00:00Ilulunsad ng Department of Budget and Management ang Project Digital Information for Monitoring and Evaluation of Project Dime ngayong Agosto
00:09para sa pagmamonitor sa infrastructure project sa pamagitan ng paggamit ng drone at ng satellite.
00:15Inaulat ni Vel Custodio.
00:19Problema ni Dani Ambaha sa tuwing tagulan.
00:22At kahit may proyekto para dito, hindi naman ito efektibo.
00:26Hiling niya, matutukan sana ito ng gobyerno.
00:30Ano dito? Pero nagbabaha pa rin.
00:32At matagal na problema niya, lupa hanggang ngayon, ganyan talaga trabaho niya.
00:37Eh, paano gagawin nito? Nasaan gumagawa niya? At doon siya nagpapagawa?
00:41Upang matiyak ang pagtutok ng pamahalaan sa aktual na progreso o accomplishments sa mga proyekto,
00:47ilulunsad ng Department of Budget and Management ang Project Digital Information for Monitoring and Evaluation o Project Dime sa August 27.
00:55Magsisimula muna yan sa mga infrastructure projects kasi it's something that can be easily seen by the people, no?
01:03So gagamitan po natin ng drone and satellite para makita po nila kung anong nangyayari doon sa mga proyekto.
01:09Line by line po, makikita nyo doon.
01:12Katuwang ng DBM ang DICT, DPWH at UP Project NOAA sa naturang programa.
01:18Ayon kay Budget Secretary Amenda Pangandaman, maaari rin magparticipate ang publiko sa pagka-update ng proyekto.
01:24Makikita nyo po yung status ng proyekto, kung magkano at kung kanino po siya na-award.
01:31Kung kanino na-award yung proyekto na yon.
01:34At, ang pinakamaganda po dito may public participation.
01:39Pwede pong mag-login ang ating mga kababayan at mag-comment.
01:45Okay.
01:45O mag-upload din ng photo and video.
01:49Hindi po totoo mami ang nasa satellite nyo.
01:51Importante rin po kasi paano po malalaman ng gobyerno if may nangyayari kung wala naman pong nagsasabi kung ano mali.
01:59Kung babalikan, sa State of the Nation address si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong nakarang buwan,
02:05pinatutukan niya ang imbistigasyon sa umano'y maanumalyang flood control projects.
02:10Sa isinubiteng President's Budget sa House of Representatives kahapon,
02:14P881 billion pesos ang posibleng ilalaang pondo para sa Department of Public Works and Highways para sa Fiscal Year 2026.
02:22Pagkamat pumapangalawa ang DPWH sa may pinakamataas sa proposed budget,
02:28mas mababa ito kumpara sa 2025 General Appropriations Act ng DPWH na aabot sa trilyong pisong pondo.
02:35Sa proposal ng DPWH, 274.5 billion pesos po ang flood control projects,
02:43272 billion po dyan is sa DPWH and the remaining balance of 2.5 billion pesos ay sa Metro Manila Development Authority po.
02:5180 bilyong piso ang ibinaba para sa mga flood control projects.
02:55Habang 400 billion pesos pa ang natitirang pondo ng DPWH ngayong taon na may 2 years validity,
03:02titiyakin ang pamahalaan na tama ang pinaglalaana ng budget.
03:06Samantala, magsasagawa ng Agency Performance Review sa August 20 para masubaybayan ang mga programa at proyekto ng mga ahensya na pamahalaan
03:15at kung aktual ba itong nararamdaman ng masa o na sa tamang kalidad ba ang mga proyektong ginagawa.
03:20Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.