Skip to playerSkip to main content
Nauwi sa sakuna ang masaya sanang fiesta sa Barangay Commonwealth sa Quezon City nang sumiklab ang sunog sa kagabi. Sa Caloocan City naman, tinatayang nasa 300 pamilya o higit pa ang naapektuhan sa nangyaring sunog kaninang umaga.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nauwi sa sakuna ang masaya sanang fiesta sa barangay Commonwealth sa Quezon City nang sumiklab ang sunog kagabi.
00:08Sa Caloocan City naman, tinatayang nasa tatlong daang pamilya o higit pa ang naapektuhan sa nangyaring sunog kaninang umaga.
00:17Ang mga insidente niyan, tinutuka ni James Agustin.
00:24Nabulabog ang pagdiriwang ng fiesta ng mga residente ng Odigal Street sa barangay Commonwealth, Quezon City.
00:29Matapos sumiklab ang sunog pasado alas 9 kagabi.
00:32Mabilis na kumalat ang apoy sa ilang bahay.
00:35Itinas ng Bureau of Fire Protection ang unang alarma.
00:38Nasa 18 firetruck nila rumisponde.
00:40Dagdag ang 13 fire volunteer group.
00:43Ang isang residente nagtamu ng mga pasos sa braso, likod at muka.
00:46Matapos subukang apulahin ang apoy pero hindi niya kinaya.
00:49Sa baba po kami, gumagawa po ako ng TV sa babae.
00:52May sumigaw, umakit po ako.
00:54Sa pagkakit ko, medyo malaki na yung apoy.
00:56Siguro, nisip ko siguro na baka kayo kong apoy.
01:01Abang tumatagal, lalo kasi mahangin po.
01:03Medyo lumalakas po yung apoy.
01:06Mayro'ng mga kapit-bahay na tumulong na bigay sa akin ng mga tubig, balde.
01:10Tapos kaya lang hindi ko na pa kaya yung init.
01:13Si Amor naman, ilang mahalagang dokumento lang ang nadala.
01:16Wala silang naisalbang mga gamit at damit.
01:18Laking pa sa salamat niya, nakaligtas sila ng kanyang limang taong gulang na anak na babae.
01:22Nagulat lang po kami na kinakatok na kami sa bahay, na malaki po yung apoy, nasunog.
01:27Buminis po kami, tumakbo kasi binuwat po po yung anak ko.
01:30Nanginginig po po kami hanggang ngayon sa takot po, naiiyak po yung anak ko.
01:33Napo lang sunog matapos ang halos isang oras.
01:36Ayon sa BFP, nasunog ang tatlong bahay.
01:39Iniimisigan pa nilang sanhinang apoy na nagsimula sa ikaapat na palapag ng isang bahay.
01:43Ayon naman sa mga taga-barangay, umabot sa anim na pamilya ang naapektoho ng sunog.
01:47Yung mga pamilya, if they are willing na pumunta sa mga evacuation area namin o malapit na covert court dito,
01:53doon sila muna.
01:54And yung mga pagkain naman, yung barangay naman nakaanda pagdating sa ganyan,
01:58pwede namin silang bigyan ng pagkain hanggang sa maging okay yung kanilang bahay na pwede na silang bumalik.
02:04Sumiklab din ang sunog sa isang residential area sa barangay 164, Kalookan,
02:08bago mag-alas sa isang umaga.
02:10Pawang gawa sa light materials sa mga bahay,
02:12kaya mabilis na kumalat ang apoy.
02:14Itinaas ang ikalawang alarma hudyat para rumisponde,
02:17ang hindi bababa sa walong firetruck.
02:20Para magkaroon ng karagdagang akses sa lugar,
02:22bumutas ng pader ang mga bombero sa katabing subdivision
02:25at pinagdugtong-dugtong ang mga firehose upang makapasok hanggang sa sentro ng mga nasusunog na bahay.
02:30Ayon kay Fire Superintendent Jackie Gina, Station Commander ng BFP,
02:34nagsimula ang sunog na umabot sa ikatlong alarma pasado alas 5.20 na madaling araw
02:38at tuluyang naapula alas 7 gis ng umaga.
02:41Nakatulong din ang mga fire hydrants sa katabing subdivision,
02:45kaya't napaikutan ang mga bombero ang mga nasusunog na mga bahay.
02:48Tatlong napaulat ang nagtamuan ng minor injuries.
02:51Pansamantalang ililikas ang mga naapektohan ng sunog mula sa GSIS Hills,
02:55Talipapa, Barangay 164, Kalookan City, sa Talipapa High School.
02:59Sa paunang impormasyon mula sa Barangay 164,
03:02tinatayang nasa 300 to 350 families ang naapektohan ng sunog,
03:06habang patuloy na inaalam kung ano ang pinagmula ng sunog.
03:09Para sa Gemma Integrated News, James Agustin, Nakatuto, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended