Skip to playerSkip to main content
Pandarambong at katiwalian ang ilang akusasyon laban kay Vice President Sara Duterte sa reklamong inihain ni dating Senador Antonio Trillanes IV at isang grupo.


Ang hiling nila sa Ombudsman, imbestigahan ang bise at sampahan ng impeachment complaint.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pandarambong at katiwalian ang ilang akusasyon alaban kay Vice President Sara Duterte
00:05sa reklamong inihain ni dating Sen. Antonio Trillanes IV at isang grupo.
00:11Ang hiling nila sa ombudsman, imbestigahan ang bise at sampahan ng impeachment complaint.
00:17Nakatutok si Maki Pulido.
00:21Sa inihain reklamo sa ombudsman ni na dating Sen. Antonio Trillanes IV
00:26at civil society group na the silent majority laban kay Vice President Sara Duterte
00:32inakusahan nila ang bise ng plunder, malversation of public funds, graft and corruption,
00:38bribery and culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust at other high crime.
00:45Hiningi ng mga complainants na mag-imbestiga ang office of the ombudsman
00:49at pagkatapos ay maghain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
00:55Ayon sa reklamo, guilty raw si Duterte ng graft and corruption, bribery at plunder
01:00dahil sa diumanoy maanumalyang paggamit ng P650 million pesos
01:05na kabuang halaga ng confidential funds nung kalihim pa ng DepEd at bilang Vice President.
01:12Naka-attach dito ang salaysay ni Ramil Madriaga,
01:15ang nagpakilalang datiumanong civilian intelligence agent ni Duterte
01:18at ng ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte at nagsabing
01:22naghatid umano siya ng pera mula sa confidential funds sa ilang individual sa utos ng bise.
01:29Nilustay din umano ni Duterte ang higit 2.7 billion pesos na confidential funds
01:35nung mayor siya ng Davao City.
01:37Lumoburaw ang halagang ito mula 2010 hanggang 2022.
01:42Nung kalihim din daw si Duterte ng DepEd,
01:4512 billion pesos ang inisuhan ng Commission on Audit ng Notice of Disallowance
01:50dahil sa posibleng mali o sobrang paggamit ng pondo.
01:54Maliban dyan, bilang kalihim,
01:56halos 7 billion pesos ang diumanoy unliquidated cash advances
02:00o hindi na ipaliwanag na gastos ng ahensya.
02:03Kung may hindi maipaliwanag na gastos,
02:06ayon sa mga complainants,
02:07may higit 15 billion pesos din na pondo ang DepEd
02:11na hindi nagamit sa halip na naipatupad ang iba't ibang proyekto.
02:15Sinita pa raw ng COA ang hindi nagamit na pondong
02:18sanay na ipampatayo o pinangrepair ng mga classroom.
02:22Dahil dyan, ayon daw sa COA,
02:24192 classrooms lang daw ang naipatayo ng DepEd
02:27samantalang 6,000 ang target
02:29at 208 classrooms lang ang na-repair sa target na higit 7,000.
02:358 billion pesos din umano ang halaga ng overpriced na laptop
02:39nung kalihim si Duterte ng DepEd.
02:42Sabi ng mga complainant,
02:43guilty rin si Duterte ng bribery and culpable violation of the Constitution.
02:48Ayon sa reklamo,
02:49may hindi raw maipaliwanag na kayamanan si Duterte.
02:52May 2.4 billion pesos umanong nakadeposito sa bank account ni Duterte
02:57kung saan ka-joint account ang kanyang amang si dating Pangulo Rodrigo Duterte
03:01at asawang si Atty. Manazes Carpio.
03:05Ang mga bank deposit na ito at ibang ari-arian,
03:08hindi rin daw idineklara ni Duterte sa kanyang Assets of Statements and Liabilities o SAL-EN.
03:13Pagkal binuksan yung bank accounts
03:16o galing man lang dun sa mga flag transactions ng AMLOC,
03:22eto na, hindi na nila maitatanggi.
03:25Tumanggap din umano si Vice President Duterte at kanyang mga kaanak ng Suhol
03:29mula sa isang drug lord nung mayor siya ng Davao City.
03:33Ayon pa sa inihaing reklamo,
03:35guilty si Duterte ng betrayal of public trust at other high crimes.
03:39Isang basihan umano rito ay nang pagbantaan niya ang buhay ni Pangulong Bongbong Marcos.
03:44Pinapakita ng complaint na ito na una,
03:48ang kabuoang halaga ng mga nilimas o niwaldas ni Sara Duterte
03:53ay maihahanay sa mga pinakamalalaking flood control scandal.
03:59Nagsimula yung nakawan nung mayor pa lang siya.
04:02Sana naman daw, sabi ni Trillanes,
04:04aksyonan na ng ombudsman ang reklamo laban kay Duterte.
04:07Nauna pa raw sampahan ng ombudsman sa Sandigan Bayan,
04:11si dating Sen. Bongribilla,
04:12samantalang noong nakaraang taon pa may nakahain ng reklamo laban kay Duterte.
04:17Last year pa ito sa Quadcom, hindi pa umuusad.
04:22Itong kay Sen. Bongribilla, linggo lang ang binilang, 90 million ang halaga.
04:29Hinihingi pa namin ang pahayag ni Vice President Duterte.
04:32Sinubukan din namin kumuha ng pahayag ng Office of the Vice President
04:36pero wala pa silang tugon.
04:38Pero dati nang sinabi ni Duterte na wala siyang personal relationship kay Madriaga,
04:42hindi rin daw siya nagbigay ng anumang utos dito
04:44at hindi raw niya ito nakausap kailanman.
04:48Dati na rin niyang itinanggi na may mali sa paggastos
04:51ng Office of the Vice President at DepEd sa confidential funds.
04:54Para sa GMA Integrated News,
04:57Makipulido Nakatutok, 24 Horas.
05:02Subscribe and Subscribe for better results!
Comments

Recommended