00:00Puno ng sigla at kumpiyansa ang mga miyembro ng Philippine delegation na lalahok sa 13 ASEAN Paragames sa Thailand.
00:08Malaki ang tiwala ng mga sports officials ng bansa sa 216 na Filipino para athletes na lalahok sa 15 sports events
00:18ng prestigyosang palaro para sa mga athletes na may kapansanan.
00:22Nadagdagan pa ang motibasyon ng mga atleta matapos inanunsyon ni Philippine Sports Commission Chairman Patrick Pato Gregorio
00:29na magkakaroon ng dagdag na 6,000 peso cash incentive ang mga magwawaging atleta sa ASEAN Paragames.
00:36Target ng Pilipinas na malampasan ang nakuhang 33 gold, 33 silver at 50 bronze medals sa nakaraang ASEAN Paragames na ginanap sa Cambodia noong 2023.