Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:04Mga kapuso, habang patuloy po ang sigalot sa Middle East,
00:08walang preno ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
00:11Nagsimula noong isang linggo ang malakihang oil price hike
00:15na talaga naman naka-apekto ng husto sa maraming mga sektor.
00:18At ngayong linggo nga, big time uli ang taas presyo.
00:22Ayon sa Department of Energy, mahigit 20 pesos hanggang halos 24 pesos
00:28ang dagdag sa kada litro ng diesel.
00:30Halos 13 hanggang halos 17 pesos naman ang tinaas sa presyo ng gasolina,
00:35habang halos 7 pesos hanggang halos 9 pesos naman sa kerosene.
00:40Paano nga ba yan kinakwenta mga kapuso?
00:43Ano ang basehan at bakit napakalaki ng oil price increases nitong mga nagdaang linggo?
00:48Sa panayang po ng GMA News Online sa presidente ng isang oil company,
00:53nakabatay po ang oil prices sa mean of plots Singapore o MOPS.
00:59Yan ang daily average price assessment ng refined petroleum products tulad ng diesel at gasolina
01:04na ikinakalakal sa regional trading hubs sa Singapore.
01:08Ayon kay Leo Bellias ng Jetty Petroleum,
01:11ang formula para sa presyo ng mga produktong petrolyo,
01:14ibabawas po ang average na MOPS mula sa nagdaang linggo sa average ngayong linggo.
01:20Kung ang lumabas na pagkakaiba ay isang positive number,
01:24naku, ibig sabihin po niyan, may price hike.
01:26Kung negatibo naman, ay rollback.
01:29Alright?
01:30So malaking dahilan na pagsipan ang presyo ng mga produktong petrolyo nitong mga nakaraang linggo
01:34ang gera sa paggitan ng Iran at ng Alyansa ng Amerika at Israel.
01:40Kontrolado po ng Iran, ang Strait of Hormuz.
01:43So yan, makikita natin dyan.
01:45At kung saan idinadaan ito ang malaking bahagi ng supply ng langis sa buong mundo.
01:52Diyan po yan.
01:53Ngayon, isinara nila ito at ilang tanker ship na ang inatake sa gitna ng gulo roon.
02:00Patuloy raw, haharangin ng Iran ang pagdaan doon ng supply ng langis
02:04hanggat patuloy din ang pag-atake sa kanila ng Amerika at Israel.
02:09Ayan.
02:10At habang kakaunti ang supply ng langis sa global market, patuloy natataas ang presyo nito.
02:16Sa kasalukuyan po, mahigit $120 na po ang kada barilesa ng Dubai Crude,
02:22ayon sa industry sources.
02:24Bukod dyan, ay nakaapekto rin ang gasto sa pag-transport sa mga oil product
02:28o ang freight o shipping cost, pati na rin ang kompetisyon sa lugar.
02:33So, freight of shipping cost at kompetisyon.
02:36Ito rin ang dahilan kung bakit iba-iba ang presyo ng oil products sa kadalong sod at munisipalidad.
02:42Isa pang tanong, bakit tuwing Martes ipinatutupad ang oil price adjustments?
02:47Sabi po ni Energy Secretary Sharon Garin,
02:49ito na kasi ang napagkasundoan noon ng Department of Energy at Industry Players.
02:54So, imbis na araw-araw ang pagbabago sa presyo.
02:57Ngayong napakataas ang presyo ng mga produktong petrolyo,
03:00patuloy rin ang panawagan ng transport sector,
03:03magiging ng mga motorista sa gobyerno na patuloy na gumawa ng hakbang
03:07para masolusyonan o maibsan ang epekto nito.
Comments

Recommended