00:00Samantala, inirekomenda ni DPWH Secretary Vince Dizon sa Kongreso ang pag-alis ng alokasyon para sa locally funded na flood control projects.
00:11Ito ay nakapaloob sa isinumiting revised budget ng DPWH para sa 2026 National Expenditure Program.
00:18Ayon sa kalihim, ito ang pagtugon ng ahensya sa mga issue na nakita sa inisyal na bersyon ng budget kabilang na ang pagpondo sa mga natapos na at duplicate na proyekto.
00:29Dahil dito, bababa ng 28.99% ang panukalang budget ng DPWH sa P624.784 billion mula sa naunang naisumite na P881.312 billion.
00:45Ayon pa kay Secretary Dizon, ito'y alinsunod rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:52na pagtanggal ng pondo sa local flood control projects sa 2026 NEP
00:58at paglalaan sa ibang proyekto at programa ng pamahalaan tulad ng kalusugan, edukasyon at agrikultura.