00:00Natanggap na ng abogado ni Vice President Sara Duterte ang imbitasyon para sa pagdinig sa hinaharap niyang dalawang impeachment complaint.
00:08At kung dadalo siya, alamin sa pagtutok ni Jonathan Andal.
00:15Ito ang ipinadalang imbitasyon ng House Committee on Justice kay Vice President Sara Duterte para sa hearing sa dalawang impeachment
00:23complaint laban sa kanya.
00:24Ayon kay Atty. Michael Powa, abogado ni Duterte, natanggap na nila kahapon ng imbitasyon pero hindi pa raw nila ito
00:31na pag-uusapan ng Vice Presidente.
00:32Sabi ni Justice Committee Chair Congresswoman Jervie Luistro, hindi nila pipilitin si Duterte na dumalo sa pagdinig na tinawag din
00:40niyang mini-trial.
00:41Ito pong mini-trial na ito, we are using this for the better understanding of the Filipino people dahil magkakaroon
00:49po ng presentasyon ng witnesses, presentasyon ng mga evidence, ng complainant at ng respondent.
00:56But again, let me state for the record, Igan, the full-blown trial will happen only in the Senate of
01:02the Philippines.
01:04Itinakda ng House Justice Committee ang hearing ng impeachment complaint sa apat na araw, March 25, April 14, April 22
01:11at April 29.
01:13Paglilinaw ni Luistro, ang pwede lang mag-cross-examine sa mga iyaharap na testigo ay mga kongresistang miyembro ng Justice
01:20Committee.
01:21Hindi pwede si VP Sara, ang kanyang mga abogado at kahit ibang kongresistang hindi miyembro ng kumite.
01:27Kung hindi sisipot ang vice, hindi rin daw uubra na ang abogado lang nito ang magpipresenta ng ebidensya para sa
01:33kanya.
01:34Hindi rin pwede ang mga kaalyado niyang kongresista.
01:37Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Horas.
Comments