Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
DSWD, tiniyak ang tulong at serbisyo para sa mga residenteng apektado ng Bulkang Mayon

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nakatutok ang iba't ibang ahensya ng pamahalaan sa pagtugon sa pangangailangan ng mga residenteng apektado ng Bulcang Mayon.
00:07Yan ang ulat ni Gary Carillo.
00:11Nasilayan kagabi ng mga residente dito sa Albay ang nakakaalarmang ganda ng Bulcang Mayon
00:17matapos maglabas ang pivox ng mga larawang nagpapakita ng crater glow sa tuktok nito.
00:22Kita rin ang nagbabagang lava dome at naitalang pyroplastic density current o ang tinatawag na uson
00:28na dumadaloy sa buong agali.
00:30Mga indikasyon na nananatili ang banta habang umiiral ang alert level 3.
00:35Kaya naman si Department of Social Welfare and Development o DSWD Secretary Rex Gatchalian
00:40agad na nagtungo ngayon dito sa Albay para tutukan ang pagbibigay ng tulong at servisyo sa mga apektadong residente.
00:47Sa katunayan, nakipagpulong ang DSWD sa mga lokal na opisyal para sa mga karagdagang hakbang ng pamahalaan
00:54sa mga pamilyang inilika sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone.
00:59Alam nyo, ang utos ng ating Pangulo, walang pamilya na dapat nagugutom sa ganito mga panahon.
01:04Kaya kami for as long as it takes, for whatever it takes, ready ang DSWD na sumuporta
01:09sa mga pangangailangan ng ating mga biktima dito sa Albay,
01:12magiging biktimas dito sa Albay, pati na rin sa mga local government units natin.
01:17Alam kasi natin, maliliit sometimes ang LGU natin kaya yung kapasidad nila maliliit din.
01:21Nakatakda rin magbigay ng Cash for Work program ang DSWD sa mga residenteng na apektuhan ng pag-alboroto ng bulkan.
01:29Kabilang sa mga prioridad dito ang mga minimum wage earner at mga apektadong magsasaka sa Albay.
01:35Ang Office of Civil Defense naman, binabalangkas na ang listahan ng mga pangunahing pangangailangan
01:40ng mga bakwit sa lalawigan.
01:42Dito binigyang D.I.O.C.D. Assistant Secretary Rafi Alejandro
01:46ang kahalagahan ng mabilis na distribusyon ng pagkain, malinis na tubig at hygiene kits.
01:52So ang National Government Agencies ay nandito para i-assure ang ating mga LGUs na nandyan lang yan
01:59para ibigay ka agad kung ano man ang tulong na kailangan, yung mga gaps.
02:04So ang naka-alerto na po ang DSWD, DOH, even yung NHA, yung Dishud, pinagsabihan na natin na maghanda
02:13at tingnan natin yung mga available relocation sites na pwedeng gamitin.
02:20Samantala, sunod-sunod na rockfall at pyroclastic density currents o USON
02:25mula sa summit dome ng Bulkang Mayon ang naitala ng PIVOX kaninang umaga.
02:30Kaya naman ang buong pwersa ng pamahalaan na nanatiling naka-alerto upang maramdaman
02:35ang ating mga kababayan ng tulong sa gitna ng pag-alboroto ng Bulkang Mayon.
02:40Mula rito sa Albay, para sa Integrated State Media, Gary Carillo ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended