00:00Update po tayo sa Senado kung saan nagpapatuloy ang botohan ng mga Senador para i-archive ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
00:10At live mula sa Senado, nakatutok si Rami Tima.
00:14Raffi.
00:16Vicky, inabot ng halos limang apat na oras yung debate ng mga Senador tungkol sa mosyon ni Senate Minority Leader Tito Soto
00:25na ipagpaliban ang mosyon ni Sen. Rodante Marcoleta na ilagar sa archive ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
00:34Sa botong lima pabor at labing siyam na hindi pabor, nagdesisyon ng mga Senador na pagbutohan na ang mosyon tungkol sa kahihinatnaan ng impeachment complaint laban kay VP Sara.
00:44Bukod sa minorya na kinabibilangan ni Senate Minority Leader Tito Soto, Sen. Ping Lakson at Sen. Teresa Ontiveros,
00:50bumoto rin pabor sa pagpapaliban si Sen. Bamaquino at Sen. Kiko Pangilina ng miyembro ng mayorya.
00:56Dahil dito, ay nagbobotohan na nga ngayon ang mga Senador sa mosyon ni Sen. Marcoleta.
01:01Ang unang mosyon ni Sen. Marcoleta ay tuwira na i-dismiss ang impeachment complaint laban kay VP Sara.
01:06Bunsod sa desisyon nga ng Korte Suprema na labag daw ito sa konstitusyon.
01:11Pero matapos ang ilang oras na diskusyon at debate, ay pumayag si Sen. Marcoleta na sa panukalang sa halip na i-dismiss,
01:17ay ilagay na lang ito sa archive.
01:19Sa ganitong paraan, ay masusunod pa rin daw yung desisyon ng Korte Suprema,
01:22pero mayigigit pa rin ng Senado yung kanilang kapangyarihan.
01:25Sa ngayon nga, ay nagbobotohan na itong mga Senador sa mosyon na ilagay sa archive
01:29ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
01:35Nominal voting ang ginagawa ng mga Senador.
01:37Ibig sabihin, ay pinapayagan ng mga Senador na ipaliwanag yung kanilang boto.
01:42Kapag nanalo ang mosyon ni Senador Marcoleta,
01:44ibig sabihin, ay wala na mangyayaring impeachment trial dito sa Senado.
01:47Pero posibleng mabuhay ito sakaling baliktarin ng Korte Suprema
01:50ang kanilang desisyon at pumabor sila sa motion for reconsideration
01:55na inihain ng mababang kapulungan ng Kongreso.
01:58Sa huling bilang, Vicky, ay isang Senador pa lamang
02:00yung tutol sa pag-archive sa mosyon.
02:03Lima na ang Senador na pabor.
02:05Yan pa rin ang latest mula dito sa Senado.
02:07Vicky?
02:09Maraming salamat sa update mo, Rafi Tima.
Comments