00:00Random na ramdam ng mga motorista sa Metro Manila.
00:03Ang epekto ng no-contact apprehension policy,
00:06kahit tatlong araw pa lang itong ipinatutupad.
00:09Yun ang ulat ni Bernard Ferrer.
00:12Karaniwang inaabot ng 20 minuto ang biyahe ni Ronald
00:15mula Evergotesco patungong UP Technohub
00:18sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
00:20Pero kayong araw, inaabot lamang ito ng halos 5 minuto.
00:23Malayo sa nakasanayang biyahe,
00:24na palaging late at stress sa pagkukumute,
00:27ngayon ay maaga siyang makakapasok na walang abala.
00:30Nakatulong ko talaga.
00:31Kasi numuwag po yung ano natin, yung pasada natin.
00:34Hindi tulad yung kahapon lang,
00:36hindi pa na i-implement yun.
00:39Grabe, pumpul-pumpul diyan mo.
00:41Kapalik na rin naman ang kay Siron.
00:43Ang dating saglit na biyahe mula payatas hanggang Philcoa,
00:46inabot ng 40 minuto.
00:48Kailangan kasi niyang manatili sa motorcycle lane
00:50sa Commonwealth Avenue para iwas sa traffic violation.
00:53Ikaw ba simula implementation ng NCAP?
00:56Sa tingin mo may violation ka na?
00:58Piling ko wala pa, sumusunod ako.
01:00Sa ikatlong araw ng pagpapatupad ng NCAP,
01:02mas maayos at maginhawa na ang daloy ng mga sakyan sa Commonwealth Avenue
01:06pagkamat kita ang pila ng mga motorsiklo sa motorcycle lane.
01:09Sinusunod din ng mga PUV ang tamang loading at unloading zones
01:12na nakatutulong upang maiwasan ang abala sa kalsada.
01:15Nilinaw ni MMDA chairman Romando Artes
01:18na dadaan sa masusing review ang mga namonitor na paglabag sa NCAP
01:20bago magpadala ng notice of violation sa mga motorista.
01:23Ani Artes, hindi agad ituturing na paglabag ang simpleng pagtapak sa linya.
01:27Itinanggi rin ang MMDA chairman na ginagamit ang NCAP
01:30bilang income generating scheme ng MMDA.
01:32Giit niya, layunin ang programa ang disiplina sa kalsada.
01:35Nagdagpa niya, gumagamit sila ng mga makabagong kamera
01:38na may artificial intelligence o AI
01:39upang masigurong tama at makatwiran ang pagtutok sa mga paglabag.
01:43Mahigit dalawang libong motorista na ang naitalang lumabag sa NCAP
01:46mula nang muli itong ipatupad noong lunes
01:48sa mga pangunang lansangan sa Metro Manila,
01:50kabilang EDSA, C5 at Commonwealth Avenue.
01:53Mula lang sa isang umaga hanggang alas 11 ng umaga ngayong Merkules,
01:56umabot sa 394 ang naitalang lumabag sa NCAP.
01:59Karamihan, hindi pagsunod sa traffic sign at motorcycle lane sa Commonwealth Avenue.
02:04Hindi tamang pagbababa at pagsakay ng mga PUV
02:06at iligal na paggamit ng EDSA busway.
02:08Bernard Ferrer, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.