00:00Nanindigan ang Department of Social Welfare and Development na marami pang ibang palaboy
00:04ang binibigyan nila ng tulong at hindi lang ang babae sa Makati City
00:08na si Rose na nag-viral matapos makitang lumabas sa isang imburnal.
00:12Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian,
00:15nasa 5,000 pamilya na nasa lansangan ang kanilang natulungan sa ilalim ng pag-abot program.
00:20Haykbit din ang tagubilin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:24na tulungan ang lahat ng dudulog sa kanilang tanggapan.
00:27May itinakdaring guidelines sa pagtukoy sa halagang ibinibigay sa isang benepisyaryo
00:31tulad na lang ng 80,000 pesos na ipinagkaloob kay Rose
00:34na ayon sa DSWD ay magiging paunti-unti at hindi isang bultuhan.
00:39May big nang binabantayan ng social worker ang progreso ni Rose
00:43kabilang na ang pagbili ng mga paninda sa itatayong niyang sari-sari store
00:47para masiguro hindi masasayang ang pinagkaloob sa kanyang pera.
00:52Gusto ko i-point out na lahat tinutulungan,
00:55hindi special case si Rose.
00:57Meron tayong guidelines at sa lahat ng kwentong to,
01:00social worker ang nag-a-assess at nananaig ang boses ng social worker.