00:00It's not the investigation of the Senate Blue Ribbon Committee on the flood control scandal.
00:05In this case, in the next episode, it's a clear connection to the House Speaker Martin Romualda
00:11with the diskaya, about the issue of the green coordinates of the flood control projects.
00:19It's a clear report on Louisa Erisbe.
00:21Pusibling imbitahang muli sa susunod na pagdinig ng Blue Ribbon Committee si dating House Speaker Martin Romualdez.
00:31Ayon kay Senate President Pro Tempore at Blue Ribbon Chairman Pan Filo Lacson,
00:35idadaan nila ang imbitasyon sa liderato ng Kamara.
00:39Bagamat hindi nila mapipilit na dumalo ang dating House Speaker,
00:42bukas ang komite na pakinggan ang kanyang panig.
00:45Ang tatalakayin kasi sa susunod ay ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa isang bahay sa Forbes Park sa Makati City.
00:53Patatandaan na noong nakaraang pagdinig, may dalawang testigo na itinuro si Curly Descaya na kontraktor umano ng nasabing bahay.
01:01Ang adres naman nito ay ang 30 Tamarind Road na siyang lumabas naman sa isang video ni dating Congressman Zaldico
01:07na doon umano siya nag-deliver ng 1 billion pesos sa utos ni dating Speaker Romualdez.
01:13Ang lumalabas naman na may-ari ay ang Golden Fee Sand Holding Corporation.
01:18Kaya maaaring ipatawag din ang malaking stockholder nito na si Atty. Jose Raulito Paras.
01:24Bubusisiin din kung may kakayahan ba talaga itong bumili ng bahay na nagkakahalaga ng halos 1 billion pesos.
01:31Wala pa namang komento ngayon si dating Speaker Romualdez.
01:34Hinamon din siya ni Sen. Risa Hontiveros na dumalo sa Blue Ribbon Committee para marinig ang kanyang panig.
01:41Hindi lang naman ang isyo ni Romualdez ang tutumbukin sa susunod na pagdinig.
01:46Pupunteryahin ulit ng mga tanong si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan.
01:51Hingil sa umano'y maling grid coordinates na isinumiti niya kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:57Lumalabas kasi 86% na mga coordinates ng flood control projects ay mali-mali.
02:04Hindi pa rin kumbinsido si Sen. Laxon na hindi sinadya ang pagsusumiti ng maling datos.
02:09Baka raw ginawa pa nga itong escape plan kung sakaling makarating sa korte ang investigasyon.
02:15Nagbabala naman si Laxon na pwede nilang ipakulong si Bonoan kung titipirin ito ang mga sagot at ang mga ibibigay na impormasyon.
02:23Samantala kamakailan naglabas ng Minority Report si Sen. Amy Marcos,
02:27sa Don Rodante Marcoleta hinggil sa investigasyon ng Blue Ribbon Committee.
02:31Nabastusan naman si Sen. Laxon at sinabing deretsyo ito sa basurahan.
02:36Git niya, hindi pinipigilan ang kanyang mga kasamahan na magkomento o magkaroon ng rekomendasyon
02:42pero hindi sana nakikipag-unahan sa komite.
02:45Pinayuhan niya rin ang mga ito na balikan ang rules ng Senado sa tamang proseso ng pagsusumiti ng mga komite reports.
02:53Luisa Erispe, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments