00:00Target ng DPWH na maayos ang mga butas na flood control project bago dumating ang tag-ulan.
00:08Habang sinibak naman sa pwesto ang ilang opisyal ng kagawaran dahil sa iba't ibang dahilan.
00:13Ang detali sa report ni Gab Villegas.
00:17Sinibak na ni Department of Public Works and Highway Secretary Vince Dizon ang ilang opisyal sa iba't ibang kadahilanan.
00:23Dito ay sinibak ng kalihim ang apat na regional director, dalawang assistant regional director at dalawang district engineers na kasalukuya na rin iniimbestigahan.
00:33Mayroon naman tatlong district engineer ang tinanggal rin sa pwesto dahil hindi naman naabot ang mga kwalifikasyon na inilatag na civil service commission.
00:41Nakatakdang maglaba si Dizon sa susunod na linggo ng bagong merit requirements para sa lahat ng opisyal ng kagawaran.
00:47Magkakaroon rin ang balasahan sa mga regional offices ng DPWH.
00:51Aabot na sa labindalwa ang bilang ng mga naaresto at labilniba naman ang mayroon ng warrant of arrest dahil sa kanilang pagkakasangkot sa maanumalyang flood control projects.
01:01Tiniyak naman ang kalihim na gagastusin at gagamitin ang pera ng taong bayan sa tama kasunod ng paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 2026 General Appropriations Act.
01:10Target ng DPWH na maayos ang mga flood control projects na may butas bago dumating ang tag-ulan.
01:16Ayon pa sa kanya, hindi sapat na mayroong makulong at mapanagot sa mga maanumalyang flood control projects at sisimulan na ayusin ng kagawaran ang mga flood control projects sa Bulacan, Oriental Mindoro at Dabao Occidental.
01:28It's already January, February, March, April, May, June. Wala ng 6 na buwan. Uulan na naman, babahain na naman itong mga lugar na ito.
01:37And hindi tayo papayag na gano'n. Yan ang isa sa mga inutos ng Pangulo sa akin nung nagkita kami right after napirmahan ang budget.
01:46Kailangan ayusin lahat ito bago magtag-ulan.
01:49Isa rin sa aayusin ng DPWH ang kanilang budget planning process, kusaan sa ilalim ng bagong proseso, ibabatay ang nakalinyang proyekto batay sa pangangailangan.
02:00Dapat mayroong plano ang lahat ng proyekto at inendorso ng Regional Development Councils at tuunahin ang pondo para sa pagkompleto ng mga ongoing projects.
02:10Lahat ng project kailangan may plano. Lahat ng project dapat endorse ng mga Development Councils.
02:15Diba? At uunahin natin ang pondo, kasi limitado ang pondo eh.
02:23Diba? Nakita natin ngayon eh.
02:25Every, sabi ng Pangulo, every centavo, every peso counts.
02:30And with limited funding, kailangan unahin natin yung pondo para matapos ang mga proyekto.
02:37Hindi yung nakatinga yung tulay, nakatinga yung kalye, tapos magpupondo ng kung ano-ano para ng pagkakitaan. Tama na yun.
02:46Kasal kuya na rin nagtatalaga si Dyson ng mga bagong opisyal na magpapabago ng sistema sa kagawaran.
02:53Magsasagawa rin ang DPWH ng Campus Job First para sa mga graduating students at passers ng licensure examinations sa iba't ibang mga pamantasan at universidad simula ngayong buwan.
03:04Gab Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.