00:0015 araw ang itinalagang palugit ng Bureau of Customs sa mag-asawang Niskaya para patunayan na hindi smuggled ang ilan sa kanilang luxury cars.
00:10Yan ang ulat ni Patrick DeJesus.
00:1315 sa 30 luxury cars ng pamilya Niskaya, ang controversial na contractor sa mga umano'y-maanumalyang flood control projects, ay may kakulangan sa dokumento.
00:25Ito ang resulta ng pagsusuri ng Bureau of Customs na may kustodya ngayon ng mga naturang mamahaling sasakyana.
00:32Walo rito ang itinuturing bilang smuggled dahil walang payment certification, wala pang import entry.
00:40Kabilang dito ang Rolls Royce, Toyota Tundra, Toyota Sequoia, Mercedes Bench Brabos, Lincoln Navigator, Bentley Bentayga, at Toyota Land Cruiser 300 Series.
00:52Binigyan ng 15 araw ang mga diskaya, pati na ang mga importer ng sasakyan para magpakita ng kaukulang dokumento bago maglabas ang BOC ng Warrant of Seizure and Detention.
01:05Pag hindi kami satisfied o hindi magandang kanilang pagkakapaliwanag, tutuloy po tayo ng seizure proceedings.
01:14At this point, mukhang doon na rin naman patungo yung direksyon na yan.
01:18Binibigyan lang natin ng pagkakataon yung consignees na pinagbilahan ito at yung mismong owners ngayon.
01:26Pwede din namang outright pinasok. Marami tayong shorelines. Pwedeng ipinasok yan through some other means.
01:34So, mayikita namin yung complete picture, sabi nga ni Commissioner, once we get to the next phase of the investigation.
01:40Pito naman sa mga luxury vehicle ay may import entry na pumasok sa Batangas, Cebu, Manila, at MICP.
01:48Kaya lang walang payment certification. Kaya't posibleng may hindi tamang buwis na nabayaran.
01:54Isang sasakyan na isinuko kagabi ang sinusuri pa habang kumpleto ang dokumento ng labing apat na iba pa.
02:02Pero hindi pa rin lusot sa patuloy na pagsusuri ng BOC.
02:07Una-una, tama ba yung mga pinagbayaran?
02:10Kung yung pinagbayaran lang ang pinag-usapan natin, pwede na sana yun.
02:14Kaya lang kung mali ang mga dokumento na naging basihan ng pagbabayad kahit patama ang binayaran mo,
02:24hindi rin ganun kasimple. Merong criminal aspect yun. So, not that simple.
02:28Higit sa sampung tauhan din ngayon ng BOC ang iniimbestigahan upang alamin kung paano nakalusot
02:35ang mga sasakyan na ito na kulang ang dokumento.
02:39Again, persons of interest pa lang yan.
02:41At titignan natin, pagpapaliwanagin natin kung bakit nakalusot o dumaan sa kanila yung mga sasakyan
02:50nang hindi nagkaroon ng tamang dokumento at hindi nagbayad ng tama.
02:55Doon sa mga ganun yung sitwasyon, we will have to make even our own people accountable.
03:01Kasama sa iimbestigahan ng BOC, ang apat na opisyal ng Department of Public Works and Highways
03:08na sinasabing nagmamayari rin ng mga mamahaling sasakyan.
03:12Patrick Dezus para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.