00:00Inaasahan ng ilang kongresista na sa lunes ay isasama na sa pag-uusapan ng plenario ang dalawang impeachment complaint labang kay Vice President Sara Duterte ngayong hawak na ito ng opisina ng House Speaker.
00:14Ang mga pagdaraanan nito para umabot sa Senado kung sakali sa pagtutok ni Darlene Cai.
00:20Tatlong araw matapos maihain, sakalang na-transmit kahapon sa tanggapan ni Speaker Bo GD ang dalawang verified impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
00:33Ang una ay isinampa ng mga dating kongresista sa Makabayan Block at inendorso ng parehong block.
00:39Habang ang ikalawa ay isinampa ng ilang civil society and religious groups at inendorso ng ML Partylist at Akbayan Partylist.
00:46Base sa impeachment rules, meron lang ang speaker na sampung session days para isama ang mga reklamo sa order of business ng plenario ng Kamara.
00:52Matapos nito, may tatlong session days ang plenario para i-transmit ang mga reklamo sa Justice Committee.
00:57Sabi ng Justice Committee member na si Terry Riton, inaasahan nilang sa lunes ay maisasama na sa order of business ang dalawang impeachment complaints laban sa Vice.
01:05Sabi naman ang committee chairperson na si Jerville Luistro, pwede pa rin humabol na maghain ng iba pang reklamo impeachment laban sa Vice.
01:12So long as wala pang narirefer sa Justice Committee, let us remember that the process of initiation is completed by the referral of the plenary of the impeachment complaint to the Justice Committee.
01:29Ang isa pang pwedeng mangyari ayon kay Riton ay ang fast-track mode kung saan one-third ng Kamara o 105 na mga kongresista ang mag-e-endorso ng articles of impeachment laban sa Vice bago direktang ipadala o i-transmit sa Senado.
01:42Pero sabi ni Luistro, dapat maingat sa paraang yan, lalo't idiniin na ng desisyong inilabas ng Korte Suprema ang pagsisiguro ng due process para sa Vice.
01:50Kasi dyan nagkaroon ng requirement ang ating Supreme Court in the first decision na dapat mabigyan ng notice ang respondent at dapat mabigyan ng pagkakataon ng respondent to file an answer to the impeachment complaint.
02:07That is in as far as the first decision is concerned. And then with respect to the recent resolution, evidence must be attached to the impeachment complaint and that the same must be sufficient to support the impeachment complaint.
02:22Kaya para kay Luistro, mas mabuting maglabas ang Committee on Rules ng bago, mas malinaw at mas detalyadong mga patakaran sa impeachment proceedings alinsunod sa resolusyon ng Supreme Court.
02:32Tiwala naman ng mga complainant na may sapat na basiyahan ng mga reklamo laban sa vice na halos kahalintulad ng mga inilatag ng ipa-impeach si Duterte noong 2025.
02:41Kabilang dyan ang culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust, bribery at commission of high crimes.
02:47Dahil sa umano'y maling paggamit ng P612.5 million na confidential and intelligence funds ng Office of the Vice President at Department of Education,
02:57gayon din ang umano'y tangkang pagpapapatay ng bises sa Pangulo, First Lady at dating Speaker sakaling may mangyari sa kanya.
03:05Nauna nang itinanggin ni VP Sarah ang mga aligasyon pero tuloy ang paghahanda ng depensa kung ma-impeach.
03:10Para sa GMA Integrated News, Darlene Cai, nakatutok 24 oras.
Comments