00:00Nakatakdang sumabak ngayong araw ang Philippine Parachess Team sa 13 ASEAN Paragames sa Thailand.
00:06Ang kanilang misyon, kumulekta ng mas maraming medalya ngayon taon.
00:10Yan ang report ni Jamaica Bayaka.
00:14Buo ang tiwala ng Philippine Parachess Team na higitan ang 13 gintong medalya noong nakaraang ASEAN Paragames sa Cambodia.
00:22Kahit may pressure bilang isa sa mga nag-ambag na malaking bilang ng medalya noong 2023,
00:28tiwala ang kupunan na muling makakapodyum sa Thailand.
00:31Binubuo sila ng ilang veteranong manlalaro gaya ni Fidemaster Sander Severino
00:36na sabik na muling ibandera ang kanilang galing sa larangan ng Parachess.
00:40So yung sabi nga lagi ni coach namin, gusto namin mag-improve.
00:44So kung ano man yung nagawa namin noong previous Paragames, gusto namin mag-improve.
00:48At least another gold medal na dagdag doon sa previous na achievements namin.
00:55Maging better.
00:55Dagdag pa ni Severino, matagal nilang pinaghandaan ng kampanya
01:00sa pamamagitan ng mas maraming training sessions at simulation matches.
01:05Bukod sa medalya, isa rin sa kanilang layunin ang ipakitang husay at determinasyon ng Pilipinas
01:10sa pagrepresenta ng mga may kapansanan sa larangan ng sports.
01:14Ngayon, gusto din namin higitan pa.
01:18So yun po, medyo challenging siya.
01:21Pero, training naman kami, nandiyan naman yung supportan ng Philippine Sports Commission,
01:27ng Pilspada.
01:30Kaya, gagawin namin yung best na.
01:32Patuloy lang kayo sa pag-support sa amin, pagdasal.
01:35Gagawin namin yung best namin para magbigay ng karangalan para sa ating bansa.
01:39Sasabak ang koponan sa Nakonrachi Marahabat University sa Thailand ngayong January 21
01:46at inaasahang makikipagtagisan sa mga manlalarong galing sa iba't ibang bansa sa rehyon.
01:52Jamay Kabayaka para sa atletang Pilipino para sa bagong Pilipinas.
Comments