Skip to playerSkip to main content
Isang araw matapos magbalik-bansa, sumalang agad si dating DPWH Sec. Manuel Bonoan sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa flood control scandal.


Nakuwestiyon siya kaugnay sa mali-mali umanong coordinates o lokasyon ng mga itinayong proyekto kontra baha.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00One day, after returning back to Bansa,
00:03it was right back to the DPWH Secretary Manuel Bonoan
00:07at the Senate Revolver Committee on the Flood Control Scandals.
00:12He asked the question at Ignite
00:14at the location of the DPWH Projects
00:19and the defense of Bonoan at the Pagtutok Live
00:22by Mar Gonzalez.
00:24Mel, posibleng lumobo raw yung bilang
00:30ng mga hinihinalang ghost flood control projects
00:33dahil nga dito sa mga mali-maling koordinates.
00:36Pero ayon sa DPWH,
00:37teknikalidad lang ito dahil sa mahigit
00:39tatlong daang proyektong sinek nila,
00:42meron talagang flood control projects
00:44na usod nga lang ng ilang metro.
00:50Shut the F up!
00:52Yan ang mensahe ni Sen. Ping Lakson
00:55sa mga anyay maiingay na naninira
00:57sa ginagawang investigasyon
00:59ng Senate Blue Ribbon Committee
01:00ukol sa ghost flood control projects
01:02pero walang tinukoy na pangalan si Lakson.
01:05Ngayon lang muli nagsagawa ng pagdinig
01:07ang komite simula noong Nobyembre
01:09at isa sa mga unang isinalang
01:11si dating DPWH Secretary Marie Bonoan
01:14kasunod ng aligasyon na sadyang nagbigay
01:17ng mga maling koordinates ng flood control projects
01:19si Bonoan para lituhin ang Pangulo.
01:21Sa validation ng Department of Public Works
01:24and Highways, 416 ang suspected ghost projects.
01:28Sa bilang na ito, 337 ang may mali-maling
01:31grid koordinates ayon mismo sa report
01:34ng DPWH sa Sen. Blue Ribbon Committee.
01:36Kaya tanong ni Lakson, pattern ba ito
01:39o hindi sadyang pagkakamali lang?
01:41Kung ang percentage ng mali
01:45na-overcome o na-overwhelm yung tama,
01:51may pattern yun.
01:52Pero kung halimbawang sa sampu na random sampling ninyo,
01:55isa o dalawa lang yung mali,
01:57then there's no pattern.
01:58Out of 337 ang more than 50 meters away,
02:05291 po.
02:07Yung less than 50 is 46.
02:10Ayon sa inisyal na pagsusuri ng DPWH
02:13noong kalihim pa si Bonoan,
02:15ang isinumiti nilang datos para sa sumbong
02:17sa Pangulo website ay ang coordinates
02:19na sinusumiti sa planning stage ng proyekto.
02:22Hindi pa itong aktual na coordinates o lokasyon
02:25kung saan mismo itinayo ang proyekto.
02:27At ang layo ng proposed
02:30at ang layo ng aktual.
02:33Paano nagkaganon?
02:35We will have to investigate.
02:37And Mr. Chair, doon po sa tanong niyo kanina,
02:39kung yun po ba yung sinamit deliberately,
02:41of course, ayaw po namin,
02:42we're not in the position to answer that.
02:45Meron po kami dinidevelop na app.
02:48Ito na po yung unified application
02:51wherein the coordinates from the planning stage
02:55and the coordinates for the actual
02:57ay isang mapa na lang po yung ginagamit.
03:00Halimbawa, sa isang flood control project
03:02sa Nagilian La Union,
03:04halos dalawang kilometro ang pagkakaiba ng coordinates.
03:07Sa Cagayan River naman,
03:08mahigit dalawang kilometro
03:10ang pagkakaiba ng coordinates.
03:12Ayon kay Laxon,
03:13kung mali-mali ang coordinates na sinumiti,
03:16posibleng lumobo ang bilang ng ghost projects
03:18kahit may nagawa naman talaga.
03:20Kasi pag pinuntaan yung grid coordinates na mali,
03:23wala makikita ang project,
03:24i-re-report na ghost.
03:25Yan po ang nangyari dito sa initial field validation natin.
03:31Out of the supposedly 421,
03:34na trim down to 416,
03:37dahil wala sila pong nakita,
03:39dahil mali po yung coordinates,
03:41ni-report po nila as non-existent.
03:43Meron pong mga lugar,
03:45medyo masukal na yan.
03:46And kung talagang mag-deviate ka lang
03:51by a few so many meters,
03:54hindi mo talaga po makikita.
03:56Ayon kay dating DPWH Yusek Roberto Bernardo,
03:59sinabihan daw niya ang ibang opisyal ng DPWH
04:02na maling coordinates ang naipasa.
04:05Malaki po ang diferensya niyan
04:06dun po sa datos ng planning
04:08kasi minsan po sa loob po ng isang taon,
04:12nagbabago po ang linya ng ating mga ilog.
04:14So yan po, kailangan maging sakto.
04:16Paliwanag ngayon ni Bonoan
04:18sa mali-maling coordinates
04:19ng flood control projects
04:20na naibigay sa Pangulo,
04:22umasa lang siya
04:23sa datos na galing sa opisina
04:25ni Yumaong DPWH Yusek Catalina Cabral.
04:28Because of the time constraint
04:30that we have to submit,
04:33I instructed the late
04:36Undersecretary Cabral
04:40to collate the information
04:41that we need to submit
04:42to the office of the President.
04:44Dagdag ni Bonoan,
04:46sa planning coordinates na binigay nila,
04:48ang nakalagay lang ay bayan at probinsya
04:50kung saan ilalagay ang proyekto.
04:52Marami pa naman daw silang binigay
04:54na pwedeng i-check ng field inspectors,
04:56gaya ng pangalan ng proyekto,
04:58anong ahensya o district office
05:00ang magpapatupad,
05:01contractor,
05:02pechang sinimulan at natapos,
05:04pati halaga ng kontrata.
05:05Noong panahong din yun,
05:07Region 3 lang aniya ang nagreport
05:09na posibleng may ghost project
05:11sa lugar nila.
05:12Personal daw vinalidate ni Bonoan
05:14ang report
05:15at doon na nga nila nadiskubre
05:16ang mga anomalya
05:18sa Bulacan 1st District Engineering Office.
05:20Agad daw niya itong nireport sa Pangulo.
05:22My statement to the President
05:25is that I hope, Mr. President,
05:28that this is an isolated case
05:30because there has not been
05:32any other report that reached me.
05:35The President told me
05:36to start investigating
05:38the ghost projects.
05:41Immediately thereafter, Mr. Chair,
05:43I relieved all the personnel
05:47of Bulacan 1st Engineering District.
05:51Dahil naman, mali-mali nga
05:53ang unang coordinates
05:54na binigay ng DPWH,
05:56kailangan na naman daw
05:57umulit ng ahensya.
05:59Kung natapos na po natin
06:00yung one-third
06:03ng 30,000 flood control projects
06:05in the last 10 years,
06:07and then,
06:08i-re-reassess na naman po natin ito
06:09just to be sure po
06:11with our data.
06:15Kaya sa huli,
06:16nasayang lang ang buwis
06:18at oras na ginugol
06:19sa unang assessment.
06:20Bakit di yun
06:21yung ginamit
06:21ng department
06:22sa unang validation pa lang.
06:25Parang ngayon lang
06:26lahat ito nalalaman.
06:27Initially po,
06:28nagbuo nga po ng team
06:29itong ICI,
06:30composed of the AFP,
06:32PNP,
06:33and Depteb.
06:34And they relied on the coordinates
06:36dun po sa sumbong sa Pangulo.
06:37Mel,
06:42anim na oras na
06:43at nagpapatuloy pa rin ngayon
06:44yung pagdinig
06:45ng Senate Blue Ribbon Committee.
06:46Samantala,
06:47pinayagan naman na
06:48ng komite
06:48na ibigay yung kustodiya
06:50ni dating
06:51Bulacan 1st District Engineer
06:52Henry Alcantara
06:54sa Department of Justice
06:55dahil dito nga
06:56siya nakadetain
06:57sa Senado
06:57matapos masight and contempt
06:59mula pa noong Setiembre.
07:00Mel?
07:01Marami salamat sa iyo,
07:02Maab Gonzalez.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended