00:00Hindi lang biyahe ang inaasahang bibilis, kundi maging ang pag-unlad ng Cagayan Region.
00:05Ito ay matapos ang pagbubukas ng isang tulay doon na pinangunahan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:11Yan ang ulat ni Kenneth Paschente.
00:15Para higit pang mapabuti ang ugnayang pangrehyon at mobility o malayang paggalaw particular sa Hilagang Luzon,
00:22pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang inaugurasyon ng Kamalanyugan Bridge sa Alcalacagayan ngayong araw.
00:30May kabuo ang haba ang naturang tulay na 1,580 meters na may 1,100 meters na approach bridges at 480 meter cable-stayed main span.
00:41Sabi ng Pangulo, magsisilbing daan ang tulay para sa pagkonekta ng mga bayan ng Kamalanyugan at apari
00:47na magbibigay ng bagong ugnayan sa transportasyon sa lalawigan.
00:52Pangunahing layunin nito na makabuo ng alternatibong ruta sa Magapit Suspension Bridge,
00:56ang kaisa-isang tulay na dating tumatawid sa Cagayan River sa pinakahilagang bahagi ng Cagayan.
01:03Sa pagbubukas ng tulay, inaasahang iikli ang travel time sa pagitan ng apari at balyesteros sa 20 minuto mula sa dating isang oras na biyahe.
01:12Mapapagaan din nito ang trapiko, mababawasan ang gasto sa transportasyon,
01:15at mas mapapadali ang araw-araw na biyahe ng mga residente at mga transport operator.
01:21Makakatuwa dahil napakalaking bagay ang paglagay ng ganitong klaseng tulay.
01:26Dahil, as all of you here are well aware, it cuts the travel time.
01:32Imbis na umiikot na napakalayo para tumawid, ay nandito na yung ating Kamanyugan Bridge.
01:40Giit pa ng punong ehekutibo, mapapaunlad pa nito ang ekonomiya sa lalawigan lalo na tinatayang nasa 6,000 biyahero kada araw ang makikinabang sa tulay
01:49na sumusuporta sa kalakalang pangrehyon, agrikultura, logistics at turismo
01:55habang pinatitibay ang paninindigan ng pamahalaan sa makapago, matatag at makataong pagpapaunlad ng infrastruktura.
02:02Ako'y nakakasiguro na ang tulay na ito, magbabago ang ekonomiya sa magkabila ng tulay na ito,
02:10maraming mabubuksan, and this will give many opportunities for our, for mga, in the surrounding areas,
02:22mabibigyan ng mga opportunities for new jobs, for new businesses,
02:25and I'm sure that you will feel the effects, the economic effects in a very, very short time.
02:33Kinilala naman ni Pangulong Marcos Jr. ang pamahalaang panlalawigan ng kagayan sa matagumpay na pagkumpleto ng tulay
02:38sa kabila ng ilang isyo patungkol sa infrastruktura.
02:42Umaasa ang Pangulo na magsisilbing ehemplo ang Kamalanugan Bridge sa mga itatayupang tulay sa iba't ibang panig ng bansa.
02:49Tuluyan nang bubuksan ang tulay sa publiko ngayong araw.
02:52Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bago, Pilipinas.
Comments