Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Sen. Lacson, sinabing sa basurahan ang bagsak ng minority report na inilabas nina Sen. Marcoleta at Sen. Imee Marcos

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Binatikos ng liderato ng Senado ang inilabas na umano'y Minority Report,
00:05kaugnay sa investigasyon ng Blue Ribbon Committee sa Flood Control Scandal.
00:10Tinawag pa ito ni Senate President Vicente Soto III na piraso lang ng papel at pang-media lang.
00:16Yan ang ulat ni Louisa Erispe.
00:20Sa basurahan ang bagsak, ito ang buwelta ni Senate President Pro Tempore
00:25at Blue Ribbon Chairman Panfilo Lacson hinggil sa Minority Report
00:29na inilabas nila Sen. Rodante Marcoleta at Sen. Amy Marcos
00:33kaugnay ng investigasyon ng Blue Ribbon Committee sa Flood Control Scandal.
00:37Ayon kay Sen. Lacson, pambabastos ang dokumento hindi lang sa komite kundi sa buong Senado.
00:45Dapat balikan nila ang rules ng Senado dahil bilang mga batikan ng mambabatas,
00:50dapat alam nilang may tamang proseso sa pag-adapt ng komite reports sa plenario.
00:54Hindi naman din sila pinagbabawalan na maglabas ng komento.
00:58Pero sadyang may tamang panahon lang para magsumiti nito
01:02at hindi dapat nakikipagunahan sa Blue Ribbon Committee.
01:06Ganito rin ang sentimiento ni Sen. President Vicente Soto III.
01:10Piraso lang ng papel at pang-media lang ang umanoy minority report.
01:14Bukod sa hindi dumaan sa tamang proseso,
01:17hindi rin tama na isinumiti ito sa kanyang opisina.
01:20Even a majority report, kahit anong Blue Ribbon Committee report siya,
01:25unless tinake up sa plenary, ay wala yan.
01:28It's simply a piece of paper.
01:30Napakarami ng committee report na matay sa committee.
01:33It has been submitted to my office.
01:36Then it's unofficial.
01:37Kasi dapat magsasubmit ang minority report.
01:39Sa pagkatapos ng committee report,
01:42isasubmit yun doon sa Bill Set Index, hindi sa akin.
01:46Ang laman naman ng report,
01:47tinutumbok si Leyte Representative at dating House Speaker Martin Romualdez
01:51na isa sa dapat makasuhan hinggil sa flood control skandal.
01:55Dahil kabilang siya sa liderato ng Kamara,
01:58hindi siya dapat abswelto sa pananagutan sa mga anomalya.
02:01Kasama din ang labing pito pang kongresista na binanggit na mga diskaya na dapat imbestigahan.
02:08Damay din si nadating Sen. Bong Revilla,
02:11Sen. Joel Villanueva at dating Sen. Nancy Binay.
02:14Pero si Sen. Risa Hontiveros, sang-ayo naman sa opinyo ng minority.
02:19Leadership has greater responsibility talaga.
02:24And kaya rin sinimulan at ipinagpapatuloy ng Blue Ribbon ang investigasyong ito.
02:30So that principle is shared.
02:31Among all the members and of course the leadership of the committee.
02:36Hinamo naman niya ang dating speaker na dumalo sa pagdinig
02:39para naman maipahayag ang kanyang panig.
02:42Samantala, sa ngayon, si Curly Diskaya na lang ang nakakulong sa Senado.
02:47Dahil kinuha na ngayong araw ng Department of Justice si Henry Alcantara
02:51na nakalusot bilang state witness sa flood control skandal.
02:54Nakasuot ng hard hat at bulletproof vest.
02:57Pasado alas 12 ng tanghali kanina, nakalabas ng Senado si Alcantara.
03:01Hindi pa ay dinitalye saan siya dadalin, pero ayon sa Department of Justice,
03:06sa Witness Protection Program na o WPP, ang masusunod sa kanyang kustudiya.
03:11Nauna na namang kinuha si Bryce Hernandez at JP Mendoza
03:15ng National Bureau of Investigation noong lunes.
03:18Dahil sa arrest warrant na inilabas sa kanila ng sandigang bayan
03:22para sa kasong malversation.
03:24Luisa Erispe, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended