00:00Lusot na sa committee level ng Kamara ang panukalang magpapatatag sa kapangyarihan ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
00:09Yan ang ulat ni Mela Les Moras.
00:13Umaasa si Navotas City Representative Toby Tiyanco na malalagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
00:20ang panukalang magpapatatag sa Independent Commission for Infrastructure o ICI ngayong taon.
00:27Kahapon matapos ang masusing talakayan ng House Committee on Government Reorganization na ipasana sa committee level ang substitute bill para rito.
00:36Sa ilalim ng panukala, gagawin ang Independent Commission Against Infrastructure Corruption o ICAIC ang kasalukuyang ICI.
00:45Palalawakin din ang kapangyarihan nito kabilang na ang kapasidad na maglabas ng whole departure order at magrekomenda ng pagpapakansila ng passport.
00:54Gayun din ang aktual na paghahain ng reklamo laban sa mga sangkot sa katiwalian at pag-freeze o sequester ng kanilang ari-arian.
01:02Tuwiran din ipinagutos sa panukala na dapat ay naka-livestream na ang mga pagdinig ng komisyon maliba na lang kung kailangan talaga ng executive session.
01:12Sabi ni Tiyanco, malaki ang may tutulong sa kampanya kontra korupsyon ng gobyerno kapag naipasa ito.
01:18Kaya't inaasahan niya na mabilis ang magiging usad ng panukala.
01:22Sabay na mabilis gumagalaw eh. Mukhang nauna pa yata ng isang araw yung pag-approve ng Senate ng kanilang version doon sa komite.
01:33So nakita natin na kahit sila yung nagbabudget hearing, talagang pinaprioritize nila ito.
01:39So ang mangyayari niyan, ang target is mabaykam before mag-break. And I think we have enough time.
01:46Bukod naman sa agarang pagpasa sa panukala, hiling ng iba pang kongresista sana'y mapanagot na rin sa lalong madaling panahon ang mga dawit sa katiwalian.
01:56Ayon kay TINGOG Partilist Representative Jude Asidre, hindi mananaig ang pananagutan kung sasabayan ito ng pansariling interes at biases nang walang ebidensya.
02:05Kaya't sana'y masok po na rin ang mga haka-haka at fake news.
02:09Git naman ni Las Piñas City Representative Mark Anthony Santos, dapat ay mapaiting na rin ang investigasyon ng ombudsman sa issue sa ngala ng justisya at para na rin maprotektahan ang kabanang bayan.
02:21Mela Las Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.