00:00At sa piitan nga sa payatas, ikinulong si dating Sen. Bong Rebilla sa kabila ng hiling niya sa Sandigan Bayan 3rd Division na manatili sa kustodiyan ng PNP.
00:12Sa business pa kasi, diringgin ang hiling kasabay ng pagbasa ng sakdal kay Rebilla at mga kapwa-akusado.
00:20Nakatutok si Maki Pulido.
00:22Mabilis sa mga aksyon ng Sandigan Bayan 3rd Division.
00:29Pasado alas 11 ng umaga kahapon nang makuha ng dibisyon ang kasong malversasyon laban kay dating Sen. Bong Rebilla at mga dating opisyal ng DPWH Bulacan.
00:39Kinahaponan, pasado alas 5 ng hapon, na-issue na ang warrant of arrest at hold departure order laban sa mga akusado.
00:46Nang mabalitaan daw ni Rebilla na may warrant of arrest na laban sa kanya, nagdesisyon na siyang sumuko kagabi.
00:52Bandang alas 10 ng umaga kanina, binala na ng PNPC-IDG si Rebilla sa Sandigan Bayan para iharap siya sa korte o return of warrant.
01:01Kasamang dumating ni Rebilla ang asawang si Congresswoman Lani Mercado, mga anak at kapatid na si Bacoor City Mayor Strike Rebilla.
01:09Isa sa mga kasamang abogado ni Rebilla, si Atty. Ramon Esguera, dating abogado niya sa kasong plunder.
01:15Kumusta?
01:16Pasok, pasok, pasok.
01:19Hinatid din siya ni DILG Secretary John Vic Remulia.
01:22Kumusta ang demeanor?
01:23Siyempre walang masaya sa panahon na ganito, di ba?
01:26Pero ang huling sabi niya, bago mababa ng kotse, ako nag-adididid. Sabi niya, lalaban ako.
01:30Bago i-turnover ng PNPC-IDG ang kustudiya kay Rebilla sa Sandigan Bayan, chinek muna ang kanyang vital signs tulad ng blood pressure na, ayon sa nurse, ay normal naman.
01:41Para raw sa kanyang siguridad, hiningi ni Rebilla sa mga mahistrado na manatili siya sa kustudiya ng PNP.
01:47Didinggin ang musyong ito sa biyernes, pero inutos muna ng korte ang pagkulong kay Rebilla sa New Quezon City Jail sa Payatas.
01:54Binasa pa ni 3rd Division Chairperson Carl Miranda ang ipinadalang sulat ni Acting PNP Chief Melencio Nartates Jr. na humihiling na ihinto na ang pagpapadala ng mga detainee sa PNP Custodial Center.
02:07Magastos daw kasi at kailangan ng dagdag na manpower.
02:11Ayaw rin daw ng korte na sabihin ang publiko na may special treatment na ibinibigay kay Rebilla.
02:16Ipinatawag din ang mga mahistrado ang superintendent ng Quezon City Jail na tiniyak na sapat ang siguridad at ditulad sa ibang city jail, maluwag ang kanilang pasilidad.
02:27Bago mag alas 2 ng hapon, hinatid na si Rebilla sa Quezon City Jail.
02:31Alauna imedia naman ang hapon dumating sa Sandigan Bayan, ang kapo-akusado ni Rebilla na si Juanito Mendoza, dating accountant ng DPWH Bulacan at project engineer na si RJ Domasig.
02:43Pareho silang sumuko kahapon sa NBI.
02:45Sunod na dumating si na Bryce Hernandez, dating assistant district engineer ng DPWH Bulacan at JP Mendoza, dating jepe ng construction section.
02:54Tulad ni Rebilla, sa Quezon City Jail din sa Payatas, ang initial commitment order ng korte.
03:00Sa labas ng Sandigan Bayan, nagtipon-tipo naman ang ilang taga-suporta ni Rebilla para iprotesta ang pag-aresto sa kanya.
03:07Sa biyernes, January 23, nakatakdang basahan ng sakdal si Rebilla at kanyang mga kapo-akusado.
03:14Sa araw din yun, nakatakda ang pre-trial conference sa kasong malversation, kaugnay ng diumanoy 92 million peso ghost flood control project sa Pandi Bulacan.
03:24Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido, nakatutok 24 oras.
Comments