00:00Alos 200,000 piso ng alaga ng mga sapatos, dabit, pera at iba pang gamit ang ninakaw sa isang bahay sa Quezon City.
00:08Ang pinagahanap ng lalaki, nag-change outfit parao mula sa mga ninakaw na gamit.
00:14Lagi una ka sa balita ni EJ Gomez sa Exclusive.
00:17Bungi-bungi na ang ilang hilera ng surak na puno ng mga branded na sapatos nang makita ng isang pamilya sa Barangay Kaligayahan, Quezon City, umaga nitong Webes.
00:33Nilooban kasi ang bahay nila Joe, di niya tunay na pangalan.
00:37Nagising yung buong bahay sa sigaw ng helper namin at sinabi niyang pinasok tayo, pinasok tayo.
00:43And then upon looking at the garage, nakita namin nakakalat na yung mga gamit.
00:47Dalawang putlimang pares daw na mga sapatos ang nakuha.
00:51Ilang tools at personal na gamit din daw mula sa bag ng tatay ni Joe ang tinangay ng salarin.
00:56May mga t-shirt din ako doon na bago din na mga branded.
01:00Nandun yung mga ID's ko.
01:03Meron din akong cash doon.
01:05Ang total doon nasa 15,000.
01:07Ayon naman sa asawa ni Jonah si Ja, hindi niya tunay na pangalan,
01:11ninakaw din ang school bag at pouch bag ng kanilang mga anak na naglalaman ng pera.
01:17Pati ang dalawang bisikleta at ilan pang mga damit.
01:20Yung mga binabako na dinik-clutter ko, wala na mga damit.
01:25For garage sale nga sana and yung iba is for donation.
01:29Pinilian niya pa kasi ang daming nakakalat na damit that time.
01:32Literal na nag-shopping.
01:34Ang galing mamili ng shoes.
01:36Literally, puro branded yung kinuha.
01:38And then yung mga damit na pinagkukuha din niya is mga branded din.
01:43Ang magnanakaw, nag-change outfit pa raw.
01:46Dahil iniwan niya sa niloobang bahay ang kanyang damit at sinelas.
01:51At isinuot ang ninakaw niyang damit at sapatos.
01:54Sumatotal, aabot daw sa halos 200,000 piso ang halaga ng mga ninakaw na gamit.
02:00Sa tulong ng mga CCTV ng ilang kapitbahay at barangay,
02:04napag-alamang lalaki ang salarin na nanloob pasado alas dos ng madaling araw.
02:09Bago ang panloob, nakita ang salarin na nakaupo sa isang tindahan malapit sa ninakawang bahay.
02:15Tugma ang suot niyang damit sa damit na naiwan sa bahay.
02:19Makikitang naglalakad siya mag-aalauna ng madaling araw.
02:23Pumasok siya sa gate ng subdivision.
02:25Pero hindi na nakuna ng aktual na pagnanakaw sa bahay.
02:28Sa isa pang kuha ng CCTV ng kapitbahay ng mga biktima,
02:33nakitang lumabas ang salarin sa bahay.
02:35Bit-bit ang dalawang malaking echo bag na naglalaman na umano ng mga ninakaw na items.
02:41Patuloy pong inimbestiga ng mga pulis at ng ating barangay yung pangyayari.
02:48Kung sino man yung mga nakakilala dun sa tao na may tattoo,
02:52ipagbigay alam lang sa barangay.
02:54May 10,000 pisong pabuya mula sa pamilya na biktima
02:57ang sino mang makapagtuturo sa salarin.
03:00Ang masasabi ko sa kanya, lumabos siya ng patas.
03:04Pagtrabaho ka ng mayos, mahuhuli ka rin pre.
03:08Kasunod ng insidente, nagpakabit na ng CCTV ang pamilya.
03:13Ito ang unang balita.
03:16EJ Gomez, para sa GMA Integrated News.
03:20Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
03:24Mag-iuna ka sa balita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.