00:00Ito ang GMA Regional TV News.
00:05Iahatid na ng GMA Regional TV ang may init na balita tungkol sa probinsya.
00:10Nagsalpukan ng isang jeep at isang truck sa Luna, Isabela.
00:14Sara, kumusta yung mga sakay niyan?
00:17Rafi, tatlo ang patay, habang walo ang sugatan.
00:22Sa kuha ng GTV sa National Road sa Bargay, Mambabanga,
00:25kita ang pagdausdos ng truck na sumalpok sa paparating na pampasaherong jeep.
00:31Sa tindi ng impact, natanggal ang itaas na bahagi ng jeep.
00:34Tumilapon din ang mga pasahero nito.
00:37Wasak naman ang harapang bahagi ng truck.
00:40Ayon sa mga otoridad na walang umano ng kontrol sa truck ang driver
00:43dahil sa madulas na kalsada kasunod ng pagulan.
00:47Ipinagutos na ng LTFRB sa Regional Director ng Cagayan Valley
00:51na madaliin ang paglabas ng insurance payment para sa mga biktima.
00:55Pinadala ng show cost order ang operator ng jeep bilang bahagi ng imbestigasyon.
01:00Walang pahayag ang driver ng truck.
01:03Tatlong bahay ang nasunong sa San Luis Aurora
01:06dahil umano sa gamit na naiwang nakacharge.
01:10Mabilis na kumalat ang apoy sa mga bahay na gawa sa light materials.
01:14Ayon sa may-ari ng bahay na pinagmula ng apoy,
01:17posibleng na overcharge ang naiwan nilang flashlight.
01:21Walang naiulat na sugatan.
01:23Inaalam pa ang halaga ng pinsala.
01:25Heto ang ilang paalala ng Bureau of Fire Protection
01:27para maiwasan ang ganyang insidente.
01:30Tanggalin sa saksakan ng appliances kung hindi ginagamit o walang bantay.
01:35Palitan ang defective o sirang appliances.
01:38Huwag ding iiwan ang mga nilulutong pagkain.
01:40Kung magsisindi naman ang kandila,
01:43ilagay ito sa ligtas na lugar na hindi maaabot ng bata.
01:47At dapat may fire extinguisher o mag-install ng fire protection system sa loob ng bahay.
01:53Ito ang GMA Regional TV News.
01:57Nasawi ang isang lalaki at kanyang anak sa salpukan ng motorsiklo at pick-up sa Bayawan Negros Oriental.
02:07Ayon sa investigasyon,
02:08pauwi na sana ang apat na magkakaanak sakay ng isang motorsiklo sa sityo Gisocon sa Bargay Nangka.
02:14Nakasalubog nila at nakabanggaan ang pick-up na patungong city proper.
02:19Nag-overtake raw ang pick-up sa isang sasakyan.
02:22Tumilapon ang magkakaanak at pumailalim ang motorsiklo sa pick-up.
02:26Idiniklarang dead on arrival sa ospital ang mag-ama.
02:29Ginagamot na sa ospital ang mag-inang sakay rin ng motorsiklo.
02:33Nasa kusudiyan na ng pulisya ang driver ng pick-up na wala pang pahayag.
02:39Dahil sa panggamba sa mga aftershock,
02:41sa labas ng bahay nagpalipas ng magdamag ang ilang residente sa ilang bahagi ng Sultan Kudarat.
02:47Sa Kalamansig na epicenter ng lindol nitong Martes,
02:51naglatag ng higaan ang ilang residente sa tabi ng kalsada.
02:55Sa mga duyan, tent at sasakyan naman natulog ang ilan.
02:59Sa Datugyabar Pilot School,
03:01halos dikit-dikit na ang sitwasyon ng mga nagpapahingang evacuees.
03:05Bukod sa Kalamansig,
03:06may mga pinalikas na ring residente mula sa coastal area
03:09na sakop ng palimbang at lebak.
03:12Magnitude 5.2 ang lakas ng lindol noong Martes ng umaga
03:16at may halos 6 na raang aftershocks na
03:19batay sa pinakawling datos ng FIBOX.
03:22Tatlong po sa mga ito ang naramdaman.
Comments