Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mahigpit ang pagbubantay ng polisya sa bahagi ng Menjola at recto sa Maynila kung saan nagkagulo sa protesta noong Setiembre.
00:08Pero para sa mga ralista, overkill ang paghihigpit dahil wala naman daw silang balak manggulo.
00:14Mula sa Maynila, nakatutok live si Rafi Tiba.
00:21Even hindi nga nakalapit sa Menjola itong mga ralista matapos itong harangan ng mga anti-riot police
00:27ng barbed wire, ng concrete barriers at mga shipping containers.
00:31At kahit na wala na yung mga ralista, ay nakabantay pa rin dito yung mga polis sakaling may bumalik pa rito.
00:40Wala nang nagawa ang mga ralista kundi tumigil sa kanto ng CM Recto at San Sebastian Street.
00:45Limang talambakang barbed wire na kasi ang nakaharang bukod pa sa mga concrete barrier at mga anti-riot police.
00:52Nakahanda pa ang mga polis sakaling may mambato dahil isang net ang nakalapag sa kalsada
00:56na kanilang itataas kapag may mabato sa haning ng mga nagpaprotesta.
01:00Dahil hindi na makalusot ang mga ralista, dito na sila nagprograma.
01:04Mula Luneta, bit-bit nila ang FGN na Pangulong Bongbong Marcos at VP Sara Duterte.
01:09Sinira nila ito bilang simbolo o mano ng kanilang pagkondina sa korupsyon at katiwalian
01:13sa pamahalaan sa pamumuno ng Pangulo at pangalawang Pangulo.
01:16Tamae ang taong bayan!
01:19Tamae ang taong bayan!
01:21Sukang-sukana sa korupsyon!
01:23Sukang-sukana sa korupsyon!
01:26Gate ng grupo, wala naman silang balak mga gulo,
01:28kaya nakakapagtakaumanuang anilay overkill na pagbubantay ng mga polis.
01:32Walang agenda na magkasik ng gulo.
01:37Ang gusto lang natin, makapagpahayag.
01:40Of course, problema natin, pag ganito yung sinasalutong sa atin,
01:45makakompetensyon.
01:46Kasi kung magiging pakiramdam na tao,
01:50sinisikil yung kanilang karapatang magpahayag.
01:52Kalahating oras lang mula nang dumating, agad nang disperse sa mga grupo.
01:56May mga marshal na nagtitiyak na walang matitira sa kanilang hanay.
01:59Dito kasi nagsimula ang kaguluhan noong September 21,
02:02matapos may mga naiwang ralista at nakipagirian sa mga polis.
02:06Ito raw ang nais iwasan ng pamahalaan,
02:08kaya naging mahigpit ang kanilang pagbabantay.
02:11Ayon kay DILJ Secretary John Vic Rimulla,
02:13na personal na nagmasik sa protesta,
02:15mabuti ng handa, lalo pat may mga impormasyon silang may manggugulo sa kilos protesta.
02:19Meron bang info na may manggugulo?
02:21Meron. Lagi naman may raw info na ganyan eh.
02:24Pero hindi mo naman hanggang nandiyan-dyan ako may manghayari talaga.
02:27Buti na ang over-prepared kasi under-prepared.
02:30Ang siguridad ng bansa kasi binabantayan natin dito eh.
02:36Hindi naman isang tao, hindi naman isang building,
02:39pero buong bansa ito.
02:40Basta payagan natin na anarchy ang manaig dito.
02:44Mahigit isang oras matapos sumalis ng mga militanting grupo,
02:47dumating naman ang isa pang grupo na nananawagan na bumaba sa pwesto si Pangulong Bongbong Marcos.
02:51May mga bit-bit na plakard na may katagang maisog ang grupo na naharang din sa kanto ng San Sebastian Street at CM Recto.
02:59Umalis na pero bumalik si DILG Sekretary Rimulya para tingnan ang mga nagkikilos protesta.
03:04May mga human rights observer din mula sa isang international NGO at mula sa CHR na nagmasib sa protesta.
03:10Sa kabuan, tatlong batch na mga protesters yung nagtungo dito sa CM Recto
03:19at nagpilit na makarating dito sa may makasahisayang Mendiola,
03:23isang lugar na sumisimbolo sa kasahisayan ng protesta sa bansa.
03:27Yan ang latest mula dito sa CM Recto malapit sa Mendiola.
03:30Ivan?
03:31Maraming salamat, Rafi Tima.
03:33Sa EDSA Shrine at Liwasang Bonifacio nagtipon ang mga release ng kritiko naman ni Pangulong Bongbong Marcos.
03:41At nakatutok doon live, si Darlene.
03:45Darlene?
03:48Pia ilang rarelista ng Trillion Peso March yung nandito pa rin sa EDSA Shrine
03:52at nagmomonitor sila ng live feed ng programang nangyayari sa People Power Monument.
03:57Karamihan sa kanila, mga senior citizens.
03:59Ilang hakbang lang mula rito ay nag-organisa naman ng Hiwalay na Kilos Protesta
04:04ang ilang grupo na marami sa kanila ay mga taga-suporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
04:09at Vice President Sara Duterte.
04:12Nananawagan sila ng pagbibitiw ng Pangulo.
04:18Kay Pangulong Bongbong Marcos, nakatuon ang galit ng mga release ng ito na nagtipon kaninang alas dos ng hapon.
04:25Ikulong sa Selta 13.
04:28Naniniwala silang may kinalaman ng Pangulo sa mga ninakaw na pondo ng bayan.
04:33Narito ang mga miyembro ng PDP Laban, Marcos Resign Movement, Marcos Alizjan Network
04:38at Bangon sa Bayan and People's Movement.
04:40Mga taga-suporta rin ni na dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte.
04:45Ito po ay isang malinaw na panawagan.
04:48Wala nang patutunguhan ng gobyerno ni Marcos.
04:50Pabagsak na ito at lugmok ng buong bansa.
04:53Ayaw daw nilang mag-rally sa People's Power Monument kung nasaan ng Trillion Peso March.
04:58Nauna na kasing sinabi ng organizers ng Trillion Peso March na hindi sila nananawagan ng pagpapababa sa pweso ng Pangulo.
05:04Pero sa bahagi ng EDSA kung nasaan sila, pinaaalis sila ng mga polis dahil wala silang permit.
05:08Kanina may tretto bareste. Pero sabi namin kung aristoin nyo kami, makukulong ito lahat.
05:15Sa huli, pinayagan din silang magdaos ng programa sa tapat na isang mo sa EDSA Ortigas hanggang alas 5 ng hapon.
05:20Sa liwasang Bonifacio sa Maynila, nagtipo ng Save the Philippines Coalition at Association of Genuine Labor Organizations,
05:29pati ilang tagasuporta ni dating Pangulong Duterte na ang sigaw ay Marcos You Are Fired at Marcos Resign.
05:36Pia, mapayapan na rin nag-disperse yung mga nag-rally kanina sa EDSA Ortigas bago pa mag-alas 4 ng hapon.
05:57Hindi na sila dumiretso pumunta dito sa EDSA Shrine pati na sa People Power Month.
06:01Yan ang latest mula rito sa EDSA Shrine. Balik sa'yo, Pia.
06:04Maraming salamat, Darlene Kai.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended