00:00Nagpakita ng tapang at matinding kondisyon si National Team Triathlete Joshua Ramos ng Baguio City
00:06matapos masungkit ang kampyonato sa Filipino Elite Category ng 5,150 triathlon na ginanap noong linggo sa Gimeras.
00:16Ipinamalas ng 24-year-old triathlete ang matibay na diskarte at malakas na paghatak sa huling takbuhan
00:23upang malagpasan ang kapwa niya mga membro ng National Team
00:27at magwagi sa kabuang oras na 2 hours and 14 minutes sa Olympic distance race
00:32na binubuo ng 1.5-kilometer swim, 40-kilometer bike at 10-kilometer run.
00:38Nagpakita na malakas na pagtatapos si Ramos nang itala ang pinakamabilis na run split na 38 minutes and 50 seconds.
00:47Dahil dito, napanatili niya ang lamang at natalo si Matthew Hermosa na nagtala ng 2 hours, 16 minutes and .18
00:55seconds
00:56para sa ikalawang pwesto habang pumangatlo naman si Kim Remolino sa oras na 2 hours, 23 minutes and .26 seconds.
01:04Sa Women's Filipino Elite Category naman, itinanghal na kampyon ang lone participant
01:09at National Team Member na si Erika Burgos na nagtala ng 2 hours, 36 minutes and .30 seconds.
Comments