00:00.
00:02Sinisimulan na ng Bureau of Customs ang proseso ng bidding
00:06para sa mga nasubastang sasakyan ng mag-asawang Sara at Curly Diskaya.
00:11Matatandaan na may labing tatlong sasakyan na nakumpiska ang customs
00:16dahil sa mga irregularidad sa mga dokumento nito.
00:19Pito rito, nakapublic viewing para sa nakatakdang auction sa November 20.
00:24Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., bahagi ito ng mas pinaigting na kampanya ng pamahalaan
00:30laban sa paglabag sa regulasyon at hindi otorizadong pagmamayari ng mga mamahaling sasakyan.
00:37Noong September 2, nakumpiska ng Bureau of Customs ang labing tatlong luxury vehicle ni Nina Diskaya
00:45at dahil sa irregularity sa importation at sa dokumentation,
00:52itong mga luxury vehicle na ito ay i-auction na.
00:57Ang pagkaintindi ko, merong pito na i-auction next week at susunod na yung iba.
01:05Sa pitong sasakyan, tinatayang nasa 100 million agad ang maaaring kitain ng gobyerno.
01:12Kasama naman dito ang sumikat na sasakyan ng mga diskaya.
01:16Ang isa sa pinakasikat na tinitignan ngayon ng mga bidders dito sa public viewing ng mga sasakyan ng mga diskaya ay itong Rolls Royce.
01:25Bukod sa ito kasi, ang isa sa pinakamahal na nakasama sa bidding,
01:29nandirito kasi yung sumikat na payo.
01:33Ang floor price lang naman ng sasakyan na ito ay aabot sa 45,314,391 pesos.
01:43Kasama rin ang Bentley Bentayga na aabot naman sa higit 17 million ang floor price.
01:50Nandyan din ang Mercedes-Benz na higit 14 million at 7 million pesos.
01:55May ilan na namang bidders na nagsimula ng tumingi ng sasakyan.
01:59Nakita ko sa advertise ng custom option.
02:02So I just come here na titignan ko kung in case the price is right.
02:07Mga friend ko, they are interesting to buy.
02:10Para naman makapagbid, ang kailangan ay certified o accredited bidder.
02:15O kaya ay magparehistro at magsumite ng bidders registration form.
02:20May registration fee na 5,050 pesos.
02:23Kung representative lang, kailangan may special power of attorney na isusumite.
02:28Kailangan naman magbigay ng cash bond bago makapagbid.
02:33Kapag higit 5 million ang floor price, ang cash bond ay 5% ng presyo.
02:38Refundable ito kapag hindi nanalo sa bidding.
02:41Ang bid ay selyado at bubuksan lang sa auction sa November 20 at mananalo ang highest bidder.
02:49Sakali naman na may tie sa bidding, magkakaroon ulit ng sealed bidding.
02:54At kung nagtie ulit, gagamitan naman ang Tosscoin kung sino ang mananalo.
03:00Kung sakali naman na magkaroon ng failed bidding, ay kakailanganin ng reassessment sa mga sasakyan para ulitin ang proseso sa iba namang presyo.
03:10Sa floor price, kasama na ang tax dito pero hindi pa kasama ang paglilipat ng pangalan ng mga dokumento.
03:17Bukas ang public viewing mula alas gis ng umaga hanggang alas 5 ng hapon at nagtatapos ito ngayong araw, November 14.
03:25Inaasahan namang isusunod na rin ang anim pang sasakyan ng mga diskaya.
03:31Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.