00:00Nakakaiyak na ang presyo ng sibuyas sa ilang palengke na halos kapresyo na ng karne.
00:06At live mula sa Marikina City, may unong balita si EJ Gomez. EJ?
00:15Susan, pangunahing sangkap sa pagigisa ang sibuyas.
00:19Pero paano na lang ang budget at ulam kung ang kada kilo ng sibuyas, nako, umabot na sa P310 pesos.
00:30Nananatiling mataas ang presyo ng karamihan ng gulay na ibinibenta sa Marikina City Public Market.
00:36Ang ilan nga, mas nagmahal pa nitong mga nagdaang araw ayon sa mga nagtitinda.
00:42Sabi ng tinderang si Jenny Lean, dahil daw yan sa mga dumaang bagyo sa norte na sumira sa mga pananim
00:48sa ilang probinsyang pinagkukuna ng supply ng gulay at ibinibenta sa Metro Manila.
00:53Talagang ang napuruhan po kasi ng bagyo, norte.
00:58Bagyo ang nababiskaya. Yan po kasi ang first supplier talaga ng gulay natin.
01:06Kaya talagang shortage po talaga siya. Kaya ganyan ang presyo ha natin.
01:10Kami, dealer pa po kami ha. Ganyan na yung presyo namin. What more sa mga humahangos sa amin.
01:17Ang ilang klase ng gulay, nagkakaubusan na raw ng supply.
01:21Ngayon po actually, ang bagyo beans namin medyo nagkakaubusan talaga. Wala kaming supply.
01:28Actually, ang presyo niya ngayon naglalaro siya sa 500, 400, ganyan.
01:33Dito sa Marikina City Public Market, ang kada kilo ng local red onions o pulang sibuyas pumalo na sa 310 pesos.
01:42May mas mura at malalaking variety na imported galing India na ibinibenta ng 140 pesos kada kilo.
01:48Ang imported white onion naman na maliliit, 140 pesos din ang kada kilo.
01:54120 pesos kada kilo yung mas malalaki.
01:58Mas mababa ang presyo ng mga lokal at imported na pula o puting sibuyas
02:01base sa Price Monitoring Index ng Department of Agriculture sa Metro Manila.
02:06Ilang gulay pa ang mas tumaas ang presyo gaya ng ceiling green na nasa 330 pesos ang kada kilo ngayon mula sa dating 250 pesos.
02:14Ang ceiling labuyo naman, mabibili sa 500 pesos na nooy 400 pesos.
02:21At ang bell pepper, 280 pesos mula sa dating 220 pesos kada kilo.
02:28Mas mababa rin ang ceiling labuyo at halos katumbas lamang ang bell pepper
02:31base sa Price Monitoring Index ng Department of Agriculture sa Metro Manila.
02:37Ang mamimiling si Antonia, araw-araw na lang daw dumidiskarte para mapagkasya ang budget.
02:42Oo nga ang taas ng presyo ng mga gulay kaya ang ginagawa ko na lang,
02:47binabawasan na lang yung mga gulay na bibilin mo.
02:52Hindi na yung kung isang kilo, hindi na gano'n.
02:55Half na lang, yung mura na lang yung binibili.
02:58Susan, sabi pa naman nakausap natin nagtitinda, baka ilan lang na gulay yung magbaba yung presyo sa mga susunod na linggo.
03:12Pagsapit daw kasi talaga ng December ay nagbabago o tumataas talaga ang presyo ng ilang gulay.
03:17Huwag lang din daw sanang bumagyo ulit at masira yung pananim ng kanilang mga supplier.
03:22Mula po dito sa Marikina City, EJ Gomez para sa GMA Integrated News.
Comments