Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/10/2025
Hati ang opinyon ng ilang senator-judges sa usapin ng hurisdiksyon kaugnay sa impeachment kay Vice President Sara Duterte.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hati ang opinion ng ilang senator judge sa usapin ng jurisdiksyon kaugnay sa impeachment kay Vice President Sara Duterte.
00:08Nakatutok si Mav Gonzalez.
00:12June 25 nang isumite ng Kamara sa Senate Impeachment Court ang sertifikasyon na alinsunod sa Konstitusyon
00:19ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
00:23Ilang linggo yan matapos isauli ng Impeachment Court sa Kamara ang Articles of Impeachment
00:27para matiyakong nasunod ang constitutional requirement na isang impeachment complaint lang ang pwedeng simulan
00:33laban sa isang impeachable official sa loob ng isang taon.
00:37Sa panayam ng talk show host na si Boy Abunda, sinabi ni Sen. Judge Alan Peter Cayetano,
00:42hindi pa niya nakikita ang buong tugon ng Kamara.
00:44Pero hindi raw simpleng sertifikasyon ang hinihingi ng Impeachment Court.
00:48Si Cayetano ang nagmosyon para sa pagsasauli ng Articles of Impeachment sa Kamara.
00:53Hindi ko pa nakikita lahat kasi nga ang hinihingi ko, hindi lang nasabihin na konstitusyonal.
01:00I-certify nila kung anong ginawa nila sa first, second and third impeachment complaints.
01:05Matatandaang sa apat na impeachment complaint na na-i-file sa Kamara,
01:09ang ika-apat na impeachment complaint lamang ang Vinerify
01:12at siyang ipinasang Articles of Impeachment sa Senado, ang tanong ni Cayetano.
01:16Ano talaga yung ginawa sa first, second and third?
01:19Kasi kung lumabas, nakinonsider yun, gumalaw, etc., di walang violation.
01:24Pero pagka lumabas na hindi nila pinagalaw tapos yung fourth,
01:29eh pag-iisipan ko yun, pinaikutan nyo ba yung konstitusyon na
01:32pwede palang mag-file ng tatlo pero huwag mong pag-alawin, hihintayin mo yung pang-apat.
01:37Dito raw nakasalalay para masabing may jurisdiction ng Impeachment Court.
01:41Jurisdiction din, Ania, ang karaniwang unang tinitingnan sa ordinaryong korte,
01:45bago pa man ang mga ebidensya.
01:47Pero yung jurisdiction, yung ididismiss mo kasi tingin mo may problema.
01:54But either way kasi Kuya Boy, tingin ko dito ha,
01:57kung hindi namin i-dismiss, quick questioning yan sa Supreme Court
02:00whether na-violate yung more than one.
02:04Walang TRO, tuloy-tuloy lang kami.
02:06But if we do decide na sandali lang may violation ito ng one-year ban,
02:11therefore hindi dapat umabot sa amin ito,
02:14di ang mangyayari nito, I'm sure, tutuloy sa Supreme Court.
02:19So that's why I'm saying nga na masyadong maselan.
02:23So maselan itong issue about yung one year.
02:28Jurisdiction din ang planong questionin ni Sen. Bato de la Rosa
02:31sa pagbukas ng sasyon ng 20th Congress.
02:33Sigura, pinakaulang motion ko is to determine
02:37whether or not the Senate of the 20th Congress
02:42is willing to be bound by the actions of the previous Senate.
02:49Yun lang ang tanongin ko para masitil natin yung issue on jurisdiction.
02:53Hindi niya sinagot ng direkta kung ipapadismiss niya agad ang impeachment.
02:57Pero paniwala niya, walang jurisdiction sa impeachment ng B.C. ang Senado.
03:01Gayunpaman, irerespeto raw niya ang desisyon ng mayorya rito.
03:05Tugo naman ni House Prosecutor Joel Chua.
03:08Irerespeto natin kung ano man ang ninanais ni ating butihing Senador,
03:14Sen. de la Rosa, sana nga lang ito po ay ginagawa nila
03:18ng walang kinikilingan.
03:22Ako po naniniwala, mayroon po jurisdiction dahil sinasabi ko nga po
03:27at ito po yung aming stand na ito po nga Senate ay continuing body
03:32at yun po ay malanatiling stand po namin.
03:37Para naman kay Senadori sa Honteveros,
03:39wala nang dapat pang pag-usapan sa isyo ng jurisdiction
03:42dahil napatunayan na ito noong 19th Congress.
03:45Settled na po yun sa ilang desisyon ng Korte Suprema
03:49bukod pa sa utos ng konstitusyon.
03:52Para sa akin, non-issue yung jurisdiction.
03:55Pero kung may mag-re-race pa rin,
03:58handa kaming idebate yan.
04:00Para sa GMA Integrated News,
04:02Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Oras.

Recommended