naging performance and proud kami.
03:59Even before magsimula yung competition, separately mini-message naman namin sila.
04:03And yung unang message ko din talaga si Gary na we're expecting a lot from you for this competition.
04:09And sana i-visualize mo na na mayiging successful nung campaign natin ito.
04:14Tapos, i-boost mo yung team natin na give it a strong start.
04:18Then, nag-follow up naman ng si Ernie.
04:21And nakita din naman natin yung performance ni Angel.
04:25Sa pagpapatuloy ng Regional Para Games,
04:28inaasahang magdadala pa ng mas maraming medalya ang Philippine Para Swimming Team para sa bansa.
04:34JB Junyo para sa Atletang Pilipino para sa Bagong Pilipinas.

Recommended